I was doing fine sa loob ng dalawang taon until nagulat kami ni papa isang araw na nasa harap na ng pintuan ng bahay namin ang kakambal kong si Shanon. She told us na pinapunta sya ni Mommy dito sa Pilipinas without any explanation. Hanggang sa lumipas ang mga araw, buwan at taon na wala na kaming narinig mula sa kanya.

Yes, she abandoned us with our not biological father kaya simula ng araw na dumating si Shanon sa Pilipinas, tinuring ko na ring patay ang mommy ko. Ni minsan hindi ko na tinangkang itanong kay Shanon o kay papa ang tungkol kay mommy and at times na may gusto silang sabihin sakin about her, hindi ko na tinangkang pakinggan pa.

Hindi lang ako isang pangkaraniwang surgeon. I can do an operation na minsan wala ng solusyon pero pag si Nine na ang gumawa, it will be a hundred percent survival rate.

Isa akong surgeon. Neurosurgeon to be exact. Pero ang galing ko sa surgery ay hindi lang sa nanatili sa ganitong aspeto that I can do a surgery kahit pa anong anatomy ng tao. I like complicated things but I never closed my doors when it comes to improving my skills. I tour all over the world every year kahit pa nung nag-aaral ako sa States para pag-aralan ang mga bagay bagay sa medical field exposing me to lots of different and more than advanced skills. But this passion raised questions from critics all over the world. Ang kakayahan ko na tinatawag kong God's given gift make those doctors scared to the point na kahit natutulog gusto kong magopera.

It's not that I like to open each one's body para hasain ang kakayahan ko and brag about it to anyone. It's just that surgery can save lots of people. May mga bagay na surgery na lang ang natitirang option para magligtas ng tao. Yun naman ang dahilan bakit ako nagdoktor. Of course John exposed me to be a doctor like him. Yes isa rin syang doktor. Gusto ko kasing maging kagaya nya so I took this career dahil si John ay isang napakagaling na doktor. Madalas inuubos nya ang oras nya sa research and reading books but far different from him, mas namaster ko ang surgery from traveling to different parts of the world. Pero ng mahanap ko ang tunay na dahilan ng isang tunay na surgeon, mas lalo kong naenjoy ang karerang to. Ang makita ang ngiti ng mga bata at mga taong nagpapasalamat dahil naisalba ko ang buhay nila o ng mahal nila sa buhay...that's priceless.

Bata pa lang ako, isa na kong nerdy type na inuubos ang oras sa pagbabasa ng sangdamakmak na libro sa library namin na malamang pulos medical books dahil si papa ay isa ring professor.

But two years ago, tinalikuran ko ang buhay ko bilang surgeon. Nakontento kong mag volunteer sa mga remote areas dito sa Pilipinas at nagtago sa pangalang Shanine Torres. Though sa papel, nakalagay ng legal kong ama si papa kaya walang maikakatwiran ang mga professors na wala akong karapatang hawakan ang University Hospital na yun. Ayaw nila sakin na pumalit kay papa dahil ang alam ng lahat, hindi ako tunay na anak ni papa at ni minsan hindi ko pinakita na isa akong magaling na surgeon simula ng magdisguise ako bilang si Shanine Torres. Akala ng lahat wala akong alam sa medical field at inuubos lang ang oras sa walang kwentang volunteer work.

I was so famous all over the world when I was Nine. When they know its Nine Carter, takot silang lahat dahil sa mga surgeries ko na out of control.

I live to save people.

Pero just because of that one incident, tinalikuran ko ang medical field because the past kept on haunting me na biglang nagkaron ng takot sa puso ko na humawak ng scalpel. Ang taong ni minsan walang kinatatakutang surgery became a woman full of anxiety and distrust sa kakayahan ko mismo. Dahil sinisisi ng lahat si Nine Carter sa pagkamatay ng isang tao. Dahil maging ako, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay nya.

Ang kakambal kong si Shanon.

Hindi ko pa natatapos ang three year residency ko as Nine Carter ng mangyari ang surgery na dahilan ng pagkamatay ni Shanon. From that day on, Nine Carter disappeared and Shan Torres exist. I was utterly lost that time na hindi na sumagi sa isip ko na bumalik pa ulit bilang Nine. I was hurt and scared pero hindi ko inaasahang of all people, John left me at that time na kailangan ko sya kahit pa not as a lover gaya ng gusto ko but even just as a friend. Kaya hindi nya ko masisisi kung mapuno ang puso ko ng hinanakit sa kanya.

But he came back.

Bumalik sya sa pag-aakalang ako ang binalikan nya. Akala ko bumalik sya para sakin. Para kahit man lang humingi ng tawad o kahit isang maikling paliwanag bakit sya nawala at iniwan ako sa panahong kailangan ko sya. I thought he came back because he realized his mistakes. Yun pala bumalik sya para humingi ng tulong sakin to perform a surgery para sa isang tao.

Cruel isn't it?

Wala na sana kong pakelam kung mamatay man yung taong yun. Masama na kung masama pero alam ko naman kasing hindi sya pababayaan ni John. To think na he'll go all the way those troubles para lang hingin ang pabor na yun sakin. Oo nagseselos ako dahil bakit kaya nyang gawin ang kahit ano para sa taong yun habang samin ni Shanon, hindi nya ginawa ang lahat. Sumama ko sa kanya abroad para makita kung sino ang taong yun na kahit sya na isang napakagaling na doktor ay hindi sya magawang operahan.

But the moment I saw who is that person, bigla kong naramdaman ang urge para bumalik sa dati. Parang may kung ano sa puso ko ang nagsabing wag ko syang pabayaan. Na gawin ko ang lahat para mabuhay sya. That thing I saw to him while lying unconscious in his hospital bed.

Akala ni papa si John ang dahilan bakit ginusto ko ulit maging si Nine. But deep inside me I know hindi sya. That unknown guy brought back Nine Carter.

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now