TD 19 :

1K 23 0
                                    

Kathy's Pov

"Sasabihin kong walang aksidenteng naganap at wala akong amnesia."

"Sasabihin kong walang aksidenteng naganap at wala akong amnesia."

"Sasabihin kong walang aksidenteng naganap at wala akong amnesia."

"Sasabihin kong walang aksidenteng naganap at wala akong amnesia."

Parang sirang plaka nagpapaulit ulit mga salitang yan sa isip ko at dun ko lamang naramdaman na umiiyak na ako.

All this time, Kasinungalian lang pala ang pagkakaamnesia niya.

Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari five years ago. Parang nauulit lang ngayon.

Tulo pa rin ng tulo ang luha ko. Inis ko itong pinunasan.

Agad akong pumalakpak.

Gulat silang napatingin sa akin.

"GREAT ACTORS AND ACTRESSES. GREAT. JUST GREAT. NAPAIKOT NIYO NA NAMAN AKO SA MGA KASINUNGALINGAN NIYO. GREAT."Sigaw ko habang pumapalakpak

"Magpapaliwag kami."Saad naman ni Julia

Napangisi naman ako sa kanya at umiling.

"No need. Narinig ko ng lahat."Saad ko. Pinipigilan kong wag pumiyok. Ayokong umiyak sa harap ng mga taong ito.

Naramdaman ko namang nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko.

Tumingala ako para hindi tuluyang bumagsak ang luha ko.

"Kathy."

Agad akong napatingin sa kanya at naiiyak na siya.

"No need to explain. Narinig ko ng lahat. Ang galing galing niyong magpaikot. Bakit kaya hindi niyo itry ang magpaikot ng buwan at araw para naman matuwa ako sa inyo?"Inis kong saad

"Kathy, Magpapaliwanag kami."Elmo

"Bingi ka ba o nagbibingi bingihan ka lang. Sinabi ko ng No Need. Hindi na kailangan kasi nalaman ko na lahat."Galit kong saad

"Kathy, Im so sorry. Wala silang kasalanan dito. Nadamay l---"Pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Narinig ko na yan, gusto ka nilang tulungan kasi kaibigan mo sila."Galit kong saad. "Grabe ang gagaling niyo, Best actors and actresses. Grabe. Anong gusto niyong iaward ko sa inyo? Yung bang Best Liar 20chuchu."

"Kathy."Pagtawag niya sa pangalan ko.

Iritable ko siyang tiningnan.

"Wag na wag mo/niyo akong matawag tawag sa pangalan ko. Dahil nagmumukha akong demonyo pag kayo na ang tumatawag sa pangalan ko."Saad ko at saka tumalikod sa kanila at patakbong nagtungo pabalik sa loob ng bahay.

Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo at hindi ko man lang namalayan na nasa kwarto na ako. Kahit ako hindi ko alam kung paano ako napunta dito gayung hindi ko alam ang daang tinahak ko papunta dito.

Agad akong pumasok sa walk in closet at saka nag-impake.

Ang sakit. Parang bumalik yung sakit five years ago.

Habang nag-iimpake ako ay bigla siyang pumasok.

"Saan ka pupunta?"Tanong pa niya habang nakatingin sa akin

"Wala ka na dun."Saad ko at saka sinara ang maleta ko at hinila ito palabas ng walk in closet.

Pumunta ako sa kama ko at hinanap dun ang phone ko. Nang mahanap ko ay agad kong tinawagan si Ethan.

"Sunduin mo na ako dito. Alam mo naman kung saan ito diba?"Saad ko at saka binaba ang tawag.

Naupo ako sa couch at saka inayos ang mga gamit kong nakakalat.

Pagkatapos kong ayusin ay agad akong tumayo at nung lalakad na ako papunta sa veranda ay hinila niya ako papunta sa kanya, nagpupumiglas ako pero wala talaga akong nagawa dahil mas malakas siya sa akin.

"Sorry. Im so sorry. Alam kong hindi mapapawi ng paghingi ko ng tawad ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Sorry."Saad niya at saka ako niyakap ng mahigpit

Tinulak ko siya at saka ako napaupo sa sahig.

"SORRY? GAGO KA BA? ANONG AKALA MO SA AKIN BATO? AT WALANG NARARAMDAMAN. AYOS NA SANA EE KUNG HINDI KA PA NAGPANGGAP NA MAY AMNESIA. NILOKO MO KO. NILOKO NIYO AKONG LAHAT. NAGSINUNGALING KA. NAGSINUNGALING KAYONG LAHAT. ANONG GINAWA KO SA INYO? PARA GAWIN NIYO SA AKIN ITO HA! HINDING HINDI KO KAYO KAYANG PATAWARIN."sigaw ko

"Dalawang beses. Dalawang beses mo ng ginawa ito. Sobrang sakit. Mas masakit ngayon dahil lahat kayo niloko ako."Saad ko at hindi ko na napigilan pa ang lumuha.

Nung lalapit siya sa akin ay pinigilan ko siya.

"Wag na wag kang lalapit."Saad ko

DeeJhay's Pov

Ang sakit. Sana pala hindi na lang ako nagpanggap. Ee di sana walang mangyayaring ganito.

Ang sakit lang dahil nakikita mo siyang nasasaktan.

Nakaupo siya sa sahig at nakasandal ang ulo sa kama. Kahit nakapikit siya ay may tumutulo pa ring luha galing sa mga mata niya.

Gusto ko yung punanasan pero hindi ko magawa.

Maya maya pa ay hindi ko na namalayang ala una na pala ng madaling araw.

Nakaupo na ako sa sofa at ganun pa rin ang pwesto niya.

Maya maya pa ay may biglang bumisina.

Kathy's Pov

Pagkarinig ko ng busina ay agad kong minulat ang mga mata ko at dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at bumaba na.

Pagbaba ko ay nadatnan ko pa silang nakaupo sa sofa at natutulog. Hindi ko na lang sila pinansin at dali daling lumabas ng bahay na yun.

Paglabas ko ay agad akong sinalubong ni Ethan pero hindi ko siya pinansin at nagdirediretso agad ako sa loob ng kotse.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Sobra sobra na yung sakit.

Naramdaman ko na lamang na umaandar na kami. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe.

"Sana paggising ko bukas, wala na yung sakit."

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon