Chapter 39 : Making a Happy Memories

1.3K 26 1
                                    

DeeJhay's Pov

Nakalabas na kahapon si Kathy ng Ospital. Nagulat na nga lang ako kasi biglang dumating yung mga gang niya. As in lahat. At andun yung pinsan kong si Aria.

"DeeJhay, Baka naman gusto mong dalian."Inis na saad ni Elmo

Nilingon ko sila.

"Kanina pa kayo ha! Ang aga aga niyo akong ginising. Para saan ba ito ha?"Tanong ko

Pero hindi sila sumagot. Kaya binilisan ko na ang pagsasapatos ko. Kanina pa nila akong Sinisigawan o di kaya'y maiinis dahil sobrang bagal ko daw. Ano kayang balak ng mga ito? At wala akong kaalam alam.

Pagkatapos kong magsapatos niyaya ko na sila paalis. Agad naman silang nagsipagtayuan at dali daling nagpunta sa elevator. Hindi lang sila dali dali as in nagpaunahan pa.

Tiningnan ko sila ng nagtataka. Nagkibit balikat lang sila.

Kanina pa rin sila mukhang tanga dahil ngingiti na lang sila mag-isa habang nakatingin sa akin. Hindi naman sa pag-aano pero parang nababaliw na ata ang mga kaibigan ko. Tatanungin ko sila kung bakit sila nakangiti. Ang isasagot lang nila ay isang kibit balikat. See para na silang baliw.

Tch. Nag-aalala pa rin ako kay Kathy dahil hindi na siya nagpahatid sa bahay nila. Dahil andun naman daw ang mga gang niya.

Bakit nga ba andito ang gang niya? Yun kaya ang inaasikaso niya? Kaya ba siya naging busy? Andami kong tanong pero alam kong hindi naman masasagot.

Napukaw ni Diego ang pag-iisip ko ng bigla siyang sumigaw.

"HOY! KANINA KA PA DYAN. TARA NA."sigaw niya

Dali dali naman akong sumakay ng kotse at pinaharurut naman agad ito ni Alex. Tch. Kahit kelan talaga ito kaskasero.

"Bagalan mo naman, Wala naman tayong hinahabol ee."Reklamo ko. Ang bilis bilis niya magpatakbo. Akala mo naman ay mahuhuli sa lakad. Saan nga ba ulit kami pupunta?

"Saan nga ba tayo pupunta ha?"Tanong ko pero ngumiti lang sila at nagkibit balikat.

"Nababaliw na ba kayo?"Tanong ko

"Mas baliw ako kay Janella."Saad ni Elmo at saka ngumiti na parang aso.

"Mas baliw na baliw ako kay Chie."Saad ni Alex habang nagdadrive

"Baliw naman sadya kayo."Bulaslas ko

"What? Mas baliw ka kay Kathy."Alex tas tumingin siya at saka binalik ang tingin sa daan

Ngumiti na lang ako saka pinagmasdan ang mga nadadaanan naming daan. What the?

Wala na kami sa QC? Agad akong napatingin sa kanila.

"Mga kaibigan ko ba kayo? Siguro ginaya niyo lang mukha nila para makidnap ako para makakuha kayo ng pera sa mga magulang ko."Kinakabahan kong saad

Agad naman silang nagtawanan. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Nababaliw ka na nga."Elmo sabay tingin sa labas.

"Hindi mo natatandaan ang daan na ito."Alex

Agad akong napatingin sa labas. Ito yung..

"Dadalhin kita sa lugar na hinding hindi mo makakalimutan."

"Wow, Paano mo ito nakita?"

"Simple, Dahil dito ko dinala ang mahal ko."

"Sino bang mahal mo?"

"Yun lalaking kaharap ko ngayon."
Agad akong napangiti. Sadyang malayo ang Forever Garden. Tama Forever Garden ang tawag dito at siya ang nagdala sa akin.

Malayo ito sa QC at mas malayong malayo ito sa kabihasnan.

"Naaalala mo na?"Alex

Tumango ako at ngumiti. Sasagot na sana ako ng biglang..

"Were here."Masayang saad ni Pat saka bumaba. Bumaba na din kami.

O___o ganyan ang mata ko ng makita ko si Kathy.

Nakawhite na off shoulder dress siya tas nakaflat shoes. (See the Multimedia)

Lumapit ito sa akin at agad akong niyakap.

"Kaya ba maaga niyo akong inabala sa pagtulog?"Tanong ko kila Elmo at tumango naman sila.

Niyakap ko naman siya pabalik.

"Ang ganda mo ngayon ahh."Pagpuri ko sa kanya. Kumalas siya sa yakap at agad na naglakad paalis.

"Saan siya pupunta?"Tanong ko

Nagkibit balikat naman sila at sinundan si Kathy. Sinundan ko din sila. Namangha ako sa nakikita. Napakaganda talaga ng hardin na ito. Lalo na pa umaga. Nung dinala kasi ako dito nila Kathy ay gabi na kaya hindi ko masyadong naenjoy ang ganda nito.

Paghinto nila agad akong huminto. At laking gulat ko ng may batis akong nakikita ngayon.

Tiningnan ko sila Janella. Umalis na sila at ako lang ang naiwan.

Saan naman sila pupunta?

Aalis na sana ako ng biglang..

"Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka, yan ang Panalangin ko."

Agad akong napatingin sa kumanta nakalubog siya batis habang nakatayo at nakatingin sa akin.

Napakaganda ng boses niya.

"Take my hand, Take my whole life too. For i can't help falling inlove with you."

Agad akong napangiti dahil sa ganda ng boses niya.

Lumapit ito sa akin at saka ako hinalkan. Nagresponse ako sa halik niya. Nasa ganun kaming posisyon ng biglang may pumalakpak.

Agad kaming napatigil. Sila Janella habang may hawak silang Balloon. Ano ito birthday party?

Tiningnan ko si Kathy. Ngumiti ito sa akin saka tumingin kila Janella. Agad akong napatingin kila Janella. Iniharap nila ang mga hawak nilang lobo at may mga litrato naming nakadikit dun. Napangiti ako. Hindi ko akalain na gagawin niya ito.

At nagulat ako ng biglang magtipon tipon sila Janella at may binukang Malaking tarpaulin at may mga pictures din namin dun. At may nakasulat na.

MAHAL NA MAHAL KITA. HAPPY 3RD MONTHSARRY BABE.

Agad akong napatingin sa kanya at niyakap siya.

"MahaI na mahal din kita."Saad ko

Humiwalay siya sa yakap at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Saksi sila Janella kung gaano kita kamahal. Saksi ang hardin na ito kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita at walang makakabili ng pagmamahal ko para sayo. Mahal na Mahal kita DeeJhay Padilla."Saad niya at saka niya ako hinalkan.

Nagresponse naman agad ako at nakarinig na ako ng palakpakan at tilian. This is the best day ever.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Sana nagustuhan niyo.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon