TD 24 :

1K 21 0
                                    

DeeJhay's Pov

Nasa ganun akong posisyon ng biglang may ..

"Para kang tanga sa itsura mo ngayon, may pahawak hawak ka pa sa dibdib mo."

Agad akong napatingin sa nagsalita.

Si Kathy na naman. Akala ko ba nakaalis na siya.

"Akala mo nakaalis na ako noh?"Saad pa niya

Mind reader ba ito?

"Hindi ako mind reader, halata lang sa mukha mo."Saad pa niya

Biglang nagflashback yung araw na kung saan ay sabay kaming umuwi ng pilipinas.

Flashback ..

Isang nakataob na frame .. Lumapit ako dito at Itinayo ito nakita kong Si Kathy at Isang lalaking naka-akbay sa kanya ..

Sino Ito ?

"Wag mong pakiilamanan yan ."

Napalingon ako sa nagsalita si Kathy .

"Sorry , Nacurious lang ."Ako sabay kamot sa batok ko .

"Curiousty Kills You ."Kathy sabay hila ng maleta niya .

Sumunod na ako sa kanya .

Gusto kong itanong kung sino yung lalaking kasama niya sa Picture ..

"His Name is Quen , My childhood friend ."Kathy sabay sakay sa plain .

Binabasa niya ba iniisip ko .

"Im not a mind reader , Halata kasi sa muka mo . Get in ."Kathy sabay irap ..

Sabi ko nga , Sungit naman nito .

End of Flashback ..

Napangiti pa ako ng maalala ko yung linyang yun.

"Im not a mind reader, Halata kasi sa mukha mo." Bulong ko pa.

Napabalik ako sa reyalidad ng biglang ..

"Dre, para kang tanga. May pahawak hawak ka pa sa dibdib mo at may pabulong bulong, tas may pangiti ngiti ka pang nalalaman."Diego

Nilibot ko yung paningin ko.

"Nasaan si Kathy?"Tanong ko pa

"Huh? Ee kanina pa siya nakaalis ahh."Elmo

So imagination ko lang yun. Tss. Bakit parang totoo?

Kathy's Pov

Hiniram ko ang kotse ni Inigo, at nagpunta ako sa Mansion.

Pagdating ko dun ay agad kong pinark ang kotse at bumaba.

Naglakad ako papasok ng bahay at nagulat pa ako ng makita ko si Manang.

"Manang, gabi na po ahh. Dapat po ay tulog na kayo."Saad ko

"Naku iha! Akala ko ay hindi ka nadadalaw pa dito pagkatapos ng limang taon."Pagtatampo niya

Ngumiti ako sa kanya at saka ko siya niyakap.

"Manang naman. Namiss ko po kayo."Saad ko at agad umalis sa yakap.

"Namiss rin kita iha. Hindi nabanggit sa akin ni Ronnie na nadadalaw ka ngayon. Dapat ay bukas ka na lang dumalaw, gabi na ohh."Pagsasaad niya

"Manang, Dito po ako tutulog ngayon. Bakit nga po pala kayo nakahiga sa sofa?"Pagtatanong ko

"Hinihintay ko si Ronnie."Saad niya

"Matulog na po kayo. Wag niyo na pong hintayin yun."Saad ko pa at tumango naman siya at naglakad na papunta sa kwarto niya.

Inilibot ko ang paningin ko at napangiti pa ako dahil walang nagbago, ganun pa rin ang itsura niya simula nung umalis ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko at pagdating ko dun ay agad kong binuksan ang ilaw at wala pa ring pinagbago ang kwarto ko. Ganun pa rin ang itsura nung lisanin ko ito.

Malinis pa rin ang kabuuan ng Kwarto ko. Siguro ay hindi pinabayaan ni Manang ito.

Pumasok ako sa walk in closet ko at kinuha ang box na pinabigay niya pa kay Greyson.

Binuksan ko ito at binasang muli ang sulat.

Dear Kathy Patotie ツ

Opppps. Sareh (Sorry). Sorry kung nagawa kong traydurin ka, nagpadala ako sa inggit at galit ko. Nung nalaman ko kasing isa ka ng Reyna ng dalawang gang ay nainggit talaga ako. Nung unang malaman kong nagtayo ka ng gang sa Japan ay hindi ko iyon pinansin. Kung iniisip mo kung paano ko nalaman na nasa Japan ka ay dahil kay Manang sinabi niya sa akin at sinundan kita dun. Nagmakaawa pa ako nun kay Dad para lang makapuntang Japan. Back Then, nakita kita. Gusto kitang lapitan nun kaso nahihiya ako dahil may bago ka ng kakilala. Nagpasya tuloy akong sa Amsterdam na lang ituloy ang pag-aaral. Tas nagulat pa ako ng magkita tayo dun sa Amsterdam at niyaya mo akong sumali sa gang mo. At dun na ako nakaramdam ng inggit at galit. Sorry talaga ha! Nagpadala ako sa galit ko sayo. But i miss you patotie. Nga pala may hihilingin ako sayo kung sakali mang mamatay ako at hindi ko matupad yung pangarap kong maging Fashion Designer ay sana ikaw ang tumupad. Gusto ko ring magkaevent dito sa pilipinas kung saan ko nakilala ang The Best Buddy in Whole Universe. Hihihi. At ikaw yun. At gusto ko sanang Black and White ang Theme ng event tas gusto ko ring sa mismong Birthday ko gaganapin ha! Thankie Patotie. Sana tuparin mo ito. Thanks. Loveyouuu Patotie.

Love, Chabiik ツ

Tinupi ko ulit yun at inilagay ulit sa box. Kinuha ko naman yung mga pictures namin together. (SEE THE MULTIMEDIA)

Napagtanto ko na lang na umiiyak ako ng biglang may tumulong luha sa isa sa mga pictures.

"Happy Birthday Athena."

Bulong ko at saka itinago sa box ang mga pictures at saka ko binalik sa cabinet.

Bago pa ako lumabas ng walk in closet ay nagbihis muna ako at saka  naghilamos.

Napakalinis pa rin ng cr ko, kumuha ako kanina sa kwarto ni Ronnie ng Facial wash na hindi pa bukas.

Pagkatapos kong maghilamos ay nahiga ako sa kama ko at nakikipagtitigan sa kisame.

Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

K I N A B U K A S A N

Nagising ako dahil sa ingay na ng gagaling sa baba.

Inis kong naibato ang unan sa ere. Ghad! Inis kong minulat ang mga mata ko at padabog na bumangon.

Ghad! For heaven sake, Ang aga aga, ang ingay ingay.

Padabog kong sinarhan ang pinto at saka padabog ding bumaba.

Pagbaba ko ay nadatnan ko lang naman ang isang sala na parang dinaanan ng bagyo. What the hell?

Inis kong nilibot ang paningin ko at nakita ko lang naman ang napakalaking speaker at mga lalaking nag-iinuman.

Pumunta ako kung nasaan sila.

"Who the hell told you na mag-inuman kayo sa pamamahay ko?"Sigaw ko sa kanila paglapit ko.

Gulat naman silang napatingin sa akin.

"Who are you?"Saad nung mukhang playboy

Hindi mukha, playboy talaga.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon