TD 18 : Tagaytay Part 3

1K 21 0
                                    

Chienna's Pov

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na parang ewan. Parang may hindi mangyayaring maganda ngayon.

"Stress na stress ka Babe! May problema?"Alex saka yumakap sa akin

"Wala, Inaalala ko lang si Chixander."Simpleng sagot ko

"Bakit gusto mo na bang masundan si Chixander? Gusto mo ba ng baby girl naman?"Nakangisi pang tanong niya

"Ikaw talaga kahit kelan noh!"Saad ko

Iimik na sana siya ng biglang sumulpot sila Julia. Naupo sa harap namin si Julia at Diegs tas sila Janella naman ay magkayakap na naupo sa sahig.

"Kinakabahan ako."Biglang bulaslas ni Janella

"Ssshhh. Baka marinig kayo ni Kathy."Suway naman ni Diegs.

"Hindi yun, tulog yun noh!"Saad naman ni Julia

"Happy Anniversarry Baby."Diegs sabay kiss sa cheeks ni Juls.

Ngumiti si Juls at saka niyakap si Diegs.

Jusko. Saka pa nagyakapan, ee kinakabahan na nga kami sa maaaring mangyari.

"Baby, 8 ng gabi ang umpisa ng party ha!"Saad naman ni Diegs at tanging tango lang ang naisagot ni Juls at saka kumalas sa yakap at humarap sa amin.

"Sana bago matapos ang araw na ito ay masabi na ni DeeJhay ang katotohanan."Saad naman ni Janella

"Sana nga, kahit masira na itong trip natin para sa celebration ng anniversarry namin."Saad naman ni Juls.

"Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos sabihin ni DeeJhay ang katotohanan kay Kathy."Saad ko naman

"Walang nakakaalam ng mangyayari. Itong set up natin parang nung college. Nung nalaman ni Kathy na Dare lang pala ang lahat."Saad naman ni Elmo

"Narinig niya tayo nun at ayaw kong humantong sa ganun na naman. Mahirap para sa atin na magsinungaling kay Kathy dahil kaibigan natin siya pero kaibigan din natin si DeeJhay ang pinagkaiba lang nila ay Matagal na nating nakasama si DeeJhay kaysa kay Kathy."Diegs

"Sana mapatawad niya tayo pag nalaman niya na ang totoo. Ayaw kong humantong sa lalayo na naman siya sa atin at babalik ulit siya para patawadin tayo sa kamalian natin."Juls

"Sana, Sana mapatawad niya talaga tayo."Elmo

"Mapapatawad niya tayo. Maiintindihan niya pag pinaliwanag natin sa kanya."Alex

Tumango na lamang kami at nag-umpisa ng magkwento ng kung ano-anu.

Maya maya pa ay hindi namin namalayan na ala-sais na pala ng gabi.

"Sige na maghanda na kayo."Juls

Tinanguan lamang namin siya at umakyat na kami sa kanya kanya naming kwarto.

Janella's Pov

"Hon, Wag kang mag-alala. Maiintindihan niya kung bakit natin nagawang magsinungaling sa kanya."Elmo

Naupo ako sa kama at nagsuklay.

"Nakita mo naman kung paanong tumagal bago pa tayo mapatawad ni Kathy. Kung hindi pa ginawang Ninang ni Juls si Kathy para kay Annika ay hindi niya tayo mapapatawad. Umabot pa ng isang taon bago niya tayo napatawad ng tuluyan. Kaya kahit ako kakabahan sa kalalabasan nitong pagsisinungaling natin."Saad ko

Tiningnan niya lang ako at saka inayos ang polo niya.

Julia's Pov

"Grabe ha! Ang tagal niyo."Saad ko at saka naupo sa sofa

"Sorry naman."Janella

"Where's DeeJhay?"Tanong naman ni Chie

"Speaking of."Alex sabay nguso kay DeeJhay na pababa na ng hagdan.

"Natulog ka rin?"Tanong ko pa pero umiling lang siya

"Ee anong ginawa mo sa taas?"Tanong naman ni Alex

"Nasa sa sala ako doon sa taas. Nakahiga ako dun at dun na din ako nakatulog."Simpleng saad niya at naupo sa tabi ni Janella

"So, Where's Kathy?"Tanong naman ni Elmo

"Tulog pa siguro yun tara muna mag-usap usap sa may secret garden."Pagyaya naman ni Diegs

Tinanguan namin siya at saka siya sinundan papuntang secret garden.

Kathy's Pov

Nakangiti akong bumababa ng hagdan. Napakasaya ko.

Pagbaba ko ay agad hinanap ng mata ko sila Julia. Nasaan ang mga yun?

Nagpunta ako sa kusina pero wala sila dun. Kumuha na lamang ako ng wine at glass wine at saka naupo sa stool sa may counter.

Nagsalin ako ng wine sa glass wine ko at saka ininom yun.

Nasaan kaya ang mga yun?

Baka natutulog? Imposible dahil sabi ni Julia ay alas-otso daw ng gabi ang umpisa ng celebration ng anniv. Nila.

Nagsalin ulit ako ng wine sa glass wine ko at saka tumayo.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko naman saulado ang mga bawat sulok ng bahay na ito.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang hardin. Ang ganda. Nakakapagpatagal stress. Inilibot ko ang paningin ko at dun ko lamang napansin ang isang daan.

Saan naman ito papunta?

Iniwan ko sa may lamesa dun ang iniinom kong wine at saka nagtungo sa daan na yun.

Habang palapit ako ng palapit ay may naririnig akong may nag-uusap.

Nang makalapit na ako ay rinig na rinig ko na ang pag-uusap nila

DEEJHAY .

Anong ginagawa nila dito? Bakit dito pa? Kung pwede namang sa may sala na lang diba?

Napabalik ako sa reyalidad ko ng biglang magsalita si DeeJhay.

"Sasabihin ko na sa kanya ngayong gabi."DeeJhay

Lahat sila ay nakatuon ang paningin kay DeeJhay kaya hindi nila ako napapansin. Tas pare-parehas pa silang nakatalikod kung nasaan ako ngayon.

Anong sasabihin mo sa akin DeeJhay?

Sa akin nga ba? Assumera din ako ee noh!

"Kailangan mo na talagang sabihin sa kanya ngayon. Dahil hindi na kinakaya ng konsensya namin."Julia

Huh no daw? Konsensya? Hindi kinakaya? Ang daming tanong sa isip ko pero parang hindi masasagot iyon kung hindi ako makikinig sa usapan nila.

"Kinakabahan kami sa maaring mangyari pagkatapos mong sabihin sa kanya ang totoo."Janella

"Hindi man natin alam ang mangyayari. Sana, Sana lang mapatawad niya tayo."Chie

"Mapapatawad niya tayo."Alex

"Sasabihin ko na kay Kathy ang totoo, Sasabihin ko sa kanyang wala talaga akong amnesia. Nagawa gawa ko lang yun. Nasama lang kayo dahil kaibigan ko kayo dahil na rin sa gusto niyo akong tulungan. Sasabihin kong walang aksidenteng naganap at wala akong amnesia."DeeJhay

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon