"At nagawa mo pa talaga magbiro ha! Straight naman katawan mo! Ay oo nga pala, ikaw yung gagawing flagpole dito, ipapalit ka na! Handa mo na yang katawan mo bukas bida ka na ditey! Lahat ng tao nakatingala sayo sabay.." bago pa man siya nakapagsalita eh nabatukan ko na ang laiterang frog nato.
"Joke lang! Hindi ka naman mabiro! Feeling mo naman may magnanasa sayo. Sige na hanapin mo na babaita! Mag rarounds pa ako eh. Bye ingat ka bespi!" sabay kaway at alis ng bruhang yun.
Pagtapos mong hintayin, iiwan ka rin talaga ano? Ganyan talaga eh no?
Ayan no choice! Wala nakong nagawa kundi bumalik sa 3rd floor. Kamusta heels ko? Ayun pudpod! Yung isa tanggal na ang strap sa sobrang bilis at laki ko humakbang.
Gabi na rin kasi iilan nalang mga nagkaklase kadalasan lower section or higher year. Lalo na dun sa floor na yun ngayon. Ang creepy. Marami na rin kwento kwento na kababalaghan sa school na'to.
Hindi ko siguro magagawang magtaray pa pag may nakasalubong akong nilalang na nakalutang, nakaputi, naka.... *wooosh*
ERASE..
ERASE......
Ayokong takutin sarili ko. Baka kakaisip ko, may magpakita nga.
*tack tack tack*
"Grabe naman na heels to! Ang ingay kahit kelan. Psh."
Nadatnan ko pang bukas pa ang classroom namin.
Pero...
Pero..
Pero...
Ba't may tao?
Anong oras na ba?
May project pa ba na tinatapos mga kaklase ko?
May nalimutan ba akong gawin?
Oh eto nanaman ako.
Nagpapaka-GC nanaman.
Pero sa pagkakaalam ko, kasabay ko nang bumaba kanina pa lahat ng kaklase ko eh-Gutom sa uwian eh?
Hala sino tong mga 'to?
Papasok na dapat ako pero nakita ko kung ano ang ginagawa nila. Napaurong ako bigla.
O_O
O.o
O______O
OH MY MOMAY! Nagkikiss sila!!!!!!!
Napahawak ako sa bibig ko. Dahil sa gulat at baka marinig pa ako na umuusyoso sa ginagawa nila.
Pero ang matinde niyan sa sulok pa talaga sila at malapit sa chair ko talaga ha! Hindi na mahiya talaga pati sa eskwelahan ganito sila? Hindi na uso maria clara ngayon, bihira nalang. Hindi ka na nasanay, Krissanta.
Pero bat ganun?
Mukhang umiiyak si girl.
LQ yata sila? Lovers quarrel ba? Tama ba? Aba ewan, ano namang alam ko diyan eh, NBSB nga ako.
Pero ba't sila nagkikiss kung LQ? Hay naku Krissanta pakialamera ka talaga pati buhay ng iba. Hindi mo na dapat pakialaman ang buhay nila. Ang pakialaman mo yung payong mo!
Yung babae mukhang hindi siya dito nag-aaral. Iba kasi yung uniform na gamit niya. Sa tingin ko sa kabilang school siya? Augustine Academy?
Ba't to nakapasok dito? Strict ang mga guards dito ah? Dapat ireport 'to. Dakilang kalaban namin ang school nila mapa academics man or sports eh.
BINABASA MO ANG
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 1
Magsimula sa umpisa
