Kabanata 15

6.3K 190 3
                                    


Kabanata 15


Isusuot ko na dapat ang damit na binigay ni sir Michael ngunit sinabihan ako ni ma'am Ivy na suotin na lang ang damit pagtapos kong maayusan ng make-up at buhok.


"Please talk to her in tagalog, she's not that good in english." saad ni sir Michael sa baklang mag-aayos sa akin.


"Noted Michael, no problem." aniya saka ako binalingan. Umupo si sir Michael sa tabi ni sir Cloud sa upuan sa likod ko.


"Since medyo kulot ang hair mo, ayusin na lang natin ang pagkakacurl." aniya habang hinahawakan ang buhok ko. "But first make-upan ka muna namin, okay."

"Ah o-okay po." Hindi ko alam kung anong gagawin nila saking ayos pero mukhang mga dalubhasa sila pagdating sa ganito. Ang pinasukan naming salon ay hindi yung salon sa kanto lang, mukhang pangmayaman ang salon na ito.


Wala pang tatlumpong minuto ay tapos na kong ayusan. Tinulungan din nila ako sa pagpapalit ko ng damit. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ako makapaniwalang sarili ko ang nakikita ko sa salamin.


Maayos ang pagkakakulot ng buhok ko ngayon at ang bangs ko ay maganda ang pagkakabagsak. May pekeng pilikmata silang nilagay sakin na lalong nagdepina sa mga mata ko. Ang labi ko nama'y nilagyan nila ng pink na lipstick. Ang suot ko ay isang itim na dress na hanggang tuhod ang kaliwang parte at hanggang kalahati ng hita ang isa. Perpektong nakabuhog ito sa katawan ko.


"Ang ganda ganda mo, feeling ko bukod sa pagiging singer kukunin ka din nilang artista." saad ng baklang nag-ayos sakin.


Nahihiya akong ngumiti sakaniya. "S-salamat."



"Handa ka na bang lumabas?" Marahan akong tumango at inalalayan niya na ko palabas ng kwarto upang salubungin sila sir Michael.


Agad tumayo si sir Michael at sir Cloud pagkakita sakin. Parehas nanlaki ang kanilang mata nang makita ako. Alam kong maging sila ay hindi makapaniwalang ako to dahil ibang iba ang hitsura ko.



"So how's my creation?" tanong ng baklang nag-ayos sakin kay sir Michael.



"I know that you're the best in this industry but I never thought you can change her into an elegant woman in just 30 minutes.". saad ni sir Michael.


Tinitigan niya ko at matamis na ngumiti. "What a beautiful creation of God." ani sir Michael.


"Stop staring at her Michael." ani sir Cloud. Agad siyang lumapit sakin at inalok ang braso niya sakin. "Kailangan mo ng alalay di ba, alam kong hindi ka sanay sa sapatos mong suot kaya kumapit ka sakin hindi kita pababayaan." ani sir Cloud.

















"So here are the questions for the interview later." Inabot kay sir Michael ang papel at agad niya itong tiningnan.


"Ahmmm we have a little problem here. Amelia can't speak in english pwede bang tagalog na lang." ani sir Michael.



"What?" Tumaas ang kilay ng babaeng nag-abot kay sir Michael ng papel. "Is she stupid?"



"Just because she can't speak and understand english language doesn't mean she's stupid." singit ni sir Cloud. "And besides this program is for Filipino people right, so why not use pure tagalog since mostly of your viewers are locals who can't understand foreign language."



Hindi na nagsalita muli ang babae at naglakad na siya palayo. "Chill Cloud."



"Don't tell me to chill when somene's discriminating my girl." ani sir Cloud.



Eksaherado namang binuka ni sir Michael ang bibig niya. "Your girl, she's your girl?" Natatawang saad ni sir Michael.



Hindi na nagsalita si sir Cloud at inalalayan na ko papunta sa upuan kung saan ako pupwesto para sa interview. Kinakabahan ako, hindi ako sanay humarap sa camera.



Pagkaupo ko ay niluhod ni sir Cloud ang isa niyang tuhod upang lumebel ang mukha niya sakin. "Huwag kang kabahan okay, iinterbyuhin ka lang saglit tapos papakantahin ka tapos tapos na." aniya.



"Okay we will start in 30 seconds." sigaw ng direktor. Mabilis na naglakad palayo si sir Cloud.



Kaya mo to Amelia, iinterbyuhin ka lang, kakanta tapos pwede ka na umuwi, kaya mo to. "5,4,3,2 and action!"




"Magandang gabi mga kababayan! Nandito na naman tayo sa pinakaaabangang show ng taon ang TrendToday!" panimula ng host ng show. "Syempre ang pinakapinaguusapan at pinagkakaguluhan sa social media ang guest natin ngayong gabi. Siya ang tinaguriang goddess with a golden voice, mga kababayan our guest for tonight Amelia Ocampo." Nilingon niya ko at matamis na nginitian, nakita ko ding naggalawan ang mga cameraman sa iba't ibang anggulo, kinakabahan ako pero hindi ko dapat ipakita to sa camera.




"Hi Amelia." bati ng host sakin. "Napanuod ko yung video mo kanina and you're so amazing. May nakapagsabi na ba sayo na kaboses mo si Ms. Yeng Constantino?"



Nahihiya akong ngumiti sakaniya at marahang tumango. "O-opo."



"Yung timbre ng boses mo ang lakas makaYeng grabe. Kahit si Yeng ay natuwa sa cover mo ng kanta niyang Ikaw." saad ng host.




"Ahmm maraming salamat po." Ramdam ko ang init ng pisngi at tenga ko. Labis labis ang kaba ko habang nagsasalita. "Alam ko po kung gaano kagaling si ma'am Yeng Constantino at ang mapansin niya po ay isang malaking karangalan." saad ko.



"So Amelia aware ka naman na viral na ngayon ang video mo sa lahat ng social networking sites. Pinag-uusapan ka ng lahat hindi lang dahil sa angkin mong talento sa pagkanta kundi pati na rin sa taglay mong kagandahan." saad ng host.



Nahihiya akong ngumiti sakaniya. "Ang tanong ng karamihan Amelia, may kasintahan ka na ba?" aniya.


Nagulat ako sa tanong niya, kailangan ba pati yun ay malaman nila. Nilingon ko si sir Cloud na matamang nakatitig sakin. "Wala po sa isip ko ang makipagrelasyon." Yumuko si sir Cloud at tinapik si sir Michael sa balikat bago tuluyang lumabas ng studio.

As long as You Love MeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin