*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Narinig ko na rin ang tunog na pinakahihintay naming mga estudyante. Hinaltak ko na ang bestfriend ko na tila nakaglue na yata ang dalawang mata sa whiteboard. Paano ba naman kasi, math yan eh! Orella Anne Werner ba naman? President ng SSG eh, kaya ayan kailangan niyang magpakitang gilas sa lahat.
"Oh ano na? Diyan ka nalang? I-date mo na kaya si mam?! Wala ka ng magagawa kung ayaw talaga sayo ng math! May mga bagay kasi na hindi mo na kailangan na ipagpilitan ang sarili mo kung ayaw naman sayo!" asar kong sabi. Nakaharang na ako't binubungangaan siya at hinampas pa ako. Kahit kailan talaga mapanakit ito sakin. Hindi na nagtataka yung yaya ko kung may pasa pasa akong umuuwi sa bahay noon pa man.
"Alam mo sana bagsakan ka ng langit at lupa! KJ ka parati! Ba't ba kasi ang hirap ng math!! Huhu.. Gutom na tuloy ako. Sakit na rin ng ulo ko it's going to explode na!"
Humarang na ulit ako sa harap niya habang yung iba samin excited nang lumabas na akala mo galing sa kulungan na naguunahan- HUNGER GAMES LANG ANG PEG?
"O kaya tara na! Tsaka mas masakit pag walang ulo! Tanggalin mo na lang kaya para wala ng masakit?" sigaw ko sakanya sabay kinurot ako sa hita. Napakasadista talaga sakin ng bestfriend ko.
"Eh, anong magagawa ko sayo ngayon? Wag ipilit ang ayaw! Okay? Hindi mo kailangan magpaka-OA mag-aral para maging modelo ka nga bawat estudyante dito. Nobody's perfect!"
"Osige na nga. Tara na! Pag ako bumagsak yari yang "Nobody's perfect" mo sakin Krissanta!" banta niya sakin.
Ang ganda ng mga initials namin no? KJ at OA.
Isang killjoy at isang over acting. Kaya makulay ang pagkakaibigan namin kahit na walang sawang pagaaway palagi. Pagkatapos ng bangayan naming magbestfriend tungkol sa math umalis narin kami sa classroom sa wakas.
Time Check: 5:25 pm na pala. Grabe tong OA na 'to, kung mag over time daig pa call center. Kundi ko lang bestfriend eh!
Makulimlim ang langit.
Unti unting bumabagsak na ang malalakas na patak ng ulan.
Sinamahan pa ng nakakatakot na mga kulog.
"Waaah"
"Ayyyy!!"
"Mam uwian na please."
Sigaw nanaman ng mga panggabi na estudyante dito sa school namin. Tilian ng tilian tuwing makakarinig ng kulog. Kairita sa tenga.
Pababa na kami ng mga kaklase kong gutom sa uwian. Habang pababa ay kinapakapa ko na ang payong ko sa bag ko. Sure na sure ako na mauuna akong lumabas ng gate dito kay Orella, Ssg President eh, naglilibot libot pa 'to sa school bago umuwi dahil yun siya. Masipag masyado. Dedicated sa trabaho na inaatas sakanya.
"Oh ano nanaman nawawala sayo ha? Nung isang araw libro sa math, kahapon naman yung sa history, ano na isusunod mo? Baka pati napkin mo sa bag mawala ha? Baka panty mo na rin naiwan mo?" napansin ni Orella na hindi ako mapakali sa bag ko. Ayan nanaman siya at nanenermon kasalukuyan na dinaig pa ang Mommy ko.
"Tse! Yung payong ko kasi hindi ko makapa. Ang lakas ng ulan bespi!! Baka naiwan ko kasi sa room eh. Shet! Ayaw ko mabasa baka pagkaguluhan ako pag nagwet look ako!" pagmamayabang kong sabi habang kalkal padin ako ng kalkal na halos lumuwa na mga gamit ko sa bag sa sobrang dami ng laman.
YOU ARE READING
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 1
Start from the beginning
