Agad na sumalang si Papa sa operation ilang oras simula nang dumating kami. I was so tired and sleepless dahil hindi ako nakatulog nang maayos sa eroplano dahil sa pag-aalala kay Papa at pag-iisip kay Greg.

Hindi ko matanggap kung bakit kailangan na gano'n ang mangyari. Bakit kailangan na mag-away kami sa huling sandali at magalit siya sa 'kin? I want to stay with him but Papa needs me also. Sa pagkakataon na 'yon, mas pipiliin ko ang ama ko. I want to bring him but that's impossible because he's looking for his sister plus his responsibilities on the Academy.

"Iniisip mo pa rin siya? Tanginang 'yan, nandito tayo, your father is inside tapos siya pa rin?" Yamot na saad ni Lyndon. Pinunasan ko ang luha at malungkot na ngumiti.

"I can't help but to think about him." Garalgal ang boses ko dahil sa pagpipigil sa iyak. He shook his head.

"Mas okay na naghiwalay kayo. Kung may love nga na namamagitan sa inyo, damn it's a childish love! Hindi pwede na lagi kayong magkasama. Darating at darating ang panahon na maghihiwalay kayo ng landas. At sa pagkakataon na 'to susubukin ang pagmamahal niyo 'kuno'," iritadong saad niya. Napatitig ako sa kaniya at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. He is like a love guru.

Pero napaisip din ako sa sinabi niya. He has a point but it's hard. Alam mo 'yong tipong tama siya pero masakit?

"Don't let the love be the poison. Make it as your strength. Sa lagay niyo kasing dalawa parang mamamatay kayo na wala ang isa't isa. You two needs to grow and mature. And this will be the first step. Kapag dumating ang panahon nang pagbalik natin, doon natin makikita kung tunay nga ba o hindi 'yan. Maybe it's just a powerful infatuation and not love. No one knows." Nagkibit-balikat siya at sinulyapan ako, "I'm a guy, stupid. I know what do guys think. Anyone can say 'I love you' but it's only few who can say 'I'll wait for you' and prove it to you. And serious guys can wait, I swear. Man only fall in love once, ang mga iba na naramdaman niya ay atraksyon lamang. So if that shit really loves you, ikaw na lang. Wala ng iba."

"Hey." Nagising ako dahil sa pagtapik sa pisngi ko. Kinusot ko ang mata at umayos ng upo. Napatingin ako kay Lyndon na lumabas ng kotse.

Nanlaki ang mata ko at sumulyap sa labas. My heart beat faster than the usual when I realized that we are already inside the academy. Bumukas ang pinto sa tabi ko at inalalayan ako ni Lyndon na lumabas mula sa kotse.

Nilibot ko agad ang tingin sa paligid. I felt nostalgic as I see familiar faces and places. Humangin nang malakas at sumabog ang buhok sa mukha ko. I immediately removed some strands covering my face at sinikup iyon sa ibabaw ng balikat ko.

"Happy now?" Sarkastikong saad ni Lyndon. Gusto ko sana siyang ismiran pero hindi ko magawa dahil sa mga titig ng mga nagkalat na estudyante.

Binuhat ng dalawang kasama pa namin ang mga maleta namin at nagsimula kaming maglakad. Ramdam ko ang titig ng mga estudyante sa 'min habang naglalakad kami patungo sa building ng 'Haute Class'.

Doon pa rin ang dorm ko. Isa naman ang nakapagitan sa amin ni Lyndon. Doon rin ang dorm niya. I pressed my thumb on the scanner at bumukas iyon. Agad kong nilibot ang tingin sa loob bago humakbang papasok. Kinuha ko ang maleta ko at nagpaalam sa 'kin ang kasama namin kanina bago sumara ang pinto.

Nilibot ko ang buong dorm at walang nagbago kahit kaunti. Tila baha na kumalat sa isipan ko ang mga ala-ala sa bawat sulok noon. At nang bumalik ako sa may sala, naalala ko ang huling pagkikita namin ni Greg.

Nasapo ko ang dibdib nang tila tinusok iyon ng milyong-milyong mga karayom. Mariin akong pumikit at muling nagmulat. Maraming mga bagay ang dumaraan sa utak ko. Maraming sana. Pero walang what if's. Kasi kahit ulit-ulitin ang panahon na 'yon, I will still choose Papa.

Angst Academy: His QueenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant