“Huh ayaw ko nakakahiya.” Mabilis na tanggi ni Cham. Naalala niya ng minsan na magpunta sila sa Mall ay biglang nawala ito yun pala ay may binili ito sa may swimwear department.

“Sige na please tayo lang naman dalawa dito eh” pagpupumilit ni Ellsworth sinabayan pa ng nakakalokong ngiti nito at nagmamakaawang mga mata.

“Ayaw ko short lang ako.” Nakaismid na sabi ng dalaga.

“I just want to see you wear this kahit isang beses lang. Saka bakit ka pa mahihiya? I already saw all of it, diba?” bulong nito habang nakayakap sa iikod ni Cham. Napakagat tuloy si Cham sa pang-ibabang labi nito sa epekto ng bulong nito sa kanya. Nagiging pilyo na kasi si Ellsworth pero hindi naman niya maiwasan na magustuhan ito. Humarap ito sa binata kitang-kita naman niya ang malaking ngiti nito.

“Talaga ikaw ang pilyo mo.” Nakangiting sabi ni Cham sabay kurot sa dalawang tagiliran ni Ellsworth napangiwi naman ito sa sakit.

“Aray naman Yam sige na please” pag-mamakaawa nito habang hawak ang dalawang pisngi ni Cham.

“Hays sige na nga. Basta ayaw ko ng mga malalagkit mong tingin sa akin ah.” Tugon ni Cham kinindatan lang siya ni Ellsworth iniabot na ang swimsuit at humiga sa kama.

“Bakit andito ka pa? Lumabas ka na magbibihis ako mauna ka na doon sa pool” inis na sabi ni Cham.

“Hmm dito lang ako” pang-aasar ni Ellsworth.

“Sige hindi ko na lang ito susuotin” galit na sabi ni Cham sabay hagis nito sa sofa. Agad naman na tumayo si Ellsworth at nakangising lumapit kay Cham.

“Kaw talaga baby hindi ka na mabiro ito nga oh lalabas na ako gagawa lang ako ng fruit shake hintayin kita ah” hinalikan muna ni Ellsworth si Cham sa labi at mabilis na lumabas ng kwarto.

Padabog niya na kinuha ang swimwear na tinapon niya kanina, naiinis siya kasi bakit pa kailangan niyang magsuot nito pero wala siyang magagawa gusto ito ng kasintahan niya. Ano pa nga ba ang iaarte niya nakita na nito ang lahat-lahat. Nawala ang pagkainis nito ng maalala ang itsura ni Ellsworth habang nagmamakaawa na suotin niya ito. Pumunta na siya sa banyo at nagpalit, unang beses niya pa lang magsusuot ng ganito.

Sinimulan na niya itong suotin pagkatapos ay tinignan ang sarili sa malaking salamin. Ang ganda ng napili ni Ellsworth na swimsuit bagay na bagay sa dalaga, umikot siya sa salamin para tignan mabuti ang sarili kahit siya ay hindi makapaniwala sa sarili. Inilugay niya ang mahabang buhok at sinuklay ito naglagay na din siya ng sunblock sa buong katawan.

Dumeretso siya sa aparador na nilaan ni Ellsworth para sa kanya madami na din siyang damit na andito, kumuha siya ng isang puting sarong at ginawang parang isang halter dress ito para takpan ang katawan niya. Paglabas niya sa may pool area ay nakita na niya si Ellsworth na nakababad na sa tubig.

“Hi baby ang tagal mo naman” bati nito, umahon ito at sinalubong siya.

“Ehh nagdadalawang isip kasi ako kung susuotin ko ito, I’m really not comfortable” nahihiyang sambit nito, nasa likod niya ngayon si Ellsworth at niyakap siya nito.

“Ang bango naman ng baby ko, lets go” sabi nito, habang tinatanggal ang nakataling sarong sa leeg ni Cham.

“Ako na lang magtatanggal” iwas ng dalaga, lumayo ito ng kaunti kay Ellsworth.

Napalunok naman si Ellsworth ng makita si Cham na suot ang black two-piece nito, agad siyang bumaba sa pool para maiwasan ang biglang pag-init ng pakiramdam pantay na pantay ang kulay nito na maputi ang magandang hubog ng katawan nito hindi niya maiwasan na hindi ito titigan. Inilahad niya ang kamay sa dalaga para alalayan makababa ng pool. Agad niya itong niyakap pagbaba nito.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon