TD 23 : The Event (Part 2)

1K 18 0
                                    

DeeJhay's Pov

Napabalik ako sa reyalidad ng biglang pumalakpak sa mismong mukha ko si Ronnie.

"Problema mo?"Tanong ko

"Ikaw ata ang may problema."Saad niya at tinuon ang pansin sa stage

"Huh?"Takang saad ko

"Hah? Heh? Hih? Hoh? Huh? Ewan ko sayo."Saad niya

"Ano nga?"Pagtatanong ko

"Tinatanong ko kung paano nalaman ni Kathy ang pagpapanggap mo?"Saad niya

"Nahuli niya kaming nag-uusap."Simpleng saad ko

"Hmmp. Parang five years ago lang. Tanda mo nung nahuli niya rin kayong nag-uusap."Ronnie

Napatango lang ako sa kanya. Tama nangyari na rin yun dati.

Tinuon ko na lang ang papanuod ko sa mga rumarampa. Maya maya ay magkasunod na lumabas si Brent at Zyrus suot suot ang napakagandang suit.

"Yung nakaitim ba na suit ang kapatid ni Julia?"Pagtatanong niya

"Siya nga. Tas yung nakaputing suit ay kaibigan ng kapatid ni Julia."Pagsasaad ko

Tumango lang siya at nanunuod na lamang. Maya maya ay lumabas na ang emcee.

"Good Evening Everyone. Napakasaya naman ng gabi natin ohh! Ang gaganda at ang gagwapo ng mga rumampa habang suot suot ang mga nag-gagandahang dress at suit na gawa ng nag-iisang sikat na Fashion Designer sa buong mundo."Emcee

Nagpalakpakan naman kami.

"Okey, hindi ko na kayo bibitinin. Rarampa na ang isa sa mga sikat na Fashion Designer sa Buong mundo kasama ang dalawang lalaking napakahalaga sa buhay niya kasama ang anak niya at ang napakagandang batang kasama nila ngayon."Emcee. "Please welcome Ethan Smith with Annika Loyzaga and Inigo Smith with her one and only Miss Kathy Fernandez with her beautiful Daughter Steffanie Kath Smith."Emcee tas nagpalakpakan na kami

Nag-umpisa ng rumampa si Ethan kasama si Annika tas sumunod na lumabas ay sila Kathy kasama yung anak niya.

Marami akong narinig na comment tungkol sa kanila habang rumarampa silang tatlo.

"Grabe ang ganda nung bata mana lang sa nanay."

"Ang gwapo naman pala ng tatay nung bata."

"Ang ganda ng lahi nila."

"Oo nga ee. Parang ang perpekto ng pamilya nila noh!"

Isa lang ang mga yan ang narinig kong komento galing sa paligid ko.

"Tss."Naiusal ko na lamang.

"Wag mo silang pansinin. Isipin mo kung paano kayo hihingi ng tawad kay Kathy. Hindi niyo na kailangan pang magpaliwanag sa kanya dahil alam mong alam kong narinig na niya ang lahat bago pa man kayo makapagpaliwanag sa kanya."Pagsasaad niya

Biglang pumasok sa isip ko yung plano ko. Alam ko na ang gagawin ko.

Thanks Ronnie 😊

Natapos ang pagsspeech ni Ethan ay wala man lang akong naintindihan. Maya maya ay bumaba sila ng stage at lumapit sa mga tao upang magpasalamat sa pagpunta at sa pagpanunuod.

Maya maya ay nasa tapat ko na siya. Nakatingin lamang siya sa akin at ganun lang din ako. Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin.

"Thanks for coming."Saad niya at saka umalis sa harapan ko.

Gulat pa rin akong sinundan siya ng tingin habang siya ay yumayakap kila Julia.

"Mukha kang tanga nung niyakap ka niya."

Napatingin naman agad ako sa nagsalita.

"Asar ka rin noh!"Inis kong saad sa kanya

"Mukhang napatawad ka na niya bago ka pa man humingi ng tawad sa kanya."Ronnie sabay tapik sa balikat ko at naglakad papunta kay Kathy.

"Mukhang napatawad ka na niya bago ka pa man humingi ng tawad sa kanya."

"Mukhang napatawad ka na niya bago ka pa man humingi ng tawad sa kanya."

"Mukhang napatawad ka na niya bago ka pa man humingi ng tawad sa kanya."

"Mukhang napatawad ka na niya bago ka pa man humingi ng tawad sa kanya."

"Mukhang napatawad ka na niya bago ka pa man humingi ng tawad sa kanya."

"Mukhang napatawad ka na niya bago ka pa man humingi ng tawad sa kanya."

Parang sirang plakang nagpaulit ulit sa isip ko yung sinabi ni Ronnie.

Nasa ganun akong posisyon ng biglang may lumapit sa aking bata at napagtanto ko lamang na ito yung anak ni Kathy.

"Hi Po."Saad niya

Lumuhod ako para magkasing tangkad kami.

"Hello Beautiful."Pagbati ko sa kanya

"Kayo po yung guy na nakita last time. Hindi ko lang po matandaan kung saan."Saad niya

"Really?"Namamangha kong tanong at tumango naman siya.

"Hindi ko po akalaing magkakilala po pala kayo ni Mommy."Saad pa niya

Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Kung hindi po ako nagkakamali kayo po si Mr.DeeJhay Padilla. Kayo rin po ang may-ari nitong mall. I am right?"Saad niya

Agad nanlaki ang mata ko nung isaad niya ang mga yan 👆👆

"Nung makita ko po kayo last time ay i search a names of boys then i found yours."Nakangiti pa niyang saad

Tinap ko ang ulo niya.

"Napakabait mo na nga, Napakaganda mo pa."Saad ko

"Bolero ka pa rin talaga, pati bata hindi mo pinalampas sa pambobola mo."

Napatingin ako sa nagsalita at agad ding napatayo.

"Kathy."Naiusal ko na lamang

"Biro lang yun. Bolero ka pa rin pala hanggang ngayon. Wala ka pa ring pinagbago kung meron may ay--"Binitin niya yung sasabihin niya.

Taka akong tiningnan siya at nagulat pa ako ng yakapin niya ako at ibulong ang kadugtong ng sasabihin niya.

"Mas mamahalin ko iyon." Bulong niya at saka niya inalis ang pagkakayakap niya sa akin.

Ngumiti muna siya sa akin at saka niya niyayang umalis yung anak niya.

Hindi pa rin ako makapaniwalang sinabi niya yun. Gulat pa rin akong sinundan siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Mas mamahalin ko iyon."

"Mas mamahalin ko iyon."

"Mas mamahalin ko iyon."

"Mas mamahalin ko iyon."

Parang sirang plaka namang nagpaulit ulit sa isip ko yung sinabi niya.

Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil parang tatakas na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Nasa ganun akong posisyon ng biglang may ..

"Para kang tanga sa itsura mo ngayon, may pahawak hawak ka pa sa dibdib mo."

Agad akong napatingin sa nagsalita.

Si Kathy na naman. Akala ko ba nakaalis na siya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon