Chapter 37 :

1.3K 27 0
                                    

Kira's Pov

Maaga akong nagising kaya naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng bahay nila Kathy. Pupunta ko siya sa kwarto niya.

Pagdating ko sa tapat ng kwarto niya ay agad akong kumatok pero walang Kathy'ng nagbubukas.

Pinihit ko yung doorknob at saka pumasok sa kwarto niya. Pero wala akong makitang kathy na nakahiga. Ang aga pa ahh. Ahh. Baka nasa banyo. Punta ako dun pero wala. Tingnan ko rin siya sa walking in closet niya pero wala pa rin.

Nasaan siya? This past few days kasi laging umaalis ng bahay si Kathy. At gabi na kung umuwi. Tatanungin namin siya pero sasabihin niyang may inaasikaso lang daw siya.

Lumabas ako ng kwarto niya at saka pumunta sa kwarto ni Aria.

Kumatok ako at pinagbuksan naman niya ako.

"Ang aga pa ahh."Aria habang nagkukusot ng mata

"Tingnan ko si Kathy sa kwarto niya pero wala siya dun. Lately kasi late na siyang umuwi. Tas maaga pa kung umalis. Saan kaya yun nagpupunta?"Takang saad ko

"She's busy talaga, Ni'y hindi na nga siya nakakapasok."Aria

Tama siya hindi na nakakapasok si Kathy dahil sa masyado siyang busy.

DeeJhay's Pov

Hindi siya tumatawag, pero nagtetext siya na hindi makakapasok. Hindi ko alam kung nasaan siya, hindi ko alam kung ano ang inaasikaso niya.

"Hey, Kanina ka pang tulala?"Diego

"Ano kayang inaasikaso niya? Sabi niya babawi daw siya."Saad ko

"Bumawi naman siya ahh. Magkasama nga kayo ng tatlong araw ee."Depensa ni Alex

"Pero ang pinagtataka ko lagi niyang kasama yung Kenneth."

"Ee diba nga may inaasikaso, Syempre isasama niya talaga yun."Chie

"Malay mo, May maganda palang pinaghahandaan si Kathy. Yung tipong magiging busy siya tas biglang may engrandeng pasabog. Ganun."Janella

Binatukan naman siya ni Julia.

"Kakabasa mo yan ng kung ano anu ee kaya kung ano anu rin nasasabi mo."Julia

Sinamaan naman siya ng tingin ni Janella.

"Ganda kaya ng binabasa ko."Janella habang kinikilig pa.

"Ewan ko sayo. Nababaliw na yan. Tawag kayo ng Mental dalian niyo."Julia

Binatukan naman siya ni Janella at saka nagsabunutan. Tch. Parang mga tanga.

"Pero tol, baka nga ganun."Elmo.

"Isa ka pa ee."Saad ko sabay labas ng HQ

Paglabas ko nakita ko si Kathy. Nakasandal siya sa puno. Lumapit agad ako sa kanya at niyakap siya.

"I miss you."Saad ko

Naramdaman kong niyakap niya din ako pabalik.

"I miss you too."Mahinahon niyang saad

Kumalas ako sa yakap at saka siya hinawakan sa balikat.

"Akala ko hindi ka na magpapakita."

"Akala mo lang yun. Una na ako. Gusto lang kita makita. May aasikasuhin pa kasi ako."Saad niya saka siya naglakad palayo

Ano ba talaga ang inaasikaso mo?

Kathy's Pov

Mag-iisang linggo na ata akong busy. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin o ipaalam kila Aria ito o kila DeeJhay.

Natatakot ako na baka pati yung mahahalaga sa buhay ko ay idamay na niya.

"Kathy, May nagpapadala."Kenneth sabay abot ng box

Binuksan ko ito at nakita ko ang isang manikang duguan habang may nakasulat dito.

"Malapit na ulit tayong magkita"

Sinarado ko ito at ibinigay kay Kenneth.

"Itapon mo na yan. Sabihan mo sila Aria na hindi ako makakauwi."Saad ko sabay akyat sa kwarto

Andito ako ngayon sa pad ni Kenneth.
Simula ng makatanggap ako ng Death Threats ay dito ako nalalagi. Dahil alam kong safe ako dito at magiging safe din silang lahat.

Napabuntong hininga na lang ako. Kaya kong mamatay para sa kanila.
Hindi ko alam kong ipapaalam ko pa ba ito sa kanila. Ayokong mag-alala sila lalo na si DeeJhay.

Pumunta ako sa balkonahe at saka nagpahangin. Ayokong isipin na isa sa kanila ay baka mawala ng dahil sa akin.

Gusto kong mang pabalikin na sila Aria sa Amsterdam at sila Kira sa Japan ay hindi ko magawa dahil baka akalain nila na ayoko silang makasama kilala ko pa naman ang mga yun. O.A Kung magreact.

Kinuha ko ang phone ko at saka pinagmasdan ang lock screen ko.(See the multimedia)

Mahal na mahal kita. At hindi na yun magbabago.

Tinago ko ang phone ko saka pumunta sa kama ko, kinuha ko ang laptop ko saka tinawagan si DeeJhay Via Skype.

Namimiss ko na kasi siya.

"Hi Babe. Miss mo na agad ako?"Saad niya

Ngumiti ako sa kanya saka tumango.

"Bakit kasi ayaw mo pang pumasok? Para naman makasama na kita ulit."DeeJhay

"Malapit na akong pumasok saka alam ng mga prof na busy ako. But hindi nila alam ang reason."Ako saka ngumiti ng mapait

"Ang daya mo talaga, Alam mo bang namimiss ka na nila Julia?"Tampo niyang saad

"Namimiss ko rin naman sila ee, Saka nakakaskype ko yung mga yun nun."

"Pero babe, sana sa monthsarry natin makasama kita malapit na yun."DeeJhay

Oo nga, malapit na sa sunday na yun.

"Oo naman, Sa Sunday right? Sabihan mo sila Janella na miss ko na sila. May plano na ako sa monthsarry natin."Ako sabay ngiti

"Di nga?"Hindi niya makapaniwalang saad

Tumango ako sa kanya saka ngumiti.

Nasa ganun akong posisyon ng makarinig akong katok.

"Bye na. Kakain na ako. Love you."

Saka ko pinatay ang tawag. Sinarado ko ang laptop ko saka pinagbuksan si Kenneth.

Pero laking gulat ko ng biglang may sumuntok sa tiyan ko.

Ang sakit. Shit.

Ramdam ko din may pumalo sa ulo ko pero hindi ko alam ang ipinalo.

Then bigla na lang dumilim ang paligid ko.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Sana nagustuhan niyo.

Sorry sa mabagal kong update.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon