EPILOGUE

2.9K 58 5
                                    

08-27-2020




Unedited


Epilogue.



"Momma!"

Umungol ako ng pag tutol dahil sa pagkaistorbo ng mahimbing kong pagkakatulog.

"Momma! Come on wake up! Don't be lazy momma!" Ayon na naman ang munting tinig na patuloy bumubulabog sa masarap kong tulog na ngayon ay may kasama nang pag alog sa aking katawan.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata kahit namimigat pa ito ngunit muli lang akong napapikit nang isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa aking paningin.

"Momma! Wake up!" Napa ngiti ako nang bahagya nang nagigising ang aking diwa kaya sa halip na gumising at kausapin siya ay nag kunwari pa akong tulog.

"Momma? Why don't you wake up? Are you dead momma?" Halos bumanghalit ako ng tawa nang marinig ko ang sinabi niya.

Napaka inosente pa ng kaniyang boses nang sabihin niya iyon kaya ibayong pagpipigil ang ginawa ko para hindi siya pang-gigilan.

Nakagat ko ang aking labi nang magsimula siyang umiyak.

"Daddy! Momma is dead!" Malakas niyang pagpalahaw na halos ikabingi ko na.

Doon na ako nag mulat ng mga mata para tingnan siya, hindi na siya naka tingin sa akin kaya malaya ko siyang napag-mamasdan. Napa ngiti ako sa bawat pag litaw ng kaniyang dimple sa tuwing umaatungal siya ng iyak.

Biglang kumalabog ang pintuan at nakita ko ang pagpasok doon ng nag iisang lalake sa buhay ko, sa buhay namin..

"What happened baby? Why are you crying?" Puno ng pag-aalala niyang tanong sa umiiyak na anak. dito siya naka tingin kaya hindi pa niya ako nakikitang naka ngiti na nagmamasid sa kanila.

"Momma is dead daddy! I don't have a momma anymore!" Humihikbi na pagsusumbong nito at pagkatapos ay  muling pumalahaw ng iyak.

Doon na tumingin sa akin ang kaniyang ama, Kinindatan ko siya na ikinailing niya. Lumapit na siya sa kama kung saan kami naroroon ng anak niya, namin.

Kaagad niyang iniangat ang umiiyak na anak at inilapag niya ito sa kaniyang kandungan matapos siyang makaupo sa kama sa tabi ko.

"No baby, your momma is not dead, she was just sleeping, and just pretending" he comforted our daughter as he whispered the last thing he said while he dried her tears.

Napa ngiwi ako at sinamaan siya ng tingin kahit hindi naman niya ako nakikita. Kahit kailan talaga panira ng trip ang lalaking 'to!

"No! She's dead daddy! she's not breathing!" Giit pa nito sa kaniyang ama bago ito muling umatungal ng iyak.

"Why did you say that? How did you say she was dead?" Tanong naman ng kaniyang ama na halatang sinasakyan nalang ang mga sinasabi ng anak.

"Because i am a doctor daddy! And the doctor already knows if someone is dead! and momma is no longer breathing so she is dead!" Paliwanag niya sa kaniyang ama pagkatapos ay muli na naman siyang umiyak.

Napailing nalang ako, minsan talaga hindi ko akalain na three years old pa lang siya dahil kung makapagsalita siya ay daig pa ang matanda na, ang dami niya nang nalalaman para sa isang three years old pa lamang. Subrang aga talaga ng development niya, two years old pa lang siya noon ay deretso na siyang nakakapagsalita. Subrang matured na niyang mag-isip kaya madalas ayaw siyang kalaro ng mga batang kaidad niya lang.

INDAY NG BUHAY KO Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang