INBK 3:

3.4K 70 8
                                    

Chapter 3.

LUMALALIM na ang gabi na siya ring pag-ikot na ng paningin ni Carina. halatang lasing na lasing na ito at ako? ito nag papanggap na lasing na rin kahit ang totoo ay kunting hilo lang ang naramdaman ko, hindi naman kasi ako ganun kadaling tamaan ng alak, ginagawa ko lang ang pag papanggap na ito para lang sa binabalak kong pag takas kay Spike mamaya, kanina pa ako nag hahanap ng pagkakataon na mawala sa paningin niya kaya lang si Carina naman ang inaalala ko madali kaming makikita ni Spike kapag isasama ko paalis ang lasing na ito. Hindi pa rin ba napapansin ng dimonyito na iyon ang mag hapon na pag kawala ng kaniyang reyna sa kaniyang mansyon?.

Kailangan na talaga naming maka-alis ngayon! ayaw kong malaman ni Spike kung saan ako nag tatrabaho dahil kapag nagkataon matutunton ako ng mga tauhan ng matandang hukluban na yun dahil alam kong pinamanmanan na nito ang kaibigan kong si Spike at nararamdaman kong nasa paligid lang ang mga ito nag hihintay ng pagkakataon na ako ay atakihin at hulihin.

"Ahlawm mow bah---hik- charinha?--hik--lahawt ng lhalhake mahnlholhokho--hik--" lasing lasingan Kong sabi kay Carina,

Muntik pang tumulo ang lawat ko sa pag papanggap na bulol mag salita, ang hirap talagang mag artista!

Hindi tumugon si Carina na todo pigil na hindi ito tuluyang masuka, pulang pula na rin ang mukha pati na rin ang leeg dahil sa kalasingan.

"Halikha charinha--hik--shayhaw tayow" halos mamilipit abg aking dila habang sinasabi ko iyon kay Carina kasabay ng pag higut ko sa kaniyang kamay patungo sa may dance floor.

NOONG una kaming dalawa lang ni Carina ang magka-sayaw pero dahil sa sikip at wild na ng mga taong nag sasayawan dito unti-unti kaming napalayo ni Carina sa isa't isa, hanggang sa iba na ang naging kasayaw nito isang lasing na lalake na sa pag ngisi pa lang nito ay alam mo nang may kamanyakang taglay! at dahil lasing na nga ang dalaga wala na itong kamalay-malay sa mga nangyayare sa paligid nito at game na game din itong gumigiling sa harapan ng lalaking kasayaw nito, akmang lalapitan ko na ito nang biglang may nag tilian sa di kalayuan,  napalingon ako sa pinag-mulan ng kaguluhan at nanlaki ang aking mga mata mang makita ko sa may bar counter ang madilim na mukha ni JK habang nasa tabi nito si Spike.

Patay

Nilingon ko si Carina na panay na ang hahod nito ng kaniyang pwetan sa harapan ng lalaking kasayaw. Pasimple akong lumayo nang makita kong humahakbang na si JK patungo sa kinarorounan ni Carina. madiin na mag kalapat ang mga labi ng binata at nag isang linya ang kilay habang naka igting ang panga, para iyong papatay sa hitsura nito ngayon.

Na wala lang ang atensyon ko sa mga ito nang biglang may matigas na bagay ang tumutusok sa aking likuran. "Hi, miss beautiful" kasabay ng pag bulong ng kung sino sa aking tenga.

Mabilis akong lumayo sa mapangahas na iyon at agad ko itong nilingon at isang naka ngising lalake ang nalingunan ko na halatang lasing na lasing. gwapo ito at halatang may sinabi sa buhay pero di ko type.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"What are you needing?" Mataray kong tanong dito. Medyo nilakasan ko pa ang aking boses dahil sa lakas ng music background.

Nakita kong kumunot ang nuo nito.

"What?" Na guguluhan nitong tanong.

"I said what are you needing!!" Na iirita ko nang pag uulit dito.

Pa ulit-ulit lang? ambobo pa yata nito sa English, sayang gwapo pa naman major turning off!

Napa simangot ako nang humalakhak ito.

May nakakatawa ba?

"Oh, so you don't know how to speak English hmm?" Sabi nito na lalong ikinainis ko.

INDAY NG BUHAY KO Where stories live. Discover now