TD 16 : Tagaytay Part 1

1K 23 0
                                    

Kathy's Pov

Nagising ako dahil sa ring na nanggagaling sa phone ko. Kinuha ko ito sa bag ko at tiningnan kung sinong tumawag. Si Ethan.

Tinext ko ito.

To : Ethan

Why?

From : Ethan

Nothing. Steffie miss you already.

To : Ethan

I miss her too. Ikiss mo ako sa kanya.

From : Ethan

Okey.

Rereplayan ko na sana si Ethan ng biglang magsalita ang katabi ko.

"Bumaba ka na. Kanina pa tayong andito at mukhang hindi mo nahalata kasi busy ka kakatext dyan sa katext mo."Saad niya at inipud ako at nilampasan ako.

Problema nun?

Inis akong lumabas ng van. Paglabas ko lumapit ako kila Chie.

"Nasaan gamit ko?"Tanong ko sa kanila. Tas ngumuso sila. Kaya sinundan ko ng tingin ang nginungusuan nila.

Na kay DeeJhay.

Tinanguan ko lang sila at nagtungo kung nasaan si DeeJhay.

"Akin na mga gamit ko."Saad ko pero umiling lang siya

"Kaya ko naman dalh--"Naputol yung sasabihin ko ng biglang sumingit si Julia.

"Magkasama kayo sa iisang kwarto. Aapat lang kasi ang kwarto ng rest house namin."Saad niya habang nakangisi

Tss. Ano namang pinaplano ng mga ito?

"Here's the key. Pwede na kayong pumunta sa mga kwarto niyo."Saad niya at saka nilingon sila Janella

Ilang naman akong napatingin kay DeeJhay.

"Let's go."Saad niya at nung lalakad na siya papasok ay pinigilan ko siya

"Ako na sa mga gamit ko. Mahihirapan ka umakyat dahil marami ang dala mo."Saad ko at kinuha sa kanya ang bag ko at saka pumasok sa loob.

Pagkapasok ko agad akong umakyat at hinanap ang magiging kwarto namin.

Nang mahanap ko na agad ko itong binuksan. Pagbukas ko ay agad kong nilapag sa kama ang gamit ko. Inilagay ko naman sa side table ang susi ng kwarto at saka ko inilibot ang kabuuan ng kwarto.

Malaki ito. Pumasok ako sa unang pinto na nandun. Walk-in-closet. Tas pumasok naman ako sa isang pinto pa. Malaki ang cr at may bath tub at shower dito. Lumabas ako at dun ko lamang nakita ang veranda.

Naglakad ako patungo duon at mula dito sa kinatatayuan ko ay makikita mo na ang beach na napakaganda. White sand ito. At may mga cottage na nakatayo sa palibot ng beach.

Isa lang ang masasabi ko, Napakagandang tanawin.

Nasa ganun akong posisyon ng marinig kong nagbukas ang pinto.

Pumasok ako ulit sa loob at dun ko nakita si DeeJhay na isa isang nilalabas ang mga gamit niya.

Lumakad ako papunta sa kama at nahiga duon. Nagtaklob ako ng kumot at nung pipikit na ako ay agad niyang hinila niya ang kumot.

"Problema mo?"Tanong ko sa kanya at naupo

"Hindi ka man lang ba sasama sa amin?"Tanong niya

Kunot noo ko naman siyang tiningnan.

"Wag mong sabihing hindi mo alam na lalangoy tayo."Saad pa niya

"Nah, I want to sleep. Napagod ako masyado sa biyahe."Saad ko pa at nahiga

"Pero natulog ka naman sa biyahe ahh."Saad niya pa

"What? Kulang pa yun. Pwede ba? Just go."Saad ko at nagtaklob ng kumot.

Julia's Pov

Kanina pang tulala si DeeJhay habang nakamasid sa dagat.

Lumapit ako dito at naupo sa tabi niya.

"Hey."Saad ko at agad naman niya akong nilingon

"Why are you here? Dapat ay andun ka kasama si Diegs."Saad niya

"Mmm."Naisaad ko na lamang

"Anniversarry niyo ngayon diba? Iienjoy mo na lang."Saad pa nito

"Bukas pa ha! Napakasungit mo."Saad ko

"Nah, Im not."Walang gana niyang saad

"Nah, Im not."Panggagaya ko pa sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Kamukhang kamukha niya ang anak niya."Saad niya

"Sino?"Takang tanong ko

"Si Kathy. Kamukhang kamukha niya yung bata kanina."Saad niya pa

Hindi agad ako nakasagot at pinagmasdan ko muna siya. May lungkot sa mga mukha niya.

"Hmm. Si Steffanie."Saad ko at hindi naman siya sumagot. "Napakaganda niyang bata, kamukhang kamukha niya si Kathy kaya kahit wala yung bata sa tabi niya malalaman at malalaman ng mga taong anak ito ni Kathy."Saad ko pa

"Wala siyang nakuha dun sa lalaking naghatid kay Kathy kanina."Saad niya

"Si Ethan?"Tanong ko at tumango naman siya. "Hindi yun anak ni Ethan, ang dad niya ay si Inigo."Saad ko

"Ahh."Naisaad na lamang niya. Tinapik ko ang balikat niya at tumayo na.

Kathy's Pov

"Hey, Wake up."

"Hmm."

"Wake up."

Minulat ko ang mga mata ko at dun ko lamang nakita si DeeJhay na nakatayo at nakatingin sa akin.

Bumangon na ako at naghanap ng masusuot.

"Nakapagdinner na kami. Magdinner ka na lang mag-isa sa baba may nakahain na pagkain na dun."Saad niya pero hindi ko siya sinagot.

Pagkahanap ko ng masusuot ay agad akong pumasok sa cr para maligo.

Janella's Pov

"Love."Bulong niya sa akin.

Nilingon ko naman agad siya.

"Sa tingin mo tama ba itong ginagawa natin?"Tanong niya

"Wala mali sa taong nagmamahal. Kung yun ang pwedeng gawin, gagawin talaga para sa taong mahal mo."Saad ko at naramdaman ko naman ang yakap niya.

"Kamusta na kaya ang anak natin? Naaalagaan kaya siya ng ayos ni Mama."Saad niya

Iimik na sana ako ng biglang ..

"Where's Kathy?"Tanong ni Julia kay DeeJhay na kakababa lang.

"Naliligo lang."Saad niya at naupo sa harap namin

"Are you okay?"Tanong naman ni Chie

Ngumiti ito at halatang kong pilit.

"No, Your not."Sabat ni Elmo

"Im okey, Wag kayong mag-aalala."Saad niya at saka itinaas ang paa sa lamesa

"It's 8'o clock in the evening. Langoy tayo."Yaya ni Alex

"Tsk, Malamig na ang tubig. Magbar na lang tayo. May nakita akong bar."Saad naman ni Diegs.

"Sure."DeeJhay

"Game."Chie

"Game pala tayong lahat ee. Tara na."Saad ni Elmo at tumayo na.

Tumayo na rin kaming lahat at nung patungo na kami sa pinto ay biglang may kumalabog.

*blaaaaag*

"Ano yun?"Kinakabahan kong saad

"Saan yun?"Chie

"Sa kwarto namin."Saad ni DeeJhay at agad nagtatakbo sa kwarto nila ni Kathy.

Sinundan namin siya at hindi namin inaasahan ang makikita namin.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon