TD 02 : Basang sisiw

1.2K 24 0
                                    

Ethan's Pov

Naglalaptop ako ng may nagdoorbell. Tch. Si Gunggong na naman ito. Makikikain.

Inis kong nilagay sa coffee table ang laptop ko at inis na tumayo at binuksan ang pinto.

Hindi nga ako nagkamali.

"Ohh! Bakit basang sisiw ka?"Tanong ko

Pero imbis na sumagot siya, pumasok na lang siya at umupo sa couch.

"Hoy! Wag kang maupo dyan. Magbihis ka muna."Ako sabay hila sa kanya patayo.

Nagsalubong naman agad ang kilay niya. Problema nito?

"Hoy! Ano? Makatingin ahh."Inis kong saad

"Hindi mo alam na umuulan?"Tanong niya, agad akong nagpunta sa balkonahe at dun ko lang napagtantong umuulan nga.

Napapahiyang bumalik ako at tiningnan siya.

"Maligo ka, baka magkasakit ka. Dun ang kwarto ko."Ako sabay turo sa puting pinto

"Akala ko sayo yung itim, puti pala sayo. Hindi kasi bagay sa personality mo."Asar niya at saka dali daling pumasok ng kwarto ko

Tch. Galing talagang mang-asar nun. Sarap ilibing ng buhay. Hehehe. Joke.

Inis akong umupo sa laptop at itinuloy ang kanina kong ginagawa.

Maya maya ay naupo sa tabi ko si Kenneth habang nakatingin sa kawalan. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa.

"Bakit yan ang suot mo?"Turo ko sa kanya

Paano ba naman nakasando lang siya at nakaboxers? Ee ang lamig lamig ng panahon ee. Iba din sapak nito ee.

"Tch, Baka magalit ka pag yung pajama at shirt mo ang isuot ko."Saad niya

Sabagay totoo naman ang sinabi niya pero akin pa rin yung suot niya. May sapak talaga ito.

"Hoy! Anong magagalit pag sinuot mo yung pajama ko at shirt? Tch. Ee akin din naman yang suot mo ee."Inis kong saad saka sinarado ang laptop ko at inilagay sa coffee table.

"Hehehe. Oo nga. Pero alam ko namang hindi mo ito ikagagalit."Nakangiti pa niyang saad.

Sira din ulo nito ee.

"Wedding Organizer ka?"Takang tanong ko. Agad naman siyang napatingin sa akin na salubong ang kilay. Problema nito?

"Sinong nagsabi naman sayo niyan ha?"Tanong niya

May sapak talaga ito. Ee kanina lang nasabi ni Kathy na Wedding organizer siya. May pa ano ako bakla pang nalalaman tas magtatanong siya kung paano ko nalaman. Malaki na sapak nito.

"Kakasabi lang ni Kathy at may pa ano ako bakla epek ka pang nalalaman."Saad ko

Napapahiya naman siyang ngumiti sa akin. See may sapak na talaga ito.

"Hahaha. Wedding organizer?"Natatawa niyang saad habang nakaturo pa sa sarili niya. Tch. Nababaliw na ata ito. "Kaya lang naman ako naging wedding organizer dahil ni Abigail. Gawin daw ba akong Assistant Manager."Saad niya saka ngumuso.

"Atleast may trabaho ka kesa sa wala."Saad ko

"Yun na nga ee, Gusto ko pa naman maging model. Gusto kong imodel yung ginagawang suits ni Kathy. Ang gaganda kaya nun."Saad niya

Sabagay ako din naman hinihiling ko balang araw na maimodel ko yung suits na denidesign niya. Ang ganda niya kasing magdesign.

"Same as you. Gusto kong maimodel yung denidesign niyang suits. Kaso hindi kasi nagkakaroon ng pagkakataon."Simpleng saad ko

"Kung meron mang pagkakataon yung Letseng Aria yung laging naghahanap ng models ee andito naman tayo."Saad niya at saka ngumuso.

Iimik pa sana ako ng magbukas ang pinto. At agad kaming napalingon dun. Iniluwa niya si Kathy na basang basa.

"Saan ka nanggaling? Sana nagdala ka ng payong."Kenneth sabay tayo at nilapitan si Kathy.

Ito talagang si Kenneth kung hindi lang Fiance si Abigail aakalain kong may gusto kay Kathy. O.A masyado mag-alala ee.

"None of your fucking bussiness."Simple niyang saad at saka pumasok sa kwarto niya.

Nagtataka namang lumingon sa akin si Kenneth.

"Anyare dun? May mens?"Natatawang tanong ni Kenneth habang nabalik sa upuan niya

Natatawa naman akong napatingin sa kanya.

"Bad mood yun sayo."Simple kong saad

"Huh? Bakit sa akin?"Nagtatakang turo niya sa sarili niya.

"Oo, Sayo. Naeimail mo na ba?"Tanong ko sa kanya

"Oo, kaya nga nakapunta na ako dito ee."Saad niya

"Tss. Kahit naman hindi mo naiiemail pupunta ka pa rin dito."Inis kong saad.

Baka nga siya pa yung makaubos ng mga pagkain namin ee.

"Hoy! Ethan Smith. Sino ka ba sa inaakala mo ha?"Inis niya ding saad

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ohh! Wag mo akong tingnan ng ganyan. Ikaw nauna."Inis niyang saad at pumasok sa kwarto ko at narinig ko pang nilock.

Dali dali akong tumayo at kinalampag ang pinto ko.

"HOY! GAGO KA. LUMABAS KA DYAN."Sigaw ko pero hindi pa rin niya binubuksan.

Napakafeel at home talaga ng gunggong na ito.

Inis akong naupo sa sofa habang pinagmamasdan ang portrait na malaki ni Kathy. (SEE THE MULTIMEDIA)

Saan ka ba nanggaling? At Para kang basang sisiw? Hindi kaya. No, Hindi niya dadalawin yun.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon