TD 01 : Death Anniversarry

1.3K 25 5
                                    

Ethan's Pov

One week na simula nung dumating kami dito sa pinas at One week na rin akong hindi pinapansin ni Kathy. Ewan ko ba naman sa babaitang yun. Basta pag-uwi namin galing sa ospital hindi na ako kinausap. Parang timang lang. Hehehe.

Nasa pagmumuni ako ng may nagdoorbell. Sino ba naman ang tangang magdodoorbell ng ganito kaaga?

Inis akong nagtungo sa pinto, pagbukas ko. What the heck?

"Ohh! Aga aga ahh! Problema?"Tanong ko saka binuksan ng malaki pa ang pinto para makapasok siya.

"Nothing, Five years na siyang dedo. Baka gusto niyo namang dalawin."Natatawang saad niya

"Alam mo kung naririnig ka niya ngayon dadalawin ka niya mamayang gabi. Hahaha."Asar ko sa kanya

"Grabe ha! Hindi noh! Tsaka five years ago pa nung dinalaw niyo siya. Sa pagkakatanda ko nung inilibing lang siya huli niyong dalaw sa kanya ee."Natatawa niyang saad

"Hahaha. Matakot na kayo. Kasi limang taon niyo na siyang hindi dinadalaw paniguradong dadalawin niya kayo ngayon. Hahaha."Natatawa niyang saad habang nakahawak naman sa tiyan.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Pumunta ka lang ba dito para manakot at mang-asar ha!"Inis kong saad

"Chillax Brad. Nagpunta ako kasi makikikain ako. Hehehe."Saad niya habang napapakamot pa sa batok niya.

"Kapal din naman ng apog mo noh! Pagkatapos mo akong paghintayin sa email mo."

Agad naman kaming napatingin sa nagsalita. Si Kathy with her nighties.

"Sexy ohh!"Biro niya

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan Mr.Delos Reyes. Nasaan na yung hinihingi ko sayo?"Tanong ni Kathy, saka naupo sa couch.

Ang hot niya sa nighties niya ha! Hihi.

"Ee. Ano kasi. An--"Naputol yung sasabihin niya ng magsalita si Kathy.

"Ano? Dami mo na namang palusot tas hindi mo na naman magagawan ng paraan. Diba Wedding Organizer ka?"Iritang saad ni Kathy

"Wedding organizer? No. Duh! Ano ako bakla?"Kenneth sabay turo pa sa sarili niya

Gusto kong matawa kaso mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Baka madead ako ng maaga pag sumabat ako.

"Tch, Bakit hindi ka ba Wedding Organizer?"Tanong ni Kathy sa kanya

"Wedding Organizer."Kenneth

"Yun naman pala ee. Bakit mo tinatanggi? May pa ano ako bakla ka pang nalalaman. Tch. Where's the papers?"Tanong ni Kathy

"Hindi ko pa nga naiiemail sayo pero nasa laptop ko na yun."Saad niya

"Then umuwi ka tas iemail mo sa akin, pag naiemail mo saka makikikain dito."Saad ni Kathy at saka pumasok sa kusina.

Tumayo naman ako at sumunod naman siya tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Kakain ako sa ayaw at sa gusto niya."At saka niya naman ako nilampasan.

Ang kapal din ng apog nito ee.

Pagkapasok sa kusina kumakain na si Kathy pero si Kenneth ay nakatayo lamang habang pinapanuod kumain si Kathy.

"Ano ka? Sa ayaw at gusto pala ha!"Ako saka naupo at nag-umpisa kumain.

Pinahihilian ko pa si Kenneth habang kumakain ako ng bacon.

"Ang sarap, gusto mo?"Pag-aalok ko sa kanya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin at saka naman ako tumawa.

"Umupo ka na. Basta sisiguraduhin mong iiemail mo sa akin bago magtapos ang araw na ito. Nagkakaintindihan ba tayo Delos Reyes?"Ma-autoridad niyang saad

Agad namang natuwa ang gunggong at tuwang tuwang umupo at nag-umpisa kumain.

"Pakabusog ka kasi bibitayin ka na. Hahaha."Biro ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

Nang matapos na kaming kumain ay agad pumasok ng kwarto niya si Kathy.

"Una na ako ha! Balik ulit ako mamaya. Hahaha."Natatawa niyang saad at saka lumabas ng unit.

"Tch, Kahit wag ka ng bumalik. Makikikain ka na naman."Bulong ko pero hindi naman niya narinig hehehe.

Naghugas ako ng pinagkainan namin at saka nanuod na lamang ng tv.

Kathy's Pov

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lamang ako ng ripped jeans at saka white vneck shirt. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako ng kwarto ko.

Paglabas ko nadatnan ko si Ethang nanunuod ng tv. Hindi ko na lamang siya pinansin at saka nagdire diretso patungo sa pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita siya.

"Saan ka naman pupunta?"Tanong niya

Sa halip na sagutin ko siya at lumabas na lamang ako ng unit. Pagdating sa parking lot agad akong sumakay sa kotse ko.

Pagdating ko sa cemetery agad akong nagtungo sa puntod niya. Pagdating ko sa puntod niya umupo ako sa damuhan at hinawakan ang puntod niya.

Wala akong masabi, bigla bigla na lang pumatak ang mga luha kong hindi ko mapigilan.

Maya maya ay bigla na lang umulan.

"Sinasabayan mo talaga ang pag-iyak ko noh!"Ako at saka natayo.

Pero bago ako umalis tiningnan ko ulit ang puntod niya at saka nagtungo sa kotse ko.

Bago ko paandarin ang kotse ko ay may nakita akong isang imahe na hindi ko makita dahil sa kalayuan.

Hindi ko na lamang yun pinagtuon ng pansin at saka pinaandar ang kotse papunta sa unit.

Pero hindi ko talaga maiwasang isipin yun. Sino yun? Kita kong nakatingin siya sa akin nun. Sino yun?

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Sana magustuhan niyo.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon