Wala na akong nagawa kundi tumakbo at magtago kahit na mabigat ngayon ang mga dala dala ko. Nakarating ako malapit sa hagdanan na hindi nalalayo sa room namin.

Napahawak nalang ako sa mga mata ko. No way! Nakakakita na ko nang nagkikiss pero kadalasan sa movie lang.


"MY INNOCENT EYES!" -Wow naman, hinhin ko naman don.


Humahangos pa ako na nakaupo sa sahig. Ilang minuto matapos kong magtago, bigla nalang may tumakbong babae na pababa ng hagdan na umiiyak, hindi basta iyak kundi hagulgol sa iyak.

Nang pababa na siya naanigan ko na siya yung kahalikan nung chickboy na 'yon.

Ah, basta kahit hudas barabas hestas pa pangalan niya wala akong pakialam, ang sama sama niya. Wala siyang puso. Pero nasa isip ko parin yung payong ko.


Bakit naman kasi ang tanga ko at naiwan ko pa yun doon. Pag binalikan ko naman baka nandun pa yung playboy na yun. Baka naman ako naman ngayon ang halayin niya?

Oh no! No. No. NOOOOOOO!

Sabay buhos ng malakas na ulan mula sa mapulang langit. Kasunod ang mga kulog na malalakas.


Lahat na ng lalaki ay hindi pala lahat! Basta huwag lang siya ang mapatulan ko at maging first boyfriend ko! Guguho muna ang mundo bago mangyari yun!


"Makatayo na nga."


*tip toe, tip toe, tip toe*

Silip ng dahan dahan.

Tingin dito.

Tingin doon. (>'.')>

Okay clear.

Ang dilim na sobra sa hallway. Isang room nalang ang bukas sa dulong dulo pa. Kailangan kong mag-ingat malay ko ba kung andyan parin yung makapal na mukha ng lalaking yun.


Sinilip ko yung room namin unti unti.



"Boo." sambit ng boses ng lalaki sa tenga ko.




"Ay! Anak ka naman ng tokwa ng lelang mong panot oh!!!!" sigaw ko sa lalaking nasa likod ko.



Pero teka?


Siya yung...


O_O


"HUAAAWAAAAAAAAH!"


"Hey. Hey. Wag ka sumigaw!" Sabi niya sabay takip sa bunganga ko.


"Alisin mo kamay mo sa bunganga ko!!!!" Pagmamaktol ko habang nakatakip yung kamay siya sa bunganga ko.


"Ay sorry akala ko magenjoy ka na tinakpan ko bibig mo." Sabay alis niya ng kamay niya sakin.



"Pwe. Pwe. Pwe. Ang alat kaya! Kapal mo!" 


Hindi ako nagkakamali! Nanlaki ang mga mata ko. Siya yung playboy kanina na nandito sa room namin. Ba't nandito pa 'to?

Nakasandal siya sa bintana at katapat na katapat ko siya, nasa hallway kami at yun ang pagitan namin.

Matangkad siya.

Maputi.

Nakatayo ang buhok niya iyon yung style ng mga lalaki ngayon na nakawax ang buhok at anytime pwede matusok, matuhog at mamatay ang butiki na mahuhulog dito.

It Started With a QuizWhere stories live. Discover now