INBK 20:

1.5K 44 3
                                    

Chapter 20.



Tinupad nga ni Jett ang pangako niya na babawi siya sa akin. Araw-araw na siyang umuuwi dito at mas maaga na rin kaysa sa dati. Madalas na rin siyang nagpapaalam o kaya tumatawag kapag gagabihin o di kaya ay hindi siya makaka-uwi, hindi na siya katulad dati na halos mamatay na ako sa pag-aalala at lungkot kapag hindi siya umuuwi at hindi ko alam kung kailan ba siya makaka-uwing muli.

Kababawan man pero natutuwa ako na malaki ang nag bago simula noong araw na nag talo kami ni jett. Maganda pa rin talaga na kahit papaano ay open pa rin kayo sa isa't isa nang taong mahal mo 'yong walang kinikimkim na sama ng loob.

May mga oras pa rin naman na napapansin kong parang may hindi siya sinasabi sa akin pero alam kong tungkol nalang iyon sa pamilya niya lalo na sa mama niya dahil alam din naman niya na hindi kami ayos ng kaniyang mama na tahasan ang pag ayaw ng bruhang nanay niya sa akin.

Abala ako sa pag-aayos ng isang flower vase nang bigla kong narinig ang pag-iingay ng doorbell. Napa sulyap ako sa wall clock at kumunot ang aking nuo nang makita kong isang oras pa lang ang nakakalipas nang umalis si jett para pumasok. Wala rin naman siyang naibilin na may darating siyang bisita ngayon.

Bumalik kaya siya?

Sa isiping iyon ay mabilis kong binitawan ang aking hawak at halos takbuhin ko na ang pintuan sa kagalakan ngunit malapit na ako sa may pintuan nang may bigla akong naalala.

Hindi nga pala nag do-doorbell si jett!

Biglang bumagal ang aking pag hakbang dahil sa naisip at ang kasabikan na naramdaman ko kanina ay parang bula na biglang naglaho.

Muling nag ingay ang doorbell na para bang naiinip na ang kung sino man ang nasa labas. Napa kunot noo ako nang may napagtanto.

Bakit pamilyar ang eksinang ito?

Ipinilig ko ang aking ulo at matamlay na binuksan ang pintuan at ganoon nalang ang aking pagkagimbal sa taong aking napagbuksan.

Mabilis akong umayos ng tayo at tinigasan ang ekspresiyon ng mukha.

"Anong ginagawa niyo dito?" Malaming kong tanong sa hindi welcome na buwesita na nag ngangalang Kiera.

May kasama siyang isang babae na hindi pamilyar ang mukha. Tumaas ang aking kilay.

Himala at hindi 'yong bruhang nanay ni jett ang kasama niya ngayon.

Ngumisi sa akin 'yong Kiera at parang gusto ko nang bunutin ang lahat ng ngipin niya.

"Hey! Inday right? How are you?" Masaya niyang bati habang abot tainga ang kaniyang ngiti.

Mas tumaas pa ng ilang pulgada ang aking kilay dahil sa ginawa niyang pagbati na akala mo ay subrang close namin. Ano naman kaya ang nakain ng bruhang ito at may pangiti-ngiti pang nalalaman ngayon?

Blanko ko siyang tiningnan bago ako nag salita.

"Kung si jett ang ipinunta niyo dito wala siya ngayon kaya makaka-alis na kayo" Malamig kong pagtataboy sa kanila at akmang isasarado ko na ang pintuan ngunit maagap nila itong napigilan.

"Wait! Hindi siya ang ipinunta namin dito, ikaw talaga ang sadya namin" ani Kiera.

Muling kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.

"At ano naman ang kailangan niyo sa akin? Ayaw ko na ng gulo kaya kung maaari umalis na kayo!" Naiirita kong muling pagtataboy sa kanila.

Wala ako sa mode na makipag away o makipag plastikan ngayon sa kaniya. Kunwari bait-baitan pa ang bruhang ito akala siguro niya mauuto niya ako sa paganiyan niya.

INDAY NG BUHAY KO Where stories live. Discover now