TD 09 :

1K 22 0
                                    

Ethan's Pov

Pagdating ko sa unit ay tumambad sa akin ang isang batalyong lata ng beer.

Sino namang nag-inom dito?

Tsk, Baka si Kenneth.

Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at wala naman si Kenneth. Nilapag ko muna sa kama ko ang gamit ko at saka lumabas ulit.

Bumalik ako sa sala at pinagmasdan ito. Jacket na nakakalat. Isang batalyong lata ng beer ang nakakalat. Isang pares ng sandals ang nakakalat.

Confirm. Si Kathy ang nag-inom dito. Ano namang problema nun?

Inis kong nilinis ang lahat ng kalat. Kahit kelan talaga yun. Wala ng magandang naidulot dito sa unit. Meron naman kahit konti. Naglilinis siya pag nasa mood siya. Pag nasa mood nga lang.

Pagkatapos kong maglinis ay sumalampak ako sa sofa. Grabe kakapagod.

Pinagmasdan ko yung malaking portrait ni Kathy.

She's the girl i loved.

She's one of the popular designers in the whole world.

She's the girl i ever known as the Queen of the two gangs.

Siya lang ang babaeng minahal ko at minamahal hanggang ngayon.

Siya lang. Wala ng iba.

Kathy's Pov

Ughhhh. Ang sakit ng ulo ko. Hinilot ko ito at inis nang bumangon.

Bakit ba kasi ako nag-inom? Ghad! Im insane.

Kinuha ko ang phone ko sa side table ko at tiningnan kung may tawag o text.

From : Secretary Miles.

Ms.Kathy, Ayos na po yung venue nung Fashion Event. Kulang na lang po nung designs ng mga damit na irarampa ng model.

Ghad! Nawala sa isip ko yun. One month na lang at magFaFashion Event na. Ghad!

Bumangon ako kahit masakit pa rin yung ulo ko. Lumakad ako papunta sa study table ko at naupo dun.

Tiningnan ko yung sketch pad at lapis ko. Later na nga lang. Papasok naman kasi ako ngayon ee.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Paglabas ko nadatnan ko si Ethan na nakaupo sa sala habang nagkakape.

"Bakit ka nag-inom kagabi?"Bungad niya

"Nothing. I just want to relax."Walang gana kong saad

Tumango naman siya at humigop sa kape niya.

"Btw, One month na lang Fashion Event na pero wala ka pa ring mga designs na maiirampa."Saad niya

"Papasok ako ngayon at dun gagawa ng designs. Hindi matatapos ang araw na ito ng hindi ko naipapasa sayo yung designs."Saad ko at pumasok sa kusina.

Kumuha ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. Ininom ko yun at saka naupo sa stool.

Kailangan mong magfocus ngayon.

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang picture namin together ni Athena.

"Forever Sister."

"I love my Twinny Kathy."

Napangiti ako ng maalala ko yung panahong bata kami.

Binaba ko ang phone ko at saka uminon ulit ng tubig.

Pagkatapos kong magmuni muni sa kusina ay agad din akong pumasok sa kwarto para maghanda na sa pagpasok.

•••••

"Good Morning Ms.Kathy."Bati ng mga empleyado

Ngini-ngitian ko lamang sila. Nang nasa tapat na ako ng opisina ko ay lumapit sa akin si Miles.

"Good Morning Ms.Kathy."Bati niya pero tinanguan ko lamang siya at pumasok na sa opisina ko.

Pagkapasok ko ay agad kong nilapag ang gamit ko sa lamesa ko at naupo sa swivel chair ko.

Inikot ko ito at pinagmasdan ang mga nagtataasang building sa harap ko. Glass Window ang dingding ng opisina ko kaya kitang kita ko ang mga nagtataasang building.

Hayyysss. Inikot naman ang swivel chair ko paharap sa lamesa ko.

Focus Kathy. Kailangan mo ng magpasa ng mga designs. Kinuha ko ang Sketch pad ko't lapis at nag-umpisa ng magdesigns.

Ilang minuto, Ilang oras na ang lumipas pero tuloy tuloy lang ako sa pagdedesign.

Maya maya ay nakarinig ako ng katok.

"Come in."Saad ko

Ramdam kong bumukas ang pinto pero hindi ko ito nagawang tingnan pa kung sino ang pumasok. Busy ako sa pagdedesign.

"Baka gusto mo munang maglunch."

Agad kong naiangat ang ulo ko.

"What are you doing here?"Saad ko at nagtuloy tuloy sa pagdedesign.

"Nagtext sa akin si Ethan hindi ka pa daw lumalabas ng opisina mo mula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali."Saad niya

Inis kong binaba ang lapis ko at iniangat ang ulo ko.

"Im not hungry. You can go."Saad ko

"Kathy."Pagtawag niya sa pangalan ko

"GHAD! KENNETH ANG SIMPLE SIMPLE LANG NG PAGKAKASABI KO. IM NOT HUNGRY. YOU CAN GO."inis kong sigaw at tinuro pa ang pinto

Hindi na ito nakaimik pa at naglakad na palabas ng opisina ko.

Ghad. Tiningnan ko ang sketch pad ko at binilang ang mga nagawa kong designs.

15 na ito. Naglabis pa ng lima. Tama na ito. Tiningnan ko ang phone ko at alas tres na pala ng hapon.

Ghad! Hindi ko man lang namalayan ang oras.

Tumayo ako at inilagay sa bag ko ang sketch pad. Uuwi na ako.

Paglabas ko dumiretso ako sa opisina ni Ethan. Hindi na ako kumatok at tinatamad ako.

Pagbukas ko nadatnan ko siyang busy'ng busy'ng kinukutingting ang laptop.

Lumakad ako sa harap niya at Padabog na nilapag ang sketch pad ko.

Inis naman siyang tiningnan ako.

"Here the designs, ikaw na ang bahala dyan."Saad ko

Lalakad na sana ako palabas ng opisina niya ng magsalita siya.

"Ano bang nangyayari sayo? Kanina pumunta si Kenneth dito at sinigawan mo daw siya tas eto ngayon padabog mong nilapag ang sketch pad mo."Inis niyang saad

Inis ko siyang nilingon.

"Nagmahal lang naman ako ahh. Pero bakit parang masakit pa ito sa dinanas ko five years ago."Saad ko at lumabas na ng opisina niya.

Inis akong nagtungo sa elevator. What the heck. Nagsumbong pa talaga siya kay Ethan. Ano siya batang sinigawan ng nanay? Tch. Tch.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon