Chapter 41 :

1.1K 28 0
                                    

Ronnie's Pov

Kausap ko ngayon si Sue, siya yung nililigawan ko. Kausap ko siya Via Skype.

"Nasaan na nga pala si Kathy?"Tanong niya

"Nasa kwarto niya yun."saad ko

Tumango naman siya.

"Anong oras na dyan?"Tanong niya

Tiningnan ko ang orasan dito sa kwarto at laking gulat ko ng magaala sais na ng gabi.

"Ala sais na ng gabi. Ang haba na pala ng usapan natin. Hindi ko namalayan."

Ngumiti siya sa akin. Saka pinatay yung tawag.

Sinarado ko na yung laptop ko at saka lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa baba, handa na lahat ng kailangan.

"Nasaan sila Kira?"Tanong ko kay Yna

"Nasa mall ata, may bibilhin lang daw."Yna sabay upo sa sofa

"Grabe kapagod."Yna again

Tumabi naman ako sa kanya.

"Diba pool party, bakit may mga design pa dito sa sala?"Tanong ko

"Si Mikaela ang nagsuggest niyan. Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa isip nun. At nagsuggest pa ng ganyan ee alam naman niyang pool party."Yna

Tumawa na lang ako sa kanya. Agad naman siyang nagseryoso.

"Seryoso mo masyado, kinakabahan ako."Pagbibiro ko

Tiningnan niya ako muna ako bago siya nagsalita.

"Paano kayo nagkakilala ni Queen?"Tanong niya.

Susko po. Akala ko kung ano na. Yun lang pala.

"Hmm, Mula nung dumating siya sa Japan. Andito palang siya sa pinas magkakilala na kami. Astig nga niya ee."Ako habang nakangiti

"Astig talaga siya. Nga pala diba ikaw yung dating Gang Leader ng Black Velvet? Anyare?"Tanong niya

Ngumiti muna ako sa kanya bago nagsalita.

"Alam mo bang si Kathy ang tumulong sa akin para mabuo ko ang Black Velvet?" Umiling lang siya. "Siya ang tumulong sa akin, Siya ang kasama ko sa pagtayo ng Black Velvet. Siya yung andun nung kailangan ko ng karamay para maitayo ang Black Velvet. Napakabless ko na nga nun ee. Kasi andun siya nung tinatayo ko yung Black Velvet. Pero bago ko pa maitayo ang Black Velvet may gang na pala siyang inaalam sa Japan. Nalaman ko lang yun nung Nagbukas ako ng Website yung gang web. Andun siya, Siya ang laging laman nun. Lagi siyang panalo sa mga laban niya. Pero hindi ko inaasahan na iiwan niya ang Gang na matagal niyang pinaghirapan. Alam ko naman yung dahilan niya ee, Nalaman kasi nila Tita Jane na may gang na hinahawak si Kathy kaya ayun nagmigrate tuloy siya sa Amsterdam kaya ayun nakagawa siya ng gang sa Amsterdam at kayo yun."Mahabang kwento ko

"Ee bakit nga pala naagaw yung gang mo?"Tanong niya

"Yun na nga ee, Nung araw na lumipad papunta sa Amsterdam si Kathy. Naisuko ko yung gang ko at hindi ko pinagsisihan yun."Ako sabay ngumiti ng mapait.

"Ee bakit naman hindi mo pinagsisihan yun?"Tanong niya

"Dahil kay Kathy."Simpleng sagot ko.

"Huh?"Takang tanong niya

Ngumiti na lang ako sa kanya.

Napangiti ako ng mapait ng maalala ko kung paano ko sinuko yung gang ko kay Brett. Siya yung EX ni Kathy.

Flashback.

Nakaupo ako sa bench dito sa parke ng biglang may humitong kotse sa harapan ko.

Nagtaka naman ako pero nagulat ako ng biglang lumabas si Brett.

"Can we talk?"Tanong niya

Tumango naman ako. Naupo siya sa tabi ko.

"Gusto kong isuko muna ang gang mo sa pinas."Brett

"Ayoko."Simpleng sagot ko

"Alam kong hindi madali para sayo ang isuko ang gang na pinaghirapan mong itayo kasama si Kathy."Brett

"Paano mo nalaman?"Gulat kong tanong

"Simple lang, marami akong source."Brett sabay ngisi

Masama ang ngising yan.

"Ano bang pinupunto mo?"Maangas kong saad

"Alam mo kung anong pinupunto ko."Brett, tumingin siya sa akin.

"Kaya kong saktan si Kathy. Alam mo yun?"Tas bigla siyang ngumisi. "Ang gusto ko lang isuko mo yung gang mo para hindi na masaktan si Kathy."At saka siya tumayo at naglakad papunta sa kotse niya.

Pero bago pa siya sumakay sa kotse niya may binitawan siyang salita.

"Pag-iisipan mong mabuti."

End of Flashback.

Pinag-isipan kong mabuti ang desisyon ko. Nung kinabukasan din nun ay sana'y isusuko ko na pero nalaman kong lumipad na si Kathy papuntang Amsterdam. Nung gabi din nun ay kinausap ulit ako ni Brett dun din sa parke kung saan kami nag-usap. Pinagbantaan niya ang buhay ni Kathy, Susundan daw niya si Kathy at Papatayin pero kahit ako gulong gulo na kung ano ang isasagot ko. Alam kong pinag-isipan ko na pero gulong gulo pa rin ako. Kaya sa huli na paOO na din ako. Ayokong mapahamak si Kathy.

Alam kong kayang protektahan ni Kathy ang sarili niya pero gusto ko lang makasigurado.

Natandaan ko din kung bakit ako tinawagan ni Kathy noon. Pinapunta niya ako sa Amsterdam para makilala sila Aria.

Hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko, para kay Kathy din naman yun. Pero dahil din naman kay Kathy kaya nabuo ang gang. Si Sue ang isa mga gang member ko. Matagal na pala siyang may gusto sa akin pero napapagtuonan ko lang daw ng pansin ay si Kathy. Pero isang araw na realize kong masaya palang kasama si Sue ayun nagtuloy tuloy niligawan ko na.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon