INBK 13:

2.3K 59 16
                                    

Chapter 13.

NANLALATANG katawan ang nakagisnan ko kinabukasan at nag iisa nalang sa ibabaw ng malambot na kama.

Mataas na ang sikat ng araw ayon sa nakikita ko sa labas ng naka bukas na bintana na natatabingan ng lumilipad na kurtina dahil sa ihip ng mabining hangin. napa mulagat ako at napa balikwas ng bangon nang dumako ang aking tingin sa wall clock.

"A-arayy!!"

Impit kong daing kasabay ng pag ngiwi nang maramdaman ko ang sakit ng buo kong katawan lalo na ang nasa pagitan ng aking mga hita na pakiramdam ko ay sugat-sugat at namamaga na ito ngayon! Kay bigat pa ng aking katawan. pakiramdam ko tinakbo ko mula dito sa Quezon hanggang sa manila dahil sa sakit ng buo kong katawan.

Agad na bumalik sa aking alaala ang mga nangyare kagabi. akala ko tuloy tuloy na ang aking pagpapahinga matapos ang unang yugto ng mainit na kaganapan na iyon subalit wala pa yatang isang oras ang lumilipas nang magising ako na muli na namang sinasamba ni jett ang hubad kong katawan at gaya nung na una ay hindi na ako nakatutol pa at naging sunod-sunuran na naman sa kapusukan ng binata.

Magdamag niya akong inangkin na tila wala siyang kasawaan sa aking katawan. sumuko na ang aking katawan sa subrang pagod pero siya ay parang mas na dagdagan pa ang kaniyang lakas at naging marahas pa siya sa mga sumunod na nangyare. bawat madaanan at mahawakan ng kaniyang mga labi at mga kamay sa bawat parte ng aking katawan ay siguradong nag iiwan ang mga ito ng mga bakas. kaya hindi na kataka-taka kung lantang gulay ang kinalabasan ko ngayon!

Napa tanga ako sa may orasan habang inaalala ang maiinit na tagpong iyon.

One twenty na ng hapon? Ganoon ako katagal na tulog? Ganoon ba ako kapagod? Langya! buong buhay ko dito sa ibabaw ng lupa ngayon lang nangyare ito ang magising ako na hapon na! Nakakapagod pala ang makipag-sundutan no? bakit Hindi ako na inf-- infor-- reform? Ah basta! yun na yun!

Pinilit kong gumalaw kahit ramdam ko ang kirot sa unting pagkilos ko lang at nung makaapak na ang aking mga paa sa sahig ay sinubukan ko nang tumayo pero muli lang din akong napa upo sa kama dahil sa nanlalambot ang aking mga tuhod.

Tangna talaga! Malulumpo pa yata ako dahil lang sa tender juicy hotdog na mayroon ang damuhong iyon!
Na iirita na ginulo ko ang dati ko nang magulong buhok at agad kong ipinulupot sa aking katawan ang isang malapad na kumot nung mapansin kong tanging bra at panty lang ang saplot ko sa katawan. Hindi ko maalala na nagawa ko pang makapag-suot nito dahil sa matinding pagod na tinamo ko at kung hindi ako nagkakamali si jett ang nag suot nito sa akin.

Samantala, Narating ko rin sa wakas ang banyo sa pa isa isang pag hakbang na ginawa ko patungo rito.

MATAPOS KONG maligo ay bumababa na rin ako. medyo gumaan na rin ang aking pakiramdam ngayon kumpara kanina na parang nasagasaan ako ng isang ten wheeler na truck!

Sa kusina na ako tumuloy pag baba ko, kanina pa rin kasi kumakalam ang aking sikmura, ikaw ba naman ang wala pang almusal at tanghalian.

Ang abalang si manang nena ang aking na abutan pag pasok ko ng kusina. Agad siya napalingon sa gawi ko nang maramdaman niya ang aking presensiya.

"Oh Hija! Gising ka na pala, halika at kumain na siguradong gutom ka na" magiliw na salubong sa akin ni manang.

Napa ngiwi ako sa narinig. " Pasensiya na po manang kung hapon na ako nagising" na hihiya kong sabi sa kaniya.

"Ano ka ba ayos lang iyon, mabuti nga at nakapagpahinga ka ng maayos, bilin din kasi ni jett na huwag ka na daw munang gambalahin sa pag tulog at pagod na pagod ka daw sa pag lalakbay niyo kahapon" aniya habang naka ngiti pa.

INDAY NG BUHAY KO Où les histoires vivent. Découvrez maintenant