INBK 2:

3.8K 70 2
                                    

Chapter 2.

ILANG buwan ang matulin na lumipas at iba't ibang kaganapan ang aking naranasan at nasaksihan sa apat na sulok ng mansyon na ito, Ang walang kapaguran na pambubully nila Angie sa akin ganun din si manang na walang araw na di ako sinasabon nito na may kasama pang pambanlaw minsan, hindi rin na kukumpleto ang araw nila kung hindi nila na pupuna ang aking pag English na hindi ko naman alam kung anong mali doon, at east nag airport ako diba? sabi nga ng teacher kong panot nung grade three ako "try and try until you do not die" lang daw, kaya kahit hindi ko alam ang ibig sabihin noon sumasang-ayon at naniniwala pa rin ako sa kasabihang iyon.

Nasaksihan ko rin ang himalang nangyayare kay señorito demonyito dahil na rin kay Carina na di ko naman talaga alam kung ano ang ipinapakain nito sa halimaw na iyon at himalang bumait ito ng very very tight lang.

"Saan kayo pupunta ni Carina ha inday? baka kung saan-saan mo lang siya dadalhin ha? sinasabi ko sayo mababalatan ka ng buhay ni señorito mo pag nagkataon"

Ang nakakairitang boses ni manang ang gumising sa nag lalakbay kong diwa,

Kahit kailan talaga pakialamera ang matandang ito! kanina pa Kasi niya ako binubungangaan dahil sa ginawa kong pag anyaya kay Carina na lumabas sa kadahilanang day off ko naman ngayon.

"Ewan manang, baka pababa na si... AY! BUTIKING MAGANDA!" bulalas ko nang mapadako ang aking tingin sa kakababa pa lang na si Carina.

"Ang ganda ko namang butiki inday" naka ngiti niyang biro,

Pero di ako na tinag sa pagkamangha sa pag titig sa kaniya at hinagod ko pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Napaka sexy nito sa suot nito ngayon! idagdag mo pa ang mas lalong lumitaw nitong kagandahang taglay dahil sa naka ayos ito ngayon, Kaya Hindi nakakapag-taka kung bakit na hulog sa bruhang ito ang demonyitong iyon at kahit naman siguro sino hindi malabong mahulog sa babaeng ito na bukod sa maganda na subrang bait din nito. kahit nga tinatawag ko siya ng madalas na bruha at malandi todo ngiti pa rin ito. di ko alam kung mabait o sadyang may sayad lang talaga siya.

Di makapaniwala na pinuri ko pa ito sa ayos nito ngayon.

"Hindi kaya subrang ikli naman niyang suot mo ija? marami pa namang loko-loko ngayon baka mabastos ka niyan"

Napa simangot ako nang sumingit na naman ang KJ na si manang habang bakas ang pagkabahala sa boses nito.

"Ako na po ang bahala sa kaniya manang! dudurugin ko po ang mga egg pie ng mga mag tatangkang mambastos kay Carina" pag mamayabang ko kay manang sabay akbay ko kay Carina.

"Inday! Iyang bunganga mo! rendahan mo nga iyan! Kung ano ano nalang ang lumalabas diyan! diyong kong Bata ka! Hala! humayo na nga kayo at baka di ko mapigilan ang sarili ko at makurot Kita sa singit inday!" Na iiskandalo na bulalas ni manang habang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.

Na tawa si carina samantalang napa simangot naman ako.

Kahit kailan talaga pa virgin ang matandang ito! kung di ko lang sila nakita ni manong driver kanina sa may CR baka maniwala pa ako na dalagang pilipina siya, hindi dala nang pilipina.

"Bye po manang! subukan niyo pong mag asawa para matikman niyo rin Kung gaano kasarap ang sex!" Kahit ba narinig ko pa lang na umuungol ka pa lang kanina..

INDAY NG BUHAY KO Where stories live. Discover now