INBK 26:

1.6K 51 3
                                    

08-05-2020



Chapter 26.


"What about the motif ija? What color do you like?" Tanong ni tita karen ang mommy ni spike.

Nandito kaming lahat sa sala namin at pinag-uusapan ang bawat detalye ng magaganap na kasal sa pagitan namin ni spike.

Kinabukasan nang gabing kinausap ako ni mommy ay agad kong sinabi ang desisiyon ko at iyon ay ang tuluyang magpakasal kay spike. Hindi na nag kumento si mommy matapos kong sabihin iyon at agad na niyang tinawagan si spike at ang pamilya nito at agaran na pinag-usapan ang mga plano para sa gaganaping kasal,

Kung may tuwang-tuwa man sa magaganap na kasalan na ngunguna na doon ang aking ama na nagawa pang ilathala sa radyo at television ang gaganaping kasal namin ni spike at hanggang ngayon ay mainit na usapin pa rin ang tungkol doon.

"Dusty blue and deep red mom" Napa tingin ako sa katabi kong si spike nang siya ang sumagot sa tanong ng kaniyang ina.

Sumulyap naman siya sa akin at masuyo niya akong ngitian kasabay ng marahan niyang pagpisil sa palad kong kanina niya pa hawak.

"Bakit 'yon?" Bulong kong tanong sa kaniya ngunit tanging kibit-balikat lamang ang tinugon niya.

Bakit nga ba blue ang napili niya? Ang alam ko green ang gusto niyang kulay, okay na 'yong red kasi isa din naman 'yon sa gusto kong kulay pero blue talaga?

"You heard him" Baling ni tita karen sa wedding planner na kanina pa aligaga sa mga gusto naming mangyari sa kasal.

"Leigh can i talk to you? just the two of us?" Narinig kong bulong ni spike sa aking tainga.

Muli akong napalingon sa kaniya at bahagyang natigilan nang makasalubong ko ang seryoso na niyang mukha.

Dahan-dahan akong tumango, Kaagad naman siyang bumaling kila mommy,

"Tita, mom, mag-uusap lang po kami saglit ni Leigh" Pag paalam niya kila mommy.

Tumango naman ang dalawa kaya agad nang tumayo si spike kaya nakigaya na rin ako.










---

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko nang makarating na kami sa gazebo. Dito kami napadpad sa kakasunod ko sa kaniya.

Hinarap niya ako at matiim na tinitigan. Bigla naman akong nakaramdam ng pagka-ilang sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pakiramdam ko ibang tao ang kasama ko ngayon.

Simula nang tinawagan sila ni mommy ay ngayon lang ulit kami nagkakaharap at nagkaka-usap ng ganito na kaming dalawa lamang.

"Are you really sure about this Leigh? Do you really want us to get married? " Deretsahan niyang tanong, walang paligoy-ligoy.

Umawang naman ang aking labi sa pagkagulat, hindi ko inaasahan na iyon agad ang una niyang itatanong.

Napa lunok ako at dahan-dahan na tumango. "Oo naman" Sagot ko sa mahinang boses.

"How about him?, ano na ang mangyayari sa kaniya kung magpapakasal ka sa akin?" Muli niyang tanong sa seryosong tono.

Nag iwas ako ng tingin at hilaw na tumawa.

"What are you saying? Bakit napasok ang gagong 'yon dito? Don't you want to marry me? just tell me if you don't want it i won't force myself on you " Sabi ko sa mapaklang boses,

Napa mura siya ng ilang ulit at nang tingnan ko siya ay marahas siyang napahilamos sa kaniyang mukha.

Muli siyang tumingin sa akin at nasalubong ko ang problemado niyang mukha.

INDAY NG BUHAY KO Where stories live. Discover now