Chapter 36 :

1.4K 27 0
                                    

Kathy's Pov

Sabado ngayon at walang magawa dito sa bahay.

Nagtaklob na lang ako ng kumot. Matutulog na lang ako maghapon.

Pipikit na sana ako ng biglang may humila ng kumot ko.

Tiningnan ko kung sino ang humila.

"Ronnie, Ano ba? Bakit ba?"Iritable kong tanong.

Iimik pa sana siya ng biglang..

"HI QUEEN."

Agad naman akong napatingin sa likod ni Ronnie.

Anong ginagawa nila dito?

Bumangon ako at pumasok sa Cr ko para mag hilamos.

Pagkahilamos ko agad akong lumabas ng cr. Paglabas ko wala na sila. Baka nasa baba lang sila.

Lalabas na sana ako ng kwarto ko ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"I miss you so much."

It's Him, siya yung taong minahal ko pero nagpaubaya siya para sa kasiyahan ng iba.

"I really really miss you so much."Ethan

Tinagtag ko ang yakap niya at humarap sa kanya.

"Your back? For what reason?"Diretsa kong tanong

Alam kong may rason kaya siya bumalik ulit at nagpakita sa akin.

Tumalikod siya at nagtingin tingin sa buong kwarto ko.

"Your happy with him?"Ethan habang hawak yung frame na may picture namin ni DeeJhay. (see the multimedia)

Sasagot na sana ako ng bigla siyang tumawa.

His Insane?

"Bakit pa nga ba ako nagtatanong? Ee halata naman ee."Ethan, halata sa tono ng boses niya ang sakit.

"Ethan,"Pagtawag ko sa pangalan niya.

Hindi siya lumingon, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Nung araw na dumating ako dito, yun yung araw na naabutan kitang may sinasaktan sa U.B. Yun yung araw na gusto na kitang makausap. Pero tumakbo ka at hindi na kita naabutan.
Hindi ko alam kung saan ka pumapasok. Kaya nung nalaman kong andito din si Kenneth. Kinausap ko siya at ayun binigay niya ang pangalan ng university'ng pinapasukan mo."Ethan

Iimik na sana ako ng bigla ulit siyang umimik.

"Pagpunta ko sa university'ng pinapasukan mo, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Hindi ko alam kong maniniwala ba ako o hindi. Hindi ako makapaniwalang nakakasama mo si Inigo. Tinotoo niya talaga yung sinabi niya sa akin. Babalik siya, para pasayahin ka ulit. Pero bumalik nga siya at pinapasaya ka. At ako, bumalik ako para malaman mong mahalin pa rin kita. Pero huli na pala ang lahat. May mahal ka na at yun yung lalaking kasama mo nung makita ko kayo."Ethan

Niyakap ko siya mula sa likod.

"I miss you too, Kahit hindi ikaw yung lalaking mahal ko ngayon. Ikaw pa rin naman ang lalaking minahal ko at mamahalin ko bilang kaibigan. Your always here, *sabay turo sa puso,kahit hindi niya nakikita kasi nakatalikod siya sa akin* Hindi man ikaw ang lalaking minamahal ko ngayon. Ikaw naman ang lalaking papangarapin ng iba. At im happy for that. Masaya ako kung saan ka masaya. Kung hihingi ka ng tawad dahil sa pagpaparaya mo, Wag kang mag-alala matagal na kitang pinatawad."Ako sabay tanggal ng yakap ko sa kanya.

Bago ako lumabas ng kwarto ko, may sinabi muna ako sa kanya.

"Thanks, kasi lagi kang andyan and I Love you and i miss you so much."Ako sabay labas ng kwarto ko.

Pagbaba ko agad kong nakita sila Aria sa Sala.

Pinagmasdan ko muna sila, Masaya ako kasi andyan sila. Hindi ko alam kung bakit andito sila. Pero masaya ako kasi andito sila.

Hindi ko tuloy naramdaman na nasa tabi ko na pala si Ronnie.

"Kelan ba balik ng nanny mo?"Tanong niya.

Agad akong napatingin sa kanya.

"Siguro wag na lang, kaya naman nating gawin yung mga gawaing bahay ee. Tsaka kailangan siya ng pamilya niya."Bulaslas ko

"Hoy? Anong kaya ka dyan? Ni'y hindi ko nga kayang magwalis dito sa napakalaki niyong bahay. Bakit kasi pagkaalis nila tita nagsialisan na rin yung Nanny mo at Mga maids?"Ronnie

"Basta si Nanny, Kailangan siya ng pamilya niya. Ewan ko lang dun sa ibang maids."Ako sabay baba na ng hagdan.

Pagdating ko sa sala agad na nagtinginan sila sa akin.

"Ano nga palang ginagawa niyo dito?"Tanong ko, sabay upo ko sa tabi ni Aria.

"Bakasyon?"Patanong na sagot ni Yna

"Ang aga naman ata."Bulaslas ko

"Ganun talaga, Pag yung kaibigan mo ay anak ng may-ari ng school."Aria sabay tingin kay Kenjie.

Tumawa naman si Kenjie at inakbayan si Abigail. Ngumisi ako at nilingon sila Kira na kasalukuyang nag-aasaran.

Tinawag ko ito agad naman silang napatigil sa pag-aasaran.

"Why?"Kira

"Anong ginagawa niyo dito? Diba next next month pa ang vacation niyo?"Tanong ko sa kanila.

"Si Mikaela ang gumawa ng paraan. Kaya napaaga."Ella

Tiningnan ko si Mikaela.

"I ask my dad kung pwede bang maaga na lang yung bakasyon namin nila Kira, and he said yes."Mikaela

Tumango tango ako.

"Then, Saan kayo tutuloy?"Tanong ko naman sa kanila.

"Hmm, Dito. Nasa guest room niyo na nga mga gamit namin."Aria sabay ngiti.

"What? Bakit hindi na lang kayo naghotel?"Bulaslas ko

"Mapapamahal pa kami, And si Ethan yung nagprisinta na dun na lang daw kami sa condo niya kaso tumanggi kami. Tsaka si Ronnie na yung nagyaya na dito na lang daw kami para hindi mapagastos."Mahabang paliwanag ni Kira

Tiningnan ko naman si Ronnie, nagpeace sign lang naman siya.

"Hindi nga kayo mapapagastos, but ako yung maraming magagastos. Anong tingin niyo sa akin? Mayaman."Bulaslas ko

"Diba naggigig ka, 10K naman yung binibigay diba?"Mikaela

"Hindi na ngayon."

"Bakit?"Kira

"Long story, Aakyat muna ako. Para ipaalam kila Mom na andito kayo."Ako sabay akyat sa kwarto ko.

Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan.

Siya ang dahilan kaya ako gabi gabi kumikita ng 10k. Naalala ko pa kung paano ako tumatanggi sa perang binibigay niya.

"No, Gusto ko lang kumanta. Pero walang bayad."

Napangiti na lang ako.

Pero ang lahat lang pala ng pinapakita niya ay pinalano nila.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Sana nagustuhan niyo.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon