Chapter 45 : Rebelasyon (Part Two)

1.2K 24 0
                                    

DeeJhay's Pov

Andito na kami sa bakanteng room kung saan malapit sa dean. At kanina pa nila ako tinitingnan na akala mo ay kasong napakabigat.

"Bakit ganyan kayo mga makatingin? Masyado kayong seryoso ahh."Saad ko

Pero wala akong natanggap na sagot galing sa kanila na mas ikinakaba ko.

"Titingnan niyo lang pala ako ng ganyan, edi sana dun na lang tayo sa HQ tumambay hindi dito."Iritable kong saad

Pero wala pa rin akong natanggap n sagot. Ano mga na pipi na?

"Hoy! Ano ba? Kinakabahan ako sa mga tingin niyo ha!"Saad ko at bumaling kay Alex. "Hoy! Kanina lang naglolokohan tayo ahh. Bakit ganyan ka na makatingin?"Saad ko sa kanya

Hindi niya ako sinagot instead sinamaan niya ako ng tingin.

"Hoy! Ano ba mga wala na ba kayong boses para sagutin mga tanong ko?"Inis kong saad

Kung titingnan lang pala sana nila ako na parang may mabigat na kaso edi sana dun na lang sa HQ at hindi dito sa bakanteng kwarto.

Umupo ako sa isang mga upuan dito at umupo din sila. Uub ub na sana ako ng magsalita si Elmo na kinagulat ko.

"DeeJhay, Itigil mo na yang Dare."Elmo halata sa mukha niya ang pagkakaseryoso.

Matagal ko na namang itinigil ahh.

"Tama siya, DeeJhay kailangan mo ng tapusin ang dapat tapusin."Alex

"Look DeeJhay, Maiipit at maiipit ka sa gulong to. Lalo na sila Janella."Diego

Tiningnan ko lang sila. Matagal ng tapos ang dare at hindi ako maiipit lalong lalo na sila Janella. Dahil wala naman silang kinalaman dito.

At wala namang nakakaalam na iba kung hindi kami lang. Kaya hangga't kami lang ang nakakaalam ay hindi malalaman ito ni Kathy.

"Niligawan mo siya, sinagot ka na niya, kayo na. And last break her heart para tapos na."Alex

Tiningnan ko muna sila bago nagsalita.

"No , hindi to malalaman ni Kathy . I love her . At matagal ng tapos ang dare . Matagal na akong talo sa laro ."Paliwanag ko

Agad naman akong tiningnan ng maigi ni Elmo.

"Nahihibang ka na ba ?"Elmo kitang kita mo sa mukha na seryoso talaga siya.

"Hindi ako nahihibang matagal ng tapos ang DARE na-----"Naputol ang sasabihin ko ng makarinig kami ng paglagpak ng isang bagay

Agad kaming napatingin sa pinanggalingan nun. At nanlaki na lang ang mga mata kung sino ang tao dun.

Kathy.

"K---Kathy"Gulat na sambit ko.

Kathy's Pov

Naglalakad ako ng mapadaan ako sa bakanteng room.

At may narinig akong nag-uusap, dahil nacurious ako. Binuksan ko ng konti ang pinto para makita ko kung sino ang mga nag-uusap.

Sila DeeJhay. Anong pinag-uusapn nila? Masyado naman yatang importante para dito pa sila mag-usap.

"DeeJhay , Itigil mo na yang Dare ."Elmo

Anong Dare ?

"Tama siya , DeeJhay Kailangan mo ng tapusin ang dapat Tapusin."Alex

"Look DeeJhay , Maiipit at maiipit ka sa gulong to . lalo na sila Janella ."Diego

Anong Gulo ? Bakit maiipit sila Janella ?

Naguguluhan ako .

"Niligawan mo siya , sinagot ka na niya , kayo na . And last break her heart para tapos na ."Alex

W---whatt is the meaning of this ?

"No , hindi to malalaman ni Kathy . I love her . At matagal ng tapos ang dare . Matagal na akong talo sa laro ."DeeJhay

So lahat ng pinakita nila ay isang laro lang .

Bakit ang tanga ko ? Bakit hindi ko man lang napansin na yung pakikipag kaibigan nila sa akin ay kasama lang pala sa laro nila ? Bakit hindi ko man lang napansin ?

Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko .

bakit ako pa ?

"Nahihibang ka na ba ?"Elmo

"Hindi ako nahihibang matagal ng tapos ang DARE na-----"

Naputol ang sasabihin ni DeeJhay ng Malagpak ko ang Hawak kong Box Na Dapat ay dadalhin ko sa Dean Office .

Napatingin sila sa akin .

"K---Kathy ."Gulat na sambit ni DeeJhay .

Agad akong tumakbo palayo sa Bakanteng Room na Yun .

Ramdam kong sumusunod sa akin si DeeJhay .

Bakit ?

Kakatakbo ko nadapa ako .

"Kathy , Let me Explain ."DeeJhay sabay Tayo sa akin sa pagkakadapa ko .

"No Need to Explain , Narinig ko ng lahat . Pinagmuka niyo akong Tanga ."

Ako sabay lakad palayo sa kanya.

Sobrang sakit ng nalaman ko , isang laro lang pala ako para sa kanila .

Tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. Ang sakit grabe.

Naglakad ako papunta sa kotse ko at pinaharurut papunta sa lugar kung saan labasan ko ng inis o galit. Bago muna ako pumunta ay bumili muna ko ng mga beer.

Pinagmasdan ko ang dagat habang nainom ako ng beer, Gago sila. So lahat pala ng pinapakita nila ay plano. How stupid i am?

Naibato ko ang beer dahil sa inis ko. Mga gago kayo. Inubos ko lahat ng beer na binili ko. At nagsisigaw.

"GAGO KA, SANA HINDI NA LANG KITA MINAHAL. BAKIT IKAW PA? PUTCHA NAMAN OHH! NAKAKAGAGO KAYO. PINALANO NIYO PALANG LAHAT ITO. MGA GAGO."at agad akong napaluhod.

This must be the love, Love na kaya kang gaguhin.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon