Kabanata 26

5.9K 205 7
                                    

Kabanata 26

Pag-akyat namin sa building ay nandun na ang helicopter niya. Tiningnan ko kung may ibang pilotong magpapatakbo ngunit wala. "Scared?" ani sir Cloud sa tabi ko. Nginitian niya ko at marahang hinaplos ang siko ko. "Don't be Amelia, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. Let's go?"

Kapag seryoso siya ang gwapo niya, kapag namumula siya ang gwapo niya, kapag nakangiti siya ang gwapo niya, wala ba siyang anggulo na hindi masyadong gwapo.

Binuksan niya ang pinto sa unahan sa tabi ng upuan ng piloto. "You'll be my co-pilot." aniya saka ako inalalayan pasakay ng helicopter. Pagsakay niya ay sinuot niya sakin ang headset. "You're the prettiest co-pilot I ever saw in my entire life." aniya.

Agad namang namula ang pisngi ko sa mga sinabi niya. Sinimulan niya nang paandarin ang helicopter at abot abot ang kaba ko ngunit nang makarating kami sa taas ay napalitan ang kaba ko ng saya.

Napakaganda ng ulap, parang ang sarap nila hawakan dahil sa sobrang lambot nila. Tumingin ako sa baba at nakita ko ang napakagandang karagatan ng Pinas. Sa Villa pa lang ang napupuntahan kong beach pero alam kong isa pa lang yun sa libo libong magagandang isla dito sa bansa.

Wala pa atang isang oras ay nakarating na kami sa Villa Victorina. "This is your room." ani sir Cloud pagkahatid niya sakin sa hotel. Akma siyang lalabas ng pigilan ko siya.

"Magkasama tayo dito?" Ngumiti siya at nakita ko ang pagkinang ng mata niya.

"Kung pwede lang Amelia but this isn't the right time." aniya. Saka ko narealize na ang panget pala ng tanong ko, ang tanga Amelia, mukha tuloy gusto mong matulog sa kwarto na to na kasama siya. "Magpahinga ka na muna, I'll pick you up after two hours." aniya saka tuluyang lumabas ng kwarto.







Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko at nagising na lang ako sa katok sa pintuan ko. Dali dali akong bumangon at binuksan ang pinto. "Hi pretty." bumungad sakin si ma'am Clarisse.

"Ma'am Clarisse." bati ko sakaniya.

"Pwede ba kong pumasok?" aniya. 

"Opo, opo." Nahiya ako sakaniya dahil hindi ko siya agad pinapasok. Ang ganda ganda ni ma'am Clarisse, ang buhok niyang abot hanggang balikat at ang bangs niya ay bumagay sa maliit niyang mukha. Balingkinitan din ang pangangatawan niya, bagay na bagay ang suot niyang dress sakaniya. 

"Nagsuggest ako kay Cloud na ako na ang mag-aayos sayo ngayon para sa party mamaya." ani ma'am Clarisse. May dala dala pala siyang maliit na box. Pinatong niya ito sa mesa sa gilid ng kama.

"Naku nakakahiya po ma'am." Nginitian niya ko at tinuro ang upuan sa tapat ng mesa.

"Huwag ka mag-alala marunong ako magmake-up, natuto ako sa pinsan kong modelo at sa mga kaibigan ko." aniya. Nagulat ako sa sinabi niya, iniisip niya ba na akala ko hindi siya marunong mag-ayos.

"Ma'am hindi po, hindi po...." Bahagya siyang natawa.

"Ang cute cute mo Amelia, kaya baliw na baliw sayo si Cloud." ani ma'am Clarisse. "Halika na, ayusan na kita." Hinila niya ang upuan at sinenyasan akong maupo. Binuksan niya ang maliit na box at nakalagay dun ang iba't ibang klase ng make-up. Kung ako siguro ang mag-aayos sa sarili ko, magpupulbo lang ako dahil hindi naman ako marunong magmake-up. "Kamusta naman kayo ni Cloud?" tanong sakin ni ma'am Clarisse habang nilalagyan niya ng foundation ang mukha ko.

"Ahmmmm..." Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko ng maalala ko ang nangyari sa sasakyan kanina. 

"Alam mo ganyang ganyan din ako noong nililigawan ako ni Caden, parang hesitant kasi baka pinagtitripan niya lang ako. Ang hirap kasi maniwala di ba, kasi kung titingnan mo sila my God, nung nagbuhos ata ng kagwapuhan si Lord eh sinalo nilang lahat." aniya.

As long as You Love MeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora