Kabanata 24

5.9K 184 13
                                    

Kabanata 24

"Oh my God Amelia, I heard what happened." agad akong niyakap ni ma'am Ivy. "Are you okay now?" nag-aalala niyang tanong. Mukhang kakauwi lang nila galing sa shoot dahil nasa sala pa ang maleta ni ma'am Ivy.

"Opo ma'am okay na po ako, niligtas po ako nila sir Cloud." Matapos niya kong yakapin ay lumapit naman sakin si Ami at niyakap ako.

"Cloud what did you do, hinayaan mong lumabas ng hotel si Amelia mag-isa. You knew that she's not familiar here and it's so dangerous. Paano kung hindi mo siya nahanap agad at nadala siya ng mga manyak na lalaking yun ha." singhal ni ma'am Ivy.

"Ma'am Ivy kasalanan ko po, lumabas po ako ng hotel mag-isa, wala pong kasalanan si sir Cloud."

"Amelia stop it, huwag mo siyang ipagtanggol. Nanliligaw siya sayo, sinama ka niya, responsibilidad ka niya kaya dapat hindi ka niya hinayaan." sunod sunod niyang saad.

"Ivy I know it's my fault and I don't want it to happen again." ani sir Cloud.

"And ano tong nabalitaan ko about kay Roxy?" ani ma'am Ivy. Agad akong napayuko, siguro naikwento na agad ni ma'am Roxy ang nangyari, siguro papagalitan ako ni ma'am Ivy dahil sa tingin niya ay sinaktan ko ang kaibigan niya.

"Ma'am Iv-"

"My God Cloud did you actually believe in her? Yan, yan ang problema sainyong mga lalaki, sasabihin niyong mahal niyo yung babae pero hindi niyo kayang paniwalaan, mas pinapaniwalaan niyo pa yung iba. Imbes na ipagtanggol siya sa harap nila Roxy ano Cloud mas kinampihan mo pa si Roxy?" Nagulat ako sa mga sinabi ni ma'am Ivy, ang buong akala ko ay ipagtatanggol niya si ma'am Roxy dahil kaibigan niya ito.

"Wala akong kinampihan Ivy, oo mali ako kasi hindi ko agad napagtanggol si Amelia pero that doesn't mean na kinampihan ko si Roxy." Malumanay na saad ni sir Cloud.

"Ganun na din yun!" Napahawak sa ulo si ma'am Ivy. Nilingon niya ko at bakas sa mata niya ang pagkairita. "Amelia pahirapan mo ang lalaking to ha, kahit kababata ko to hindi ko siya kakampihan." ani ma'am Ivy saka umakyat patungo sa kwarto niya.

Kaming tatlo ay natameme dahil ngayon ko lang ata nakitang nagalit si ma'am Ivy. "Ahh sir Cloud pagpasensyahan niyo na po si ma'am, nandito na po kasi ulit si sir Francis sa Pinas kaya iritable po siya." saad ni Ami.

"I know he called me few days ago." ani sir Cloud.

Sino si sir Francis, bakit iritable si ma'am Ivy dahil nandito si sir Francis. "Sige po sir Cloud iaakyat ko lang po tong gamit ni ma'am, maiwan ko po muna kayo." saad ni Ami.

Napansin kong matamang nakatitig sakin si sir Cloud. Pagtingin ko sakaniya'y bakas ang lungkot sa mga mata niya. "I'm really sorry Amelia." aniya. Lumapit siya sakin at hinaplos ang pisngi ko. "Magpahinga ka na, I'll see you tomorrow." saka dinampian ng halik ang noo ko bago umalis.






"Ang sama talaga ng ugali ng Roxy Nieves na yun." saad ni Ami matapos niyang maghilamos. "Nakikisama lang dun si ma'am Ivy pero hindi niya talaga gusto ang ugali ng isang yun. Napakamatapobre akala mo kung sino." aniya.

Bumuntong hininga ako saka tumagilid ng higa para tingnan si Ami. "Hindi ko din siya masisisi Ami eh, tama naman kasi siya mahirap lang ako, masyadong mataas si sir Cloud kung ikukumpara sakin."

Agad kumunot ang noo ni Ami. "Ano ba naman yang pinagsasabi mo Amelia, hindi naman tulad ng ibang mayayaman sila sir Cloud na matapobre eh." aniya habang abala sa paglalagay cream sa mukha niya.

"Pero ang tulad niya ay bagay lang din sa mayaman." saad ko.


"Magtigil ka nga Amelia, ang love hindi nasusukat sa dami ng pera, kapag tinamaan ka sa isang tao kesehodang janitress, waitress, basurero o kung ano pa man ang trabaho niyan tatanggapin mo yan kasi you're loving the soul of the person not their status in life." aniya.


"Pero panget tingnan kasi parang magiging gold digger yung kalalabasan nung mahirap." saad ko.


Tinigil niya ang paglalagay ng cream sa mukha at hinarap ako. "Amelia sa pag-ibig wala ka dapat pakielam sa mga sasabihin ng ibang tao, as long as you're both happy with each other, keber na sa sasabihin ng iba. Alam mo kasi hindi mo mapiplease ang lahat na matuwa sa relationship niyo."


"Wala naman kaming relationship."

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. "Amelia takot ka lang aminin pero halata naman na inlove ka na kay sir Cloud." Sumalampak na siya sa kama niya. "Amelia tanggalin mo yung takot sa sarili mo, take a risk, malay mo magiging sobrang saya mo kapag hinayaan mo yung sarili mong tuluyang mahulog sakaniya. Amelia love is such a good feeling, oh pure english yun, taray ko dun. Sige na matutulog na ko at may shoot pa si ma'am Ivy mamayang 3." aniya saka pinatay ang lampshade at natulog na.

Tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ako ng mensahe galing kay sir Cloud.

Again I'm sorry Amelia. Hindi ko hahayaang mangyari ulit yun sayo. I miss you already. Sweet dreams Amelia.











Paggising ko ay wala na si Ami. Tiningnan ko ang orasan, alas-otso na pala hindi ko man lang namalayan.


"Amelia?" tawag sakin ni manang Dang. Binuksan niya ang pinto at saka sumilip sa loob ng kwarto namin ni Ami. "Nandyan na si sir Michael." aniya.

"Sige po manang lalabas na po ako, salamat po." Nakakahiya at tinanghali ako ng gising. Mabilis akong kumilos at agad akong nagtungo papuntang sala.


"Nasa dining sila sir." saad ni manang Dang. "Mag-almusal ka na muna dun."


"Salamat manang." Agad kong nagtungo sa dining at naabutan ko si sir Michael, si Jha at si sir Cloud na nag-aalmusal.

"Goodmorning madam." bati ni Jha sakin. "Have some pancakes." alok niya.

Tumayo si sir Cloud at hinila ang upuan sa tabi niya. "Mag-almusal ka na muna, puno ang schedule mo ngayon kailangan mo ng energy." aniya.


"Awwwww inggit me." ani Jha.

"Amelia I heard what happened yesterday, okay ka lang ba, do you want to see a doctor?" tanong ni sir Michael.

Agad akong umiling. "Okay lang po ako sir Michael, hindi naman po ako nasaktan." Nilagay ni sir Cloud ang plato sa harap ko na may hiwa hiwang pancake. Nilagyan niya din ng tubig ang baso ko.

"Honey or strawberry syrup?" tanong ni sir Cloud sakin.

"Akala ko ang itatanong niya, honey or me?" Natatawang saad ni Jha.

Natawa din si sir Michael. "If that's the choice, I think Amelia will choose the honey." Natatawa niyang saad.

"Bakit naman, eh mas yummy naman si sir Cloud kaysa sa honey." Humagalpak ng tawa si sir Michael at Jha.


Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ano ba naman tong pinagsasabi ni Jha. "Don't listen to them, eat." ani sir Cloud saka umambang subuan ako.


"Hoy Michael subuan mo din ako ng pancake, inggit me." biro ni Jha.

"Hahaha may kamay ka, kumain ka mag-isa." Natatawang saad ni sir Michael.


"Eh bakit si Amelia sinusubuan ni sir Cloud eh may kamay naman si Amelia." ani Jha.


"Cause I want to serve my queen." ani sir Cloud.

Halos masamid si sir Michael nang marinig ang sinabi ni sir Cloud. "That's too cheesy bro, too cheesy." Natatawa niyang saad. "Love changes all of the Clintons, they are not like that but when they fell in love they completely changed into a whole new person." ani sir Michael.

"We're born to please the person that we love and make sure to make them feel how much we love them." ani sir Cloud.

As long as You Love MeWhere stories live. Discover now