Matangos ang kanyang ilong na akma naman sa magaganda niyang mata na kumikinang kahit na gabi na samahan mo pa ng mapupula at parang malalambot na labi na hindi ko na ipinagtaka kung bakit ganun nalang maghabol ang mga babae na gustong makipagsungaban sa kanya.
Pagbaba naman ng mata ko ay bakat sa white v-neck shirt niya ang anim na malalaman na pandesal na bagay naman sa matikas niyang katawan, may maskels ang lolo mo i-add mo na rin sa special ingredients yung abs!
Parang ulam sa kanto may extra rice na may sabaw ka pa at may free juice ka pa! All in! Bentang benta 'to sa mga beki! Nakamaong pants siya na bagaynaman sakanya.
Kaya pala kung habulin at pagtinginan siya ng mga babae dito kala mo nawarak na yung panty nila tuwing dadaan 'tong lalaki na to. Head turner talaga siya. Hindi maitatanggi.
"Don't look at me like that, matutunaw ako." sabi niya sakin eye to eye. Grabe! Ang ganda talaga ng mga mata niya medyo mahaba ang eyelashes niya daig pa ako.
Nagising ako sa kahibangan ko nung magsalita siya at akmang papalapit siya sakin. Oh no, this is not the right time! Umurong ako at tila yapos ang sarili upang protektahan ang hinaharap ko.
"Hahaha! So, uhm.. akala mo gagalawin kita?" sabi niya with his sexy voice. Infairness ang pogi niyang tumawa.
Pero tantado pa rin siya! Erase erase. Iisipin ko nalang na panget siya.
"You! You! You!" duro ko sakanya. Peste naman wala akong handang english para bongga.
"You! Madapaka! Madapaka sana!"
Nanginginig akong papaurong ng papaurong sa room namin. Habang siya naman akala mo si joker kung makangisi at kasalukuyang papasok sa room namin. Pero may poise, infairness naman! Pang model ang pangangatawan.
"You're the one that I saw watching us there a while ago. So you witnessed everything?" paabante parin siya ng paabante.
"Malamang! Nandun nga ako eh! Bobito ka ba?" Pogi nga pero yung utak nasa mukha! Hay nako. Nasaan na ba ang bestfriend kong SSG. Help! Sana sumulpot ka naman ngayon kahit ngayon lang!
Urong.
Urong pa.
Urong pa more.
Sige. Urong pa.
Shocks. Kinapa kapa ko yung nasandalan ko sa likod. Bat ang tigas na netong sa likod ko!!! Pader na pala. Please naman pader umurong ka pa please utang na loob na pader ka! Kinakausap ko nanaman ang sarili ko at dinadasal na sana umurong pa ng kaunti yung pader.
Paktay ka, Krissanta. Corner ka ngayon.
"Impressive. I like this kind of girl. Palaban." sabay kindat at tila nang aakit. Ano raw? Halos medyo matawa ako sa pagkakasabi niya. Medyo may accent pala siya. Half-half siguro to. Half human, half maniac!
Ang hard ko naman dun pero totoo naman. Ayan na siya ang lapit lapit niya na. Sabay sandal ng kaliwang kamay niya sa pader na malapit sa kanang balikat ko. Ang lapit namin sobra as in anytime pwede akong halikan at halayin ng tukmol na 'to!
Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Pumikit nalang ako habang yakap yakap pa rin at protektadong protektado ko ang harap ko. Sorry sa magiging future husband ko dahil sa walanghiyang 'to mawawala na ang special gift ko sa honeymoon natin.
"Silly." sabay pitik sa noo ko. "I think you forgot this." Pinakita niya yung payong ko na hawak niya sa kanang kamay niya.
"Akin yan!!!!!!!!" sabay akmang hahablutin ko na sana pero iniwas niya kaagad.
"Sabing akin na eh!" Ipupush ko ngayon ang katarayan ko. Kaso bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay gamit lang ang isang kamay niya.
Grabe lakas naman nito. Nakatira yata 'to ng daan daang bote ng energy drink. But still nagpupumiglas ako with all my power pero kayang kaya niya parin ako at tila nakatitig lang siya sakin. Tinitigan ko din siya. Titigan pala gusto nito eh. Ang dali lang nun para sakin.
Silence.
Silence.
Silence.
Magkatitigan lang kami siguro mga isang minuto nang bigla akong sumigaw.
"Help! Rape! May manyak dito! HEEEEELLLLPPP!"
"Stop. Please stop! Damn it. I'm not going to rape you." biglang nabasag ang katahimikan niya sa sinigaw ko. Effective Krissanta!
"Eh bitawan mo ko at ibigay mo na sakin yang payong ko!" pagmamaktol ko.
"This? You want this?" damn his sexy voice, nang-aakit. Sabay ngumuso siya sa payong ko.
"Oo! Akin na yan. Wag kang magpa-cute dahil hindi ako katulad ng ibang babae na humahabol sayo. Kahit kelan di ako magiging parte ng mga a.k.a "FANS" mo. And please! Please lang ha! gutom na ako! Utang na loob ibigay mo na yan sakin! Ang lakas ng ulan kaya!" sigaw ko ng malakas sakanya. Sana rin naman may nakakarinig na samin.
"Okay okay." napabuntong hininga siya. "I'll return this to you right away." nabuhayan ako sa sinabi niya, ibabalik niya na daw! Yes!
"BUT! I'm not yet done. I'll return it...in one condition." ngumisi na naman siya na parang si joker.
Nag-pout ako sabay taas ng kilay ko.
"Oh ano naman yun?" pagmamataray kong sinabi.
Nag-isip muna siya ng matagal walang kurap na nakatitig sakin.
Silence ulit. Nang biglang kumulog. "Akin na kasi yan! Ano ba kasi yung kondisyon mo ha?" napasigaw nalang ako dahil sa gulat sa kulog. Nagpupumiglas parin ako sa pagkakahawak niya na siya namang hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak rito.
"Stop doing that first. Okay?"
Tumigil na rin ako sa pagpupumiglas low batt na ako eh. Tomguts na kasi eh. Kanina pa ako gutom na gutom dahil hindi pa ako nakakain ng lunch dahil sa mga project. Tapos etong isa pa na 'to pahirap!
"Oh sige titigil na ako, so ano ba yung kondisyon mo?" iritang tanong ko at eye to eye pa rin kami't walang kumukurap. Mga 1 minute ulit bago siya magsalita.
Bago pa man yun ay inilapit niya ng dahan dahan ang mukha niya sakin. At tinitigan pa ako ng mas malapit. Malapitang eye to eye. Unti unti niyang binuka ang kanyang mga bibig.
"Be mine."
---------------------------------------------
Author's Note:
Intense ang Chapter 1! Waaaaaah >/////< Ang haba teh. Nalerki aketch. This is my second attempt to write a story and I hope I can finish this.
Sino kaya yung lalaking yun? Ba't ganun siya kay Krissanta? Trip niya yata si Krissanta? Well, you guys will find out..
Please support me. Please read this one and tell it to your friends. Please vote!!!
VOTE. VOTE. VOTE. Don't forget to follow me. Thankyouuuuuuuuuu
twitter : @elishaaang
ig : @eleyshang
~queendaldalita
YOU ARE READING
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 1
Start from the beginning
