TMB #1

141K 1.6K 41
                                    

Chapter 1

"This is Yannie, Gio's fiancée."  Pinakilala ako ni Tita Mychalle sa mga kamaganak nilang naroon. Marahan akong itinulak ni Tita Mychelle kay Gio kaya naman bored niya lang akong tiningnan at ibinalik ang atensyon sa pagtetext. Rude.

"Gio, drop your phone." Ani Tita Mychelle sabay ngiti dun sa katabi nya. Its been weeks since I first told Gio about the baby. Maayos ang lahat, except for him. Everybody seems excited about the baby except for him. He's a mediocre companion. Napipilitan para lang di mapagalitan.

Anniversary ng mga magulang ni Gio ngayon gabi at isinabay narin dito ang aming engagement party. Kakatapos lang ng program proper at mas lalong nainis si Gio kasi napilitan syang ngumiti sa camera kasama ako. Hindi ko siya masisisi.

Hindi ko pinagsisisihan na ibinigay ko ng buo ang sarili ko kay Gio nang mga panahong iyon. I did not regret a single thing. I love him way too much, I guess it's true that people to umimaginable things for love. I am one hell of a living proof.

Sa totoo lang, masaya ako, not a hundred percent happy but I am. Iyon naman ang mahalaga, hindi ba? Kasi alam ko, ung kagagahan ko na 'to isang araw may kapalit.Maybe fate is playing by my side today, pero baka bukas hindi na. Savor it while it lasts. Sa madaling salita, pinikot ko si Gio kaya naging ganito ang lahat. I am happy. But I guess, I will never be entirely happy. I have him physically, but I don't have him emotionally.

"Are you hungry?" Tiningnan lang ako ni Gio na para bang sumasakit ang ulo niya kapag nakikita ako. Hindi siya sumagot katulad nang palagi niyang ginagawa. He's acting as if I was never really there. "Uhm.. Kukuha ako ng food.. Baka gusto mo rin kumain?" Inirapan lang niya ako at nagpatuloy sa pagtetext.

Bumuntong hininga ako at tumayo para kumuha ng pagkain. "Yannie, come here, hija." Narinig kong tinawag ako ni Mommy para puntahan ang table nila. Kaya dumiretso muna ako doon imbis na buffet table.

Naalala ko nang sabihin ko sa parents ko na buntis ako four weeks ago, my father was furious at first, pero ng malaman nya kung sino ang ama ay medyo kumalma sya. The Marianos and the Alvarados have been friends for God knows how long. Mga lolo palang yata ni Daddy at Tito ay magkakaibigan na, I guessed the friendship between the two clans went witht eh generation after generation. Si mommy naman, alam niya naman daw na gagawin ko na ang tama after noon, she's not happy about it, pero sinuportahan niya ako. At ang tinutukoy niya ay ang kasal na mangyayari in less than a month.

Shotgun, yes.. Pero tingin ko ay wala na akong karapatan mag-reklamo.

 "Mommy.." Ngumiti ako at bumeso sa mga tito at tita ko na nasa table kasama ni Mommy. Of course, invited rin ang mga relatives ko. Nakita kong kausap nang ilan kong tita si Tita Mychelle kanina. I think they're having a good time.

"Yannie! You look good, mas lalo ka pang gumanda!" Bati ni Tito Greg sakin ng bumeso ako sa kanya. "Thank you, tito. Bolero parin kayo." Nagtawanan ang mga tita kong nasa table dahil sa sinabi ko.

"Naku, sana ay baby boy yang baby ni Yannie para wala nang problema sa tagapagmana." Tumawa ang mga tito ko sa joke ni Mommy.

"Yannie, okay lang ba sa iyong shotgun itong kasal mo?" Tanong nang isa kong tita sa side ni Daddy. Nginitian ko siya ng tipid. "I don't have the luxury of choices right now, tita. I guess mas mabuti na ang makasal kami kaysa lumaki ang tiyan ko nang walang tatay ang anak ko."

"Well, you're right. I'm happy for you, though."

"Thank you, tita. If you'll excuse me.. Kukuha po ako ng food namin ni Gio.."

"Where is he, by the way? Why isn't he with you?" Tanong naman ni Tita Helen

"Nasa men's room po." Palusot ko. Gosh, why are they so nosy? Hindi ko rin alam kung bakit ko siya pinagtatakpan sa mga tita ko.

The Miserable BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon