Kabanata 13

6.1K 182 3
                                    

Kabanata 13

Pumarada ang sasakyan sa isang parke. Nakita ko agad si Ami na abala sa pag-aasikaso kay ma'am Ivy. Bababa na sana ako ngunit nauna nang bumaba si sir Cloud at pinagbuksan ako ng pinto.

Inalok niya ang kamay niya upang maalalayan ako ngunit hindi ko maigalaw ang kamay ko. Sobrang nakakahiya na tong pagtrato niya sakin na para bang napakaimportante kong tao, ako tong dapat nagsisilbi sakanila dahil ako ang katulong dito.

Kinawayan ko si ma'am Ivy bago siya simulang kunan ng mga litrato. Si Ami naman tumakbo palapit samin. Pansin ko na ang mapanukso niyang ngiti habang papalapit pa lang siya samin. "Ikaw ah kayo na ba ni sir Cloud." bulong ni Ami sakin. Marahan kong tinampal ang braso niya.

"Ano ka ba Ami, nagmamagandang loob lang yung tao." bulong ko din sakaniya. Nasa gilid ko lang si sir Cloud at nakakahiya kung maririnig niya ang pinagsasasabi ni Ami.

"Amelia sasagutin ko lang saglit to, bibili na din ako ng food niyo, hintayin mo ko dito, okay?" aniya.


"Huwag na po sir Cloud, hindi naman po kami nagugutom." tanggi ko. Hinila naman ni Ami ang braso ko at pinandilatan ako ng mata.

"Ano ka ba Amelia kanina pa kami nagugutom ni ma'am Ivy." ani Ami.

"Ami!" sita ko sakaniya.

"Okay bibili na ko." Imbes na maglakad palayo ay lumapit sakin si sir Cloud at marahang hinaplos ang braso ko. "Huwag kang basta basta makikipag-usap sa mga lalaki, kapag may lumapit sayo iwasan mo agad." ani sir Cloud.


"P-pero wala naman pong kakausap sakin dito." Wala din naman akong kilala sa mga katrabaho ni ma'am Ivy.


Bigla niyang hinila ang braso ko palapit sakaniya at mabilis na dinampian ng halik ang noo ko. "Sorry kailangan ko tong gawin para hindi ka nila lapitan." aniya bago mabilis na lumakad palayo.


Impit na tumili si Ami sa tabi ko at halos masaktan na ko sa kakatulak niya sakin. "My God Amelia nag-iimprove na! May pahalik halik na ngayon sa noo." Nilingon ko siya, at naalala ko ang nangyari sa resort. Ang malambot niyang labing nakadampi sa labi ko. "Hoy Amelia ano tulaley na tayo." Bumalik ako sa huwisyo ng biglang sumigaw si Ami. "Ay siya diyan ka lang ah aasikasuhin ko lang si ma'am Ivy." Mabilis na siyang tumakbo patungo kay ma'am Ivy.







Mabuti na lang at may upuan sa ilalim ng mayabong na puno. Nagpasya akong doon na lang hintayin sila ma'am Ivy. "Oh there you are poor little thing." Nilingon ko ang nagsalita sa tabi ko.

"Ma'am Roxy." Umupo siya sa tabi ko. Nakasuot siya ng gold na gown at ayos na ayos ang buhok niya.

"Talagang desperada ka ano, ilang beses na kitang sinabihan na lumayo kay Cloud pero lapit ka pa din ng lapit." Nilingon niya ko at awtomatikong tumaas ang kilay niya habang nakatitig sakin."Naisip mo bang ibigay na lang yung sarili mo sakaniya para mas madaling makakuha ng pera galing sa bulsa niya?"

"M-ma'am Roxy w-wala pong ganun." Nag-iinit ang sulok ng mata ko.

Sarkastiko siyang tumawa. "Huwag mo nga akong niloloko Amelia, hinalikan ka niya sa noo kanina, siguro nasarapan siya sa performance mo, magaling ka siguro sa kama o baka ginalingan mo para sa pera." Muling nagpanting ang tenga ko at hindi ko napigilan ang luha ko. "Magkano Amelia, magkano ang binayad sayo ni Cloud, magkano?" ani ma'am Roxy. "Titriplehin ko lumayo ka lang kay Cloud. Ang mababang babaeng katulad mo ay hindi nababagay sa isang Clinton, dudungisan mo lang ang pangalan nila." Tumayo na si ma'am Roxy ngunit bago siya tuluyang umalis ay muli niya kong tiningnan. "Kung gusto mo ng easy money ipapakilala kita sa mga matatandang bilyonaryo kaya layuan mo na si Cloud." aniya bago naglakad palayo.

As long as You Love MeWhere stories live. Discover now