Abnoy. Napakamanyakol nitong isang to - -

"Warriors...humanda na kayo. Kailangan nating labanan si Empress."- Ro
"Pero..."- Mackie
"Tanda nyo ba nuon ang sinabi ni Ma'am na kahit na kakilala, kaibigan o kung sino pang mahalaga sa atin ang makakalaban natin as long as under Black Magic siya, kailangan natin siyang labanan. Nagawa itong lampasan ni Casie kaya alam ko na kaya rin natin. Kailangan nating magtulungan. Kailangan natin na maging matatag para sa Enchanted at sa buong mundo. Para na rin kay Raxelle."- Ro
"Tama si Ro. Kailangan nating lumaban."- Casie

Napaisip kami sa sinabi nilang dalawa. Mukhang wala na talaga kaming pagpipilian. Ayaw na rin namin maulit ang nangyari nuon na nagawa kaming lampasuhin nung impostorang Raxelle dahil hindi namin nagawang lumaban.

Nagkasundo kaming lahat na kada titingin kami kay Empress hindi namin iisipin si Raxelle. Hindi namin iisipin na siya si Raxelle. Kailangan naming iwasan na bagabagin ang loob namin. Kailangan naming umiwas sa palaisipan na makapagpapahina ng loob namin.

"Jed..." Nilapitan ni Casie si Jed at masinsinang kinausap para sa plano naming paglaban. Sa pagtango ni Jed, duon kami naghanda para sa panimula.

Kagaya ng inaasahan, agad kaming sinugod ni Empress at sa pagkakataong yun, nagsimula na rin ang plano. Si August, Mackie, Ro at si Lei ang lalaban kay Guido habang si Renz, Casie, ako at si Jed ang lalaban kay Empress.1 vs 4...hindi na rin masama.

---

Jed's P.O.V

Ito na ang pagkakataon ko para tulungan si Raxelle. Kailangan ko siyang makumbinsi na hindi siya si Empress, na siya si Raxelle. Kailangan kong gisingin ang katauhan niya.

Kagaya ng nakaplano, hinati ang Warriors sa dalawang grupo at dito magsisimula ang hiwalay na pakikipaglaban kay Empress at Guido.

"Warriors...gawin nyo ang lahat para makalapit ako kay Raxelle. Kailangan kong magawa ang plinano natin."
"Sige Jed. Baback-upan ka namin."- Maddison
"Kami ng bahala para mawala ang atensyon ni Empress sayo."- Casie
"Tayo na Guys. Nagsimula na ang kabilang grupo."- Renz

Nabalik ang atensyon namin kay Guido na kasalukuyang pinagtutulungan nila Mackie habang si Empress ay tumatakbo papalapit sa amin.

"Sumusugod na si Empress."- Renz
"Lets go Warriors."- Maddison

Nanatili akong nasa likod nilang tatlo habang pasalubong kaming tumatakbo papunta kay Raxelle.

At ng magpang-abot...agad naman na umatake si Raxelle at una nitong pinuntirya si Casie pero dahil mabilis kumilos si Renz at Maddison, nagawa nilang hawakan sa magkabilang braso si Raxelle at sinubukang i-lock ito. Ginamit ko ang pagkakataon at mataas na tumalon papunta sa likod ni Raxelle habang kinokontrol ni Casie ang mga ugat sa mismong pwesto ni Raxelle at iginapos ang mga paa nito.

"Bitawan nyo ako." Nakakatakot na sabi ni Raxelle. Yung boses niya ibang-iba sa maamong boses ni Raxelle. Napakalaki at malagong.
"Raxelle...makinig ka sa akin." Panimula ko.
"Hindi ako si Raxelle."- Empress
"Ikaw si Raxelle. Hindi ako naniniwala na wala na si Raxelle sa katawan na ito. Alam kong nandito siya kaya makinig kang mabuti. Ikaw si Raxelle San Clarkson. Anak ng magiting na si Domino at ng isang mabuting tao na nagngangalang Jerelle. Ikaw ang pinakamalakas na Holder at Warrior. Ikaw ang aming Superior. Ikaw ang aming kaibigan. Hindi ka masama. Hindi ito ang gawain mo. Raxelle...gumising ka. Lumabas ka mula sa pinagtataguan mo. Angkinin mong muli ang katawan mo. Huwag mong hayaan na gamitin ito sa kasamaan. Raxelle...bumalik ka na sa amin. Bumalik ka na sa akin. Huwag ko akong iiwan. Raxelle..."
"AAAAA. TUMIGIL KA. LAPASTANGAN."
"Jed bilisan mo. Nahihirapan na kami."- Maddison
"AAAAAA. BITAWAN NYO AKO. MGA LAPASTANGAN KAYO."- Empress
"Raxelle makinig ka sa akin. Gumising ka na pakiusap. Kailangan ka namin. Hindi namin ito kaya ng wala ka. Bumalik ka na sa amin. Bumalik ka na, pakiusap. Raxelle...isipin mo kami. Isipin mo lahat ng pinagsamahan natin. Isipin mo kaming mga kaibigan mo. Isipin mo ang pagmamahal ko sayo. Raxelle..."
"AAAA. MANAHIMIK KA. AAAAA."
"Mahal na Mahal Kita. Tandaan mo yan. Mahal na Mahal na Mahal Kita kaya please...bumalik ka na."

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now