INBK 24:

1.7K 48 4
                                    

07-21-2020




Chapter 24.

Gulo-gulo ang buhok at wala pa sa tamang huwisyo habang tulala akong naka upo dito sa may sala. Tinanghali na naman kasi akong nagising ngayon dahil halos madaling araw na akong nakatulog o mas tamang sabihing pinatulog.

Hindi kasi ako tinantanan ng aking mga magulang at mga kapatid kagabi, binusog nila ako ng sermon na ginatungan pa ng magaling kong maldita na pinsan. Kung tutuusin siya ang may kasalanan ng lahat nang iyon. Hindi nga talaga siya tumigil sa paglilitanya at kakapangaral niya sa akin hanggang sa makauwi kami dito at nasa ganoong ayos kami na dinatnan ng aking mga kapatid at magulang na hindi ko inakala na sabay-sabay na uuwi sa iras na iyon,

Talagang mapaglaro ang pagkakataon.

Hindi ko rin naman sila masisisi kung bakit ganoon nalang ang galit nila kay jett at inaakala nilang makakalimutan ko na agad siya ng agaran. Wala naman talaga silang alam sa tunay na estado namin ni jett, hindi nila alam na malalim na ang namamagitan sa aming dalawa, wala akong sinabi na kahit ano sa kanila at wala akong balak na ipaalam pa yon sa kahit sino sa kanila.

"Leigh.."

Bigla akong napukaw mula sa pagkakatulala sa kawalan at wala sa sarili na nilingon ang taong tumawag sa aking pangalan ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata sa taong tumambad sa aking paningin.

"Spike!" Gulat kong sabi at agad pang napatayo.

Umawang ang aking labi habang namamangha na tumitig sa kaniya kahit nasa harapan ko na siya.

Malungkot niya akong nginitian, "hey.. How are you? I heard what happened, are you okay?" Sunod-sunod niyang tanong sa nanantiyang tono.

Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha at mga mata habang nakatingin sa akin at doon pa lang ako natauhan nang marinig ko ang malumanay niyang boses at parang naka kita ng kakampi na sinugod ko siya ng yakap.

Ang sakit at pagkabigo na pilit kong iniinda at itinatago sa aking pamilya ay tila ibon na nakawala ngayong nandito na siya sa aking harapan. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap na tila ba sa pamamagitan nito ay sinasabi na ayos lang ang lahat.

"Spike.." Bigong-bigo kong sambit sa kaniyang pangalan.

Tuluyan na akong bumigay at tila tubig sa gripo na tuloy-tuloy umagos ang aking masaganang luha. Napa hikbi ako habang pilit na nagsusumiksik ang sarili sa kaniyang katawan.

"Sshh.. it's okay, everything will be alright, I'm just here leigh," Pag-aalo niya sa akin sa masuyong boses.

Napahikbi ako, naninikip ang dibdib sa pumupunong sakit dito. Marahan niyang hinaplos ang aking likod habang panaka-nakang pinapatakan ng halik ang tuktok ng aking ulo.

"Ilabas mo lang yan, you can cry on my shoulders anytime and always remember that i'm just here for you, hindi kita iiwan" Aniya sa nagsisimpatyang boses.

"Spike.." Muli kong sambit sa kaniyang pangalan at napa hagulhol ako ng iyak.

Mabuti nalang din at wala dito sila mommy at daddy pati na rin ang mga kapatid ko dahil ayaw ko naman na makikita nila ako na nasa ganitong kalagayan na mahina at bigo nang dahil sa isang lalake.

"I'm sorry, wala ako sa panahon na kailangan mo ako" Aniya sa naghihinayang at puno ng pagsisisi.

Umiling lang ako, tutol ako sa kaniyang sinasabi ngunit hindi ko pa maapuhap ang sariling boses para kuntrahin siya. Hindi naman niya kasalanan iyon dahil ako ang pumili na ilagay ang sarili sa ganitong sitwasyon.

"I will kill that bastard when i see him again" Nag umpugan ang kaniyang mga ngipin nang sabihin niya iyon, tila gigil na gigil siya sa kung ano o kung kanino.

INDAY NG BUHAY KO Место, где живут истории. Откройте их для себя