INBK 21:

1.3K 53 7
                                    

Chapter 21.



Umawang ang kaniyang labi nanginig naman ang akin, takot siyang tumitig sa lumuluha kong mga mata habang bigo naman akong tumingin sa namumula niyang mga mata.

Masakit. 'yong tipong mas gugustuhin ko nalang na mawala kaysa ang maramdaman pa ang nanunuot na sakit sa buo kong pagkatao. Hindi ko lubos maunawaan at matanggap na nagawa niya sa akin ito, na lahat pala ng ipinakita at sinabi niya ay pawang mga kasinungalinan lamang. Hindi ko inaasahan na sa lahat ng tao ay siya pa ang gagawa at magpaparanas nito sa akin.

Idagdag pa ang mga titig sa akin ng mga tao sa paligid na puno ng pang-huhusga na unti-unting sumusunog sa aking kaluluwa.

Pakiramdam ko isa lang akong agiw sa kanilang paningin ngayon, nakakapangliit at nakakapanghina ng loob. Sa sitwasyon ko ngayon ay maihahambing ko ang aking sarili sa mga talutot ng isang bulaklak na unti-unti nang nalalagas.

Tumiim ang aking bagang, ang sakit na aking naramdaman ay unti-unti nang natatabunan ng galit na nauwi sa pagkamuhi, tumigil ako sa pagluha at tinigasan ang ekspresiyon ng mukha. Pilit bumabangon at nagpapakatatag kahit lugmok na lugmok na.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang ginawang paghakbang ni jett palapit sa akin habang ouno ng pagsusumamo ang ibinibigay niyang titig sa akin.

"Jett.." agad na pag pigil ni kiera sa kaniya.

Sumulyap ako sa dako niya at malamig ko lang siyang tinitigan pabalik na siyang agad niyang ikinatigil at mas namutla pa siya sa lamig na titig na iginawad ko sa kaniya. Ilang ulit siyang napa lunok at sa namumulang mata ay tiningnan niya ako ng may pagmamakaawa at ang takot na sumasalamin sa kaniyang mukha ngayon ay mas tumindi pa.

Dahan-dahan kong tinuyo ang basang mukha kasabay nang pag bitaw ko nang tingin sa kaniya, katulad ng pagbitaw ko sa lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya na para bang iyon na ang huli na nanaisin kong makita ang pagmumukha niya at ang magpaka-tanga sa kaniya.

Ang pagmamahal na naramdaman ko para sa kaniya ay unti-unti nang napapalitan ng galit, galit na nauuwi sa pagkamuhi.

Tumayo ako ng tuwid at isa-isa silang malamig na tinignan.

"Masaya ba?"

Isang malamig na salita pa lang ang aking binitawan ngunit agad na silang  natigilan at tumahimik, habang ang ibang tao sa paligid ay tila bubuyog na nag bubulungan.

Napa ngisi ako. kinakain ng galit ang buo kong sistema at nandidilim ang aking paningin sa puot na pumupuno sa aking dibdib.

"Masaya ba na makita na naloko niyo ako? Masarap ba sa pakiramdam?" Muli kong pagpapatuloy sa malamig na boses.

Umawang ang kanilang mga labi at mangha na tumingin sa akin na tila ba hindi nila inaasahan ang pagiging matigas ko ngayon sa kabila nang pagkatalo ko kanina.

Pumalakpak ako habang nakangisi na naka tingin sa kanila.

"Congratulations! Nagtagumpay kayo na lokohin ang isang kagaya ko na tanga. Ano ang gusto ninyong premyo?" Nanunuya kong sambit.

Walang nagsalita sa kanila tila na pipi na, tumaas ang aking kilay sa pananahimik nila.

"Ano? Nasaan ang tapang niyo? Parang kanina lang daig niyo pa ang tigre na handang lapain ako ah!" mapang-uyam kong usig sa kanila.

Humakbang ako palapit sa dako nila, ang una kong nilapitan ay ang namumutlang si jett. Pailalim ko siyang tinitigan at kinakabisa ang mukha niya na tila ba ito na ang huli na makikita ko ito.

Umangat ang aking palad at marahan na humaplos iyon sa kaniyang pisngi. Ramdam ko ang kalamigan nito tulad ng sa yelo. bahagya siyang napa pikit sa ginawa ko ngunit agad din na dumilat at puno ng takot na tumingin sa akin. Takot na ngayon ko lang nasilayan sa kaniyang mukha.

INDAY NG BUHAY KO حيث تعيش القصص. اكتشف الآن