TD 11 : Dinner with them

1K 19 0
                                    

Julia's Pov

Taka kong tiningnan si Kathy. Kanina pa siyang nakatayo habang nakatingin kay DeeJhay.

"Kathy, Have a sit."Saad ni DeeJhay at pinagpag pa yung upuan sa tabi niya

Atleast na dun siya tumabi kay DeeJhay ay nakipagpalit pa siya kay Alex. Naupo ito sa tabi ko.

Sinipat ko ang kabuaan niya. Messy hair. NakaChekered, White Ripped Jeans. Tas nakatsinelas siya.

"Maganda na sana ang suot mo kung hindi ka nakatsinelas."Saad ko

"Tss. Galing kasi akong ICP."Saad niya at nainom ng tubig

"ICP?"takang tanong naman ni Diego

Nagkibit balikat lang siya. May mali ee?

Kukulbit ko na sana siya ng dumating na ang pagkain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin kay DeeJhay kanina pa siya nakatingin kay Kathy.

"Hmm. So Kathy, How's Life?"Tanong ni Chie

"Hindi na kasi tayo nakapagkwentuhan last time kasi busy kakababad sa pool."Saad ni Janella

Tiningnan lang siya ni Kathy at nginitian. Ngiting alam kong peke. At saka siya nagtuloy sa pagkain.

Kwentuhan kami ng kwentuhan pero ni'y isang salita wala kaming narinig kay Kathy. Masyado siyang tahimik at parang lutang.

"Julia, Palit tayo ng upuan. Pwede?"Saad ni DeeJhay

Agad kaming napatingin sa kanya. Tiningnan ko naman si Kathy pero parang wala siyang narinig.

"Sure."Saad ko at nakipagpalit na ng upuan.

Nang maupo na si DeeJhay sa kanina kong upuan ay pinanuod ko ito kung paano niya tingnan si Kathy.

Kathy's Pov

Alam kong nakipagpalit siya kay Julia ng upuan. Hindi ko siya tinitingnan. Kung kakausapin man ako wala akong balak kausapin siya.

"Kathy."Pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko nilingon.

"Kathy."Pagtawag niya ulit. Pero hindi ko ulit siya nilingon sa halip ay nakinig na lamang ako sa usapan nila Chie.

Hanggang sa ..

"Balita ko sa DP Mall magaganap ang Fashion Event mo."Chie

"Yup and Sasama si Annika sa akin sa pagrampa. Nuod kayo ahh. Text ko sa inyo kung kelan."Saad ko at uminom ng tubig.

"Bakit si Annika lang? Dapat may lalaki kayong kasama sa pagrampa. Para parang Happily Family ang datingan."Janella

Nginitian ko sila at saka tiningnan si DeeJhay na busy kakakutingting sa phone niya. Tss.

"Si Ethan yung kasama namin sa pagrampa. Tsaka nakausap ko na si Brent at Zyrus pumayag silang rumampa."Saad ko

"Speaking of Zyrus, Turuan mo naman siya magbake."Saad ni Julia

Taka ko namang tiningnan siya.

"Bagsak kasi siya Baking kaya patuturuan ko. Pwede ba?"Saad ni Julia

"Hmm, Sure. Sunday ang Free ko."Saad ko

Nginitian niya lang ako.

"Kathy, If you dont mind. Did you already taken?"Naiilang na tanong sa akin ni Elmo

"Tss. Wala sa isip ko yang mga ganyan. Tsaka busy ako sa career ko."Saad ko

Tumango naman siya.

"Kathy."Bulong niya sa akin pero hindi ko siya nilingon

"I hope makapunta kami sa bahay mo."Saad ni Janella

"Hahahaha. Wala akong bahay dito sa pinas nasa Amsterdam. Sa Condo ni Ethan ako natuloy."Natatawang saad ko.

Tumango naman silang lahat.

"Kathy, Kamusta na nga pala sila Tita Jane?"Tanong ni Alex

"Ayun sweet pa rin kahit matatanda na pero infairness kahit matanda na sila mukhang mga bata pa rin. Hindi ko na sila pinagtrabaho pa nililibot na lang nila ang buong mundo."Saad ko

"I see, nakikita ko sa post sa IG ni Tito Billy."Saad ni Julia at tinanguan ko naman siya

"Kathy."Tawag na naman niya sa pangalan ko.

Nilingon ko naman siya, ngayon ko lang napansin ang mga mata niyang namumungay. Tiningnan ko kung anong hawak ng kaliwang kamay niya. Hawak niya ang glass wine niya at napansin kong paubos na rin yung wine. The hell! Hindi pa kami nainom pero mauubos niya mag-isa.

Tiningnan ko siya.

"What?"Inis na bulong ko sa kanya tas tiningnan ko sila Julia.

Busy sila sa pagchichikahan. Tiningnan ko ulit siya. Naiiyak ako kasi ngayon ko lang ulit nakita ang kabuuan ng mukha niya.

Iimik pa sana ako ng bigla siyang dumantay sa balikat ko. At pumikit.

"Kung naaalala mo ako, siguro hindi ako masasaktan ngayon."Bulong ko

Alam kong hindi niya maririnig yun dahil tulog na siya.

"Akala ko wala na, wala na itong nararamdaman ko pero nagkamali ako."Bulong ko ulit

Tinagtag ko yung pagkakadantay niya at sinandal yun sa sandalan ng upuan. Tumayo ako at nagpaalam na sa kanila.

Naluluha akong lumabas ng resto. Sumakay agad ako sa kotse ko at tiningnan ko muna sila kung saan ko sila iniwan. Ganun pa rin ang pwesto niya.

Hindi ko na napigilan pa ang luha ko. Tumulo na ito ng kusa.

"Bakit tuwing magkikita tayo umiiyak ako?"Bulong ko at saka pinaandar na ang kotse ko.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon