Chapter 38 :

1.2K 27 5
                                    

Kenneth's Pov

Naglalakad na ako pabalik sa pad ko. Bumili kasi ako ng makakain namin ni Kathy.

Pagdating ko sa pad, bukas ang pinto. Tsk. Si Kathy talaga hindi man lang sinarhan ang pinto. Paano kung may makapasok? Dumiretso ako sa kusina saka inilapag ang binili ko.

"KATHY, BABA NA. KAKAIN NA TAYO."sigaw ko

Pero walang Kathy'ng bumababa. Kaya napagpasyahan ko na siyang akyatin.

Laking gulat ko ng makita ko siyang nakahiga sa sahig habang dumudugo ang ulo. Anong nangyari dito?

"Kathy, Kathy. Wake up."Ako sabay tapik sa pisngi niya.

Kinuha ko ang phone niya sa bulsa niya at tinawagan si DeeJhay.

"May nangyari kay Kathy.. Basta itetext ko na lang sayo.. sumunod ka na lang.. itetext ko na nga.."Ako sabay baba ng tawag at lagay ng phone ni Kathy sa bulsa ko.

Agad agad kong binuhat si Kathy at saka dali daling sumakay ng kotse at saka pinaharurut papunta sa malapit na ospital.

Kingina sinong gagawa sayo nito?

Pagdating sa ospital agad siyang inalam ng doctor at nurse. At pinalabas naman nila ako Sa Er. Tinext ko si DeeJhay gamit ang phone ni Kathy.

At ilang minuto pa lang ay andito na siya.

"Anong nangyari?"Maluha luha niyang saad

Nagkibit balikat ako at saka siya napasabunot sa buhok niya.

"Kausap ko pa siya kanina."DeeJhay

Agad akong napatingin sa kanya.

"Magkausap kayo kanina?"Takang tanong ko. At agad naman siyang napatingin sa akin at tumango.

At hindi ko pa inaasahan ang sunod niyang sinabi.

"Kakain na daw siya kaya pinatay na niya yung tawag."Mahinahon niyang saad.

Hindi ako pwedeng magkamali. Sinaktan nila si Kathy. Hindi talaga ako pwedeng magkamali.

Sana lang tama ang hinala ko.

Agad akong napatayo ng biglang lumabas ang doctor.

"Who's the relatives?"Doc

"Kami po."Saad ko

Tumango yung Doctor.

"Kamusta na po siya?"Kinakabahan kong saad, tiningnan ko si DeeJhay nakatingin lang siya sa doctor.

"Stable na siya, dahil sa malakas na pagpalo sa ulo niya hindi ko alam kung kelan siya magigising."Saad ng Doc.

Agad nanlaki ang mata ko. Pumalo?

"Inilipat na namin siya ng kwarto maari niyo na siyang puntahan. Oras oras ay bibisitahin ko siya para tingnan kung ano ang lagay niya. Mauna na ako sa inyo."Saad ng Doc. Saka lumakad paalis.

Tiningnan ko si DeeJhay na hindi makapaniwala sa nangyari.

"Pinalo?"Gulat na tanong niya.

Tumango ako kahit ako ay hindi makapaniwala.

"Tara na sa kwarto niya."Yaya ko sa kanya.

Agad siyang tumango at saka nag umpisang maglakad.

Pagdating sa tapat ng kwarto kung nasaan si Kathy ay agad kaming pumasok.

Pagpasok namin agad na naupo ako sa sofa habang si DeeJhay ay pumunta sa tagiliran ni Kathy at dun naupo.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Isang Kathy na parang gulay dahil sa lanta. May benda din ang ulo nito.
Sure akong matigas ang pinalo sayo. At kung sino man ang taong nasa likod nangyari kay Kathy. Ay humanda na siya.

DeeJhay's Pov

Isang linggo ng tulog si Kathy. Sabi ni Doc. Ay sadya daw yun. Napatingin ako kay Kathy. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan nito.

Nasa ganun akong posisyon ng pumasok sila Janella.

"We brought some fruits and flowers."Julia sabay lapag ng bulaklak at prutas sa lamesa sa tagiliran ng kama ni Kathy.

"Sana gumising na siya, diba sabi niya sayo nung linggo ay dapat may plano siya para sa motmot niyo."Janella

Tumingin ako sa kanila at ngumiti ng malungkot.

Lumipas na ang motmot namin pero tulog pa rin siya. Martes na ngayon at martes din yun ng mangyari yun.

Sa pagmumuni ko hindi ko namalayang pumasok na si Kenneth.

Lumapit ito sa akin. Sa amin.

"Nagising na ba siya?"Tanong niya

Umiling lang ako sa kanya. Umupo siya sa tabi nila Janella at nakipagkwentuhan.

Mayamaya ay hinawakan ko ang kamay niya. At hinalkan ito.

Gumising ka na please.

Tatayo na sana ako ng biglang..

"Gumalaw yung kamay ni Kathy."Sigaw ko sa kanila at kinabigla naman agad nila yun.

Agad silang napatayo at pinagmasdan si Kathy. Gumalaw ang kamay niya dahan dahan nga lang. Tas dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya.

"May masakit ba sayo?"Agad kong tanong.

Nilibot  niya ang mga mata niya at..

"Nasaan ako? Sino kayo?"Tanong niya

Laking gulat namin. Wala siyang maalala.

"A--Ako si DeeJhay. Yung boyfriend mo. Tanda mo."Utal kong saad.

Kinakabahan ako. Sana joke lang ito. Kung joke man matatanggap ko. Sana Joke lang talaga ito.

"Ha? Sino kayo? Anong ginagawa ko dito?"tanong niya

Agad na tumulo ang luha ko. Tiningnan ko sila Julia na naiiyak na sa nangyayari. Hindi pwede ito.

"Y--you do--n't re-remember us?"Naiiyak na tanong ni Chie

Agad akong napatingin kay Kathy. Seryoso ang mukha nito at mukhang naguguluhan.

"Sino kayo? Sino ako? Bakit kayo andito? at anong ginagawa ko dito?"Tanong niya

At dun na ako nanlumo. Meron siyang amnesia at yun ang hindi ko natanggap. Napaiyak na ako. Nilibot ni Kathy ang paningin niya sa amin.

Umiiyak na kami pero parang wala lang sa kanya.

Iimik na sana ako ng biglang..

"JOKE."Nakangiti niyang saad

Agad ko siyang niyakap.

"Thank god."Saad nila Elmo

"Akala ko nakalimutan mo na kami."Saad ni Chie

"Hinding Hindi ko kayo makakalimutan. Kenneth."Baling niya kay Kenneth na tahimik na nakatingin lang sa amin.

Tumango si Kenneth at saka siya lumabas. Ano yun?

Tiningnan ko si Kathy at saka ngumiti.

"Pinakaba mo ako."Saad ko

Ngumiti siya.

"Tiningnan ko lang kung kaya niyo bang mawala ako."Ngiti niyang saad

"Nakita mo na diba?"Janella

Tumango ito at ngumiti.

Thank God kasi Joke lang hindi ko talaga kakayanin pag hindi niya kami maalala.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Sana nagustuhan niyo.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon