Chapter 35 : Forever?

1.4K 28 0
                                    

Kathy's Pov

Pagdating ko sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto ko. Humiga agad ako sa kama ko ng marating ko na ang kwarto ko.

Nakipagtitigan ako sa kisame. Pipikit na sana ako ng maalala ko yung envelope.

Agad akong bumangon at kinuha ito sa bag ko.

Pagbukas ko. Totoo nga. Totoo nga ang hinala ko, Isa siyang membro ng Gang ni Athena. Traydor ka Greyson.

Akala ko ayaw mo sumali sa mga gang na yan.

Napakawalang hiya mo. Kaibigan pa naman kita. Sabagay, Si James ang nagawa din akong traydurin. Si Greyson pa kaya!

Pinunit ko ang envelope at tinapon sa basurahan.

Uunahan ko na ang mga papatay sa akin.

Someone's Pov

Humanda ka na Killer Queen, sa pagbabalik ko. Once, na magpakita ako sayo. Bang. Goodbye Killer Queen. *Evil Laugh*

DeeJhay's Pov

Tinatamad akong bumangon, tinatamad akong pumasok. Papasok nga ako kaso hindi naman niya ako ata kakausapin.

Namiss niya kaya ako? Mahal pa kaya niya ako? Kasi ako Namiss ko siya at Mahal na Mahal ko pa rin siya.

Flashback.

One Month na kaming ngayong araw. Pero hindi ko pa rin siya nakikita.

"Tol, Ano balak mo ngayon? Diba one month niyo ngayon."Diego

Tumango ako.

"One Month na namin pero parang hindi mahalaga sa kanya ang araw na ito. Hindi pa rin siya nagpapakita."Matamlay kong saad

"Malay mo may hinahanda pa lang, surprise kaya hindi pa nagpapakita sayo. Chill lang Bro."Alex

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.

"Tanungin mo na lang mamaya sila Janella kung nakita nila."Elmo

"Janella ka na naman, Kung nililigawan mo si Janella. Napakatorpe nito."Alex

"Wow! Wow ha! Nagsalita ang hindi torpe noh! Baka gusto mong sabihin ko kay Chie n--"

Naputol ang sasabihin niya ng biglang..

"Anong sasabihin sa akin?"

Agad naman kaming napatingin sa pintuan.

"Sasabihin niyang, napakaganda mo ngayon."Alex sabay kamot sa ulo.

"Ahh! Always naman ee. Joke lang."Chie sabay upo

"Ohh! Bakit ang tamlay ng Face mo DeeJhay?"Janella

Sa halip na ako ang sumagot, si Elmo na ang sumagot.

"Hindi niya pa kasi nakikita si Kathy. Nakita niyo ba siya?"Elmo

Umiling lang sila.

Nasaan kaya yun?

End of Flashback..

Dapat nung One Month na kami, icecelebrate sana namin sa condo ko kaso wala ngang Kathy ang nagpakita. Simula nung araw na yun wala kaming nakitang Kathy kahit anino man lang.

Napaisip nga ako noon ee, Tinatanong ko sa sarili ko kung mahalaga ba sa kanya yung Araw na naging kami?

"Senti mode ahh!"Diego

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon