INBK 15:

2.1K 62 4
                                    

Chapter 15.





Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong makabalik kami ni jett galing Quezon. pero hanggang ngayon ay subrang abala pa rin siya sa kompanya nila. hindi ko alam kung ano na ang nagyayari na ayon sa kaniyang secretary ay problema na kinakaharap ng kompanya nila, minsan gusto ko nang mag tanong kay jett tungkol doon kaya lang pinapangunahan naman ako ng hiya, kung dati hindi uso sa akin ang salitang "hiya" pero iba na ang sitwasyon ngayon sino lang ba naman ako sa buhay niya diba? girlfriend pa lang naman niya ako kaya wala pa akong karapatan pag dating sa mga ganoong bagay lalo na at problema ng pamilya niya iyon! Idagdag pa na halatang ayaw ng mama niya sa akin at alam kong iniiwasan nalang din ni jett na mapag-usapan namin iyong naging engkwentro namin ng nanay niya at nung bruhang manika at nag papasalamat na rin ako na hindi na ulit bumalik ang dalawang iyon dito at kung maaari lang ay ayaw ko nang mag cross pa ang landas naming tatlo dahil siguradong may world war 3 na magaganap kapag nag kita-kita ulit kami.



Dahan-dahan kong binaliktad ang pancake na niluluto ko. ito nalang kasi ang nakita ko sa ref. ni jett na pu-pwede namin na maging agahan wala na kasi siyang stock dito sa penthouse niya at mukhang kailangan na nga naming mag grocery.

Napa tingin ako sa nakasabit na orasan sa di kalayuan at nataranta ako nang makita kung anong oras na! Mas binilisan ko pa ang aking kilos dahil gigisingin ko pa si jett na hanggang ngayon ay tulog pa yata. himbing na himbing kasi ang pagkakatulog niya kanina nung iwan ko siya sa kwarto. halatang pagod siya sa kung ano man ang ginagawa niya sa opisina niya.

Halos hindi na nga kami nakakapag-usap ng maayos dahil lagi nalang siyang nag mamadali sa umaga sa tuwing siya ay papasok na at gabing-gabi naman siya kung umuwi at bilang pambawi ay inaagahan ko ang pag luluto sa umaga para maipaghanda siya ng almusal at maging ang tanghalian na rin niya. na banggit kasi sa akin minsan ng kaniyang sekretarya nung minsan na tumawag ako sa kaniyang opisina na madalas daw ay nakakalimutan na ni jett ang mag tanghalian dahil sa subrang pagiging abala nito lalo na at kabi-kabila pa daw ang meeting na inatenand nito.

Pinalipat niya na rin ako sa kaniyang kwarto dahil ayon sa kaniya ay hindi na daw siya sanay na hindi ako katabi sa pag tulog. nung una ay pinagtalunan pa namin iyon pero kalaunan ay napapayag din niya ako



Pagtapos na ako sa paghahanda nang biglang may matitigas na braso ang mahigpit na pumulupot sa aking bewang kasabay ng pag lapat ng malambot na labi sa aking leeg.

"Good morning babe" medyo paos na bulong sa aking tenga ng lalaking nasa aking likuran na walang iba kundi si jett.

Pilit kong binabaliwala ang pinag gagawa niya dahil kung mag papadala ako sa kaniya at siguradong lalo siyang male-late, siya pa naman tung tipong hindi nagpapa-awat kapag na simulan na niya.

"Buti naman at gising kana, tapos na rin ako dito, kakain na tayo at baka late ka na naman" pa alala ko sa kaniya.

Tila wala naman siyang narinig at nag patuloy lang sa pagpapa-ulan niya ng halik sa aking leeg.

Napa ngiti nalang ako at hinayaan nalang siya, na sanay na rin ako sa pagiging ganito niya dahil simula noong makabalik kami dito ay mas lumala lang ang pagiging clingy at sweet niya sa akin kahit pa nga abala siya palagi ay nai-sisingit pa rin niya ang landiin ako! at ang buhay na buhay nitong alaga na tumutusok s asking likuran ang patunay kung gaano niya ako ka gusto ngayon!

"Hmmm... ang bango mo" pa ungol niyang sabi sa malambing na boses habang patuloy pa rin siya sa pag singhot sa aking leeg na tila ba inuubos niya ang amoy niyon.

Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong tanging boxer lang ang saplot niya sa katawan dahil ramdam ko ang hubad niyang katawan na naka dikit sa akin.

INDAY NG BUHAY KO Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ