Kabanata 37

5.1K 144 4
                                    

Kabanata 37



"Sainyo ba tong resort Cloud?" manghang tanong ni nanay.



"Hindi po sakin ma'am, pinsan ko po ang may-ari nito." ani Cloud.



"Grabe ang yaman niyo namang magpipinsan, ikaw may-ari ng airline, pinsan mo may-ari ng private island, ano pa yung iba mong pinsan, may-ari ng Pinas?" Mabilis siyang binatukan ni nanay.



"Huwag mo nga iparinig sa mga tao dito yang katangahan mo, nakakahiya." Nilingon ni nanay si Cloud. "Pagpasensyahan mo na tong anak ko Cloud ha." ani nanay. 







Iginiya na kami ni Cloud papasok ng hotel at tulad ng reaksyon ko nung una kong punta dito ay manghang mangha sila nanay sa kabuuan ng lugar. "Puta ngayon lang ako nakakita ng malaking aquarium, hayop na yan." ani kuya pagdaan namin sa aquarium entrance ng hotel. 



"Iba talaga kapag mayaman ka eh no, pwede ka magpagawa kahit lifesize na aquarium." ani kuya. 



"Itahimik mo nga yang bunganga mo Kaka, tingnan mo yung mga tao tahimik lang, huwag mong ipahalata na mahirap tayo." ani nanay.



"Mayaman na tayo no, papakasalan ni Cloud si Amelia, so yayaman na tayo." Natigilan ako sa sinabi ni kuya Kaka. 



"Kuya ano ba yang pinagsasabi mo." saway ko sakaniya.



"See, sa kapatid mo na mismo nanggaling na umaasa kayong yayaman kayo dahil papakasalan ka ni Cloud." Napalingon kaming lahat sa nagsalita. "What now Cloud, hindi ka pa rin ba natatauhan na gold digger yang babaeng yan?" ani ma'am Roxy.



"Roxy stop." saway ni Cloud sakaniya. 



"Look Cloud, sa kapatid niya na mismo nanggaling na yayaman sila once na pakasalan mo yang babaeng yan. And how sure are you na ikaw lang ang boyfriend ng babaeng yan, hindi natin alam baka may iba na yang nabiktima noon tapos naubos na nilang mag-iina yung pera kaya naghahanap na sila ng bago."



"Hoy babae ka, ayus ayusin mo yang bunganga mo ha, hindi ko nagugustuhan yang mga lumalabas sa bibig mo." ani nanay. 



"Are you offended, bakit po hindi po ba totoo na kaya gustong gusto niyo si Cloud para sa anak niyo dahil mayaman ito." Ngumisi siya. "Tinuruan niyo po siguro yung anak niyo kung paano mang-akit ng lalaki dahil dati naman kayong pokpok." 



"Putangina mo." ani nanay. Agad kong nilapitan si nanay dahil natatakot akong baka sugurin niya si ma'am Roxy. 



"Roxy that's enough, can you just go?" ani Cloud. 



Sarkastikong tumawa si ma'am Roxy. "Ano ba Cloud, hindi mo ba naririnig yung mga lumalabas sa bibig ng pamilya ni Amelia, they curse like as if it's just a normal word. They don't have any class in their body. Do you think your mom and dad will like them, no Cloud." 



"Eh inggitera naman pala to nay eh. Ano ba yan Cloud, binasted mo ba yan kaya pinag-iinitan yung kapatid ko ha?" ani kuya Kaka.



"Excuse me, what did you say?" ani ma'am Roxy.



"Inggitera na nga bingi pa." ani kuya Kaka.



"At bakit naman ako maiinggit jan sa malandi mong kapatid." sigaw ni ma'am Roxy.



"Hoy huwag mong matawag tawag na malandi ang anak ko, hindi pa to nagkaboyfriend, si Cloud pa lang ang naging boyfriend niya." sigaw ni nanay.



As long as You Love MeWhere stories live. Discover now