INBK 14

1.9K 43 2
                                    

Chapter 14.

Tila gas na sinindihan na lumakas ang pag palahaw ng iyak ni lileth at parang tuod na pinapanuod ko ang pagkaripas ng takbo nito patungo kay jett na masama pa rin ang tingin sa akin.

Tulala na pinagmasdan ko ang umiiyak na si lileth na ngayon ay tila batang nag susumiksik sa mga bisig ni Jett. Ilang ulit akong napa lunok pilit sinisikil ang kirot na nag simulang kumalat sa aking kaloob-looban. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at parang dinudurog ako habang pinapanuod ko ang eksina na nasa aking harapan na tila ba nasa isang telenovela ako.

"She hurt me!" Pa ulit ulit na bulalas ni lileth na tila ba batang nag susumbong sa kaniyang ama habang naka yakap pa rin sa binata at walang tigil sa kaka-iyak.

Lumabo ang aking paningin dahil sa na mumuong luha na pilit kumakawala sa aking mga mata. Napa kagat ako ng mariin sa aking labi. pilit kong pinipigilan ang emosyon na gustong kumawala. Inaasahang ko na ang galit ni Jett para sa akin.

"Are you okay?" Maya-maya'y puno ng pag-aalalang tanong ni Jett.

Napa tungo ako. Hindi ko kayang makita ang mga susunod na ikikilos ni jett na kung paano niya lambingin at amuhin si lileth. Pakiramdam ko napagkaisahan ako. Denipinsahan ko lang naman ang aking sarili laban sa pag atake nito! Ako na nga ang agrabyado pero ako pa rin pala ang talo.

"No! I'm not okay! Ang sakit ng pisngi ko! ilang beses akong sinampal ng babaeng iyan!" Umiiyak nitong sumbong kay jett at mas lumakas pa ang kaniyang pag iyak.

"Leigh I'm asking you. are you okay?" Napa angat ako ng tingin kasabay nang pag tahan ni lileth.

Umawang ang aking mga labi nang makasalubong ko ang malamlam na mga mata ni jett habang naka titig sa akin. Wala na ang galit na kanina lang ay sumasalamin dito at ngayon ay napalitan na ito ng puno ng pag-aalala. Samantalang mabilis naman na kumalas sa pagkakayakap sa kaniya si lileth. Awang din ang bibig nito habang namimilog ang mga mata sa gulat nang tingnan niya si jett.

Kunot ang noo na tiningnan niya si jett. "Jett? Bakit siya ang tinatanong mo? Hindi mo ba nakikita? Ako ang sinaktan niya!" Galit na bulyaw ni lileth kay jett.

Halos yogyugin na niya ang balikat nang huli na para bang isang kahibangan ang sinasabi ni jett.

"Get off me" kasing lamig ng yelo na sambit ni jett.

Napa nganga si lileth.

Na guguluhan at hindi makapaniwala na tiningnan niya ang binata.

"What?"

"I said get off of me!" Pag uulit ni Jett sa mas malamig pang boses. tila galit sa nangyayare.

Hindi na hinintay pa ni jett na sundin ang utos niya sa gulat pa ring si lileth at siya na mismo ang lumayo dito at humakbang patungo sa akin.

"Anong ibig sabihin nito? Jett? Are you kidding me? Mas pipiliin mong kampihanang babaeng iyan kesa sa akin? Ako ang sinaktan niya! NARINIG MO BA AKO? SINAKTAN NIYA AKO!!" Nang gagalaiti na sigaw ni lileth, tila hindi nito matanggap ang naging kilos at mga sinabi ni jett.

Na tigilan naman si jett sa pag hakbang patungo sa akin. tumingin muna siya sa aking mga mata na para bang may gusto siyang ipahiwatig bago niya nilingon ang umaatungal na si lileth.

"Umuwi ka na" malamig na pag tataboy ni jett Kay lileth.

Kaagad na nanlaki ang mga mata ni lileth at umawang ang kaniyang mga labi dahil sa gulat.

"What?" Tanging na ibulalas nito at muli na namang umiyak.

"Go home now lileth. you need to rest" simpleng sabi ni jett. tila baliwala sa kaniya na umiiyak sa kaniyang harapan ang dalaga.

INDAY NG BUHAY KO Where stories live. Discover now