INBK 18:

1.5K 38 1
                                    


05-27-2020



Chapter 18.



Saglit akong natigilan sa pag susuklay ng aking basa pang buhok nang marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng bathroom dito sa kwarto ni jett. Sa pamamagitan ng repleksyon ng salamin na nasa harap ko ay nakita ko ang kakalabas lang sa bathroom na si jett at tila modelo itong naglalakad na tanging puting tuwalya lamang ang saplot niya sa katawan na naka pulupot sa kaniyang bewang. Mamasa-masa pa ang kaniyang buhok at may iilang butil ng tubig pa ang tumutulo sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang mabalahibong dibdib.

Napa kurap ako para pigilan na sundan pa ang mga butil na iyon na sa palagay ko ay lumalandas na pababa sa kaniyang tiyan patungo sa balbon niyang puson.

Mabilis akong nag iwas ng tingin nang biglang nag tagpo ang aming mga tingin sa repleksyon ng salamin. lihim akong napa lunok at pilit na nag patuloy sa naudlot na pag susuklay sa basa ko pang buhok, katatapos ko lang din maligo at hindi pa nakakapag-bihis kaya tanging roba lang ang suot ko ngayon. parang nais ko tuloy na mag sisi kung bakit hindi pa ako nag bihis agad kanina!

Na tigil lang ako sa malalim na pagmuni-muni nang marinig ko ang may kalakasan na pag sarado ng walk in closet na bahagya kong ikinapitlag. Napa lingon ako ngunit ang tanging  naka saradong pintuan nalang ang aking na abutan.

Napa buntong hininga nalang ako nang maalala ko kung bakit malamig ang pakikitungo ni jett sa akin ngayon nag tatampo nga pala siya dahil sa pag sira ko sa usapan namin kanina na sabay kaming maliligo. Nasa hapag-kainan pa lang kami kanina nang mapagkasunduan namin iyon, kaya lang nung matapos kaming kumain ay nag presenta pa siya na siya na ang mag huhugas ng mga pinagkainan namin kaya nag paalam nalang ako na mauuna na dito sa kaniyang kwarto at dahil na inip ako sa paghihintay sa kaniya kaya na isipan ko na maligo nalang, nawala sa isipan ko ang usapan namin na sabay na maligo kaya todo simangot tuloy siya nung maabutan niya ako dito na naka ligo na.

Hindi nag tagal ay narinig ko ang muling pag bukas ng pintuan ng walk in closet at na tanaw ko doon ang pigura ni jett na naka bihis na ng pantulog na ternong pajama.

Lihim akong napangiwi. ito ang kauna-unahang nakita ko siya na ganiyan ang suot sa pag tulog. Sa pagkakaalam ko hindi siya sanay mag suot ng mga ganiyan yung tipong balot na balot dahil init na init siya kahit naka aircon naman dito, kaya nga madalas ay tanging boxer lamang ang saplot niya sa katawan na pantulog at kung nandito lang naman siya sa penthouse niya dahil sa ganoon daw siya sanay yung halos hubo't hubad na siya!

Tahimik ko lang siyang pinag-mamasdan nang tunguhin niya ang kama at agad na humiga doon na hindi man lang nag abalang sumulyap sa akin at muli na naman akong napa ngiwi nang makita kong nag talukbong pa siya ng comforter. napa ngisi nalang ako kalaunan dahil sa pinag-gagawa niya, sana lang hindi siya ma suffocate sa subrang init mamaya!

Na iiling na tumayo nalang ako at walang imik na tinungo ko ang walk-in closet niya para makapag bihis na rin...







----

Halos bumanghalit ako ng tawa nang pag labas ko ay na abutan ko ang dali-daling pag tabon muli ni jett ng comforter sa buo niyang katawan.

Mariin kong nakagat ang aking labi upang mapigilan ang mapahagikhik. Napa ngisi nalang ako at patay malisya na tinungo ko ang kabilang gilid ng kaniyang kama. Inayos ko muna ang suot kong maikling short at spaghetti strap bago ako nahiga sa right side ng kama habang nasa left side naman si jett at dahil malaki at malapad ang kaniyang kama kaya malaki pa rin ang distansya namin sa isa't isa.

Sinulyapan ko si jett na balot na balot pa rin ng comforter ang buong katawan hanggang sa ulo niya at muntik na akong mapahalakhak nang mapansin ko ang pag taas-baba ng kaniyang balikat dahil sa marahas at sunod-sunod niyang pag hinga.

INDAY NG BUHAY KO Where stories live. Discover now