“Mommy sorry for causing you so much trouble I promise that I will never do it again give me another chance to prove myself that I can be a better man. This time maadik na lang ako sa pagkamit ng mga pangarap ko. Please allow me to go back to the Philippines and manage our company again aayusin ko na po talaga” pagsusumamo ni Brandon, ang dami kasi nitong narinig na masasakit na salita from her Mom the day she found out about the trouble he had. Laking pasalamat niya na walang alinlangan na pumayag ang mommy niya.

Madami talaga siyang natutunan at narealize habang nasa loob ng rehab. Madami siyang sinayang na araw na sana ay ginugol na lang niya sa pagtratrabaho ng maigi sana ngayon ay successful na siya at baka may pag-asa pa siyang mabawi si Cham.

“Kuya you know what you should start fixing yourself nagmukha kang matanda tignan mo ang kapal ng bigote at balbas mo. You look like your already in your thirties malay mo I can find you someone here magaling kaya ako sa match making.” Aniya ni Phoebe, kasalukuyang nasa hapag-kainan sila ngayon kasama ng mga kamag-anak nila Brandon isang mumunting salo-salo para sa muli niyang pagbabalik.

“Talaga sige hanapan mo ako pero gusto ko yung simple lang at conservative.” Nakangising sagot ni Brandon, sinasakyan lang niya ang sinabi ng pinsan niya wala siyang balak na maghanap ng ibang babae walang ibang makakapalit kay Cham sa puso niya. Mahal niya pa din ito hanggang ngayon.

“Kuya madre yata ang hinahanap mo wala ng conservative ngayon ano. Uso na ang liberated ngayon kailangan mo lang maging open minded” mataray na sagot ni Phoebe.

“Meron pa din natitirang conservative ngayon ano ka ba. Actually I already found that girl kaya lang” hindi na naipagpatuloy ni Brandon ang sasabihin dahil sumabat na si Phoebe.

“Kaya lang she loves someone else kaya ka nga andito dahil sa kanya para ilayo ka sa girl na yun. Kuya you should better move on.” May pagdidiin sa sinabi ng dalaga sa huling sinabi nito.

“I don’t know.” Malungkot na sagot ni Brandon pero tinago niya ito sa pamamagitan ng ngiti niya, hindi na sumagot si Phoebe tahimik na lang silang kumain ang mommy at tita na lang niya ang naguusap. Pagkatapos kumain ay tumayo na ito ang nagpaalam.

Dumaan muna siya sa kwarto ng Daddy niya, bedridden pa din ito simula ng mastroke parang dinaganan naman ng mabigat na bagay ang dibdib niya ng makita ang itsura nito. Sobrang payat nito at nanunuyo ang mga balat nito parang hindi na ito ang dating makisig na ama niya nawala na ang karisma nito sa mukha at napalitan ng mga kulubot na balat. Dahan-dahan siyang lumakad at umupo siya sa katabing upuan sa may kama nito.

“Daddy andito na ako, tinupad ko ang pangako ko na magbabago na ako sana gumaling na kayo pero bakit naman hanggang ngayon ganyan ka pa din, lumaban ka naman Dad ikaw na lang ang isa sa mga lakas ko ngayon.” Malamlam ang mga mata niya habang hawak ang kanang kamay ng daddy niya. Bukas ang mga mata nito at nakatitig sa kanya. Ilang buwan lang ang lumipas simula ng mastroke ito pero para bang lantang gulay na ito.

“Daddy just when I needed you most ngayon ka naman naging ganito. I need your advise I need you to tell me what to do. It’s been months that I’m trying to forget her but I really can’t do it dad. What should I do? Please tell me Dad.” Garalgal na ang boses ni Brandon habang sinasabi ito sa kanyang Ama, nakatingin pa din ito sa kanya na para bang gustong magsalita pero hindi kayang gumalaw ng mga bibig nito. Napuruhan kasi ito na magka-heart attack kaya hindi na ito nakakapagsalita.

Pinunasan ni Brandon ang mga luha na tumutulo na sa kanyang mga mata ayaw niyang maawa sa kanya ang daddy niya baka makasama ito sa kanya. Nakauwang ang mga labi ng ama niya na para gusto talagang magsalita humigpit ang hawak nito sa kanya. Ramdam niya na may gustong sabihin ito sa kanya na kahit hirap na ito ay alam niya na naiintindihan siya nito. Hinimas niya ang mga kamay nito at minasahe hinaplos niya din ang mukha ng ama. Ngayon niya lang ito nagawa sa ama automatikong gumaan ang dibdib niya ng may sumisilay na ngiti galing sa mga labing daddy niya.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now