TD 04 : Mall

1.1K 24 0
                                    

Kathy's Pov

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay bumaba na ako. Pagbaba ko nadatnan ko sila Brent at Zyrus na nakabihis.

Wag mong sabihing kasama si Brent?

Nginitian ko muna sila at saka pumasok sa kusina.

"Magmamall daw kayo?"Tanong ni Julia habang pinapakain si Aki

"Yup, Hi Baby Aki."Saad ko at saka ginulo ang buhok ni Aki.

"Ninang Kathy."Tuwid niyang saad

Si Akira Loyzaga, Apat na taon pa lamang siya pero tuwid na magsalita. May mga bata kasing utal pa.

"Baby."Ako sabay kiss sa cheeks niya

"Ninong Grey told me na your here na sa pinas."Aki

Nginitian ko lang siya at saka hinalkan sa noo.

"Magmall lang si Ninang ha! Papasalubungan kita."Saad ko at saka lumabas ng kusina.

"Let's go."Yaya ko sa kanila pero hindi sila tumayo

Taka akong tiningnan sila.

"Ayaw kong kasama si Brent."Nakangusong saad ni Zyrus

"Isip bata ka talaga. 21 ka na oyy?"Inis na saad ni Brent sinamaan naman siya ng tingin ni Zyrus

21 pa lang siya? Hindi na ako magugulat. Hehe.

"Tsk, Isip bata pala ha! Pwes wag kang sumama."Saad ni Zy saka Tumayo at lumabas ng bahay

Tiningnan ko naman si Brent na salubong ang kilay na nakatingin sa pintuan.

"Kaibigan ko ba talaga yan, Hindi kapani paniwala. Tss."Rinig kong bulong niya

"He's weird, Ibang iba siya kay Julia."Saad ko

Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"Let's go, ako bahala."Ako sabay hila sa kanya palabas ng bahay

Paglabas namin salubong ang kilay ni Zy habang nakatingin sa amin at saka siya pumasok sa kotse niya. Pumasok na rin kami.

Habang nasa biyahe nagbangayan lang ng nagbangayan silang dalawa.

"Who told you na sumama ka?"Saad ni Zy habang nagdadrive, pero hindi pa rin siya pinapansin ni Brent.

Kanina niya pang tinanong si Brent pero sasagot lamang ito ng pabalang kaya umaabot na lamang sa bangayan.

"Ako nagsama sa kanya."Saad ko at saka tumingin sa labas ng bintana.

*****

"No, Mas bagay ito sayo."

"Hindi nga kasi mas bagay nga ito sa akin."

"Tch, Sabing hindi ee ang baduy baduy niyan ee."

"Mas baduy yan, Itim duh!"

"Mas baduy pa yan sa baduy, Puti? Ano ako makikipaglibing?"

"Mas bagay nga kasi itong puti sayo. Promise."

"Mas bagay nga kasi itong itim sa akin."

"Puti."

"Itim."

"I said white."

"I said black."

"Puti nga sabi ee."

"Black sabi ee."

"Puti nga ang b---"

Naputol ang sasabihin ni Zyrus ng sumingit na ako sa usapan nila. Jusko. Ang iingay nila. Nakakahiya kasi kanina pa silang nagtatalo kung anong bagay kay Brent.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon