Kabanata 44

5.9K 183 6
                                    

Kabanata 44



"He's here." ani sir Michael. Mabilis ang tibok ng puso ko, halu halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ako haharap sakaniya, anong sasabihin ko sakaniya, nahihiya ako sakaniya. Bumukas ang pintuan at bumungad samin si Cloud na nakapangpiloto pa ding uniporme. Mabilis ang lakad niya patungo sakin at agad lumuhod upang pumantay sa pagkakaupo ko sa sofa.



Agad naglaho ang kunot sa noo niya nang makalapit siya sakin. "I'm sorry mahal for being away with you." malambing niyang pagkakasabi. Hinaplos niya ang pisngi ko at mataman akong tinitigan. 



"Sorry." At bigla na lang bumuhos ang luha ko pagkasabi ko ng katagang yun. Kanina ko pa pala pinipigilan ang luha ko ngunit nang makita ko siya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala ay kusa ng tumulo ang mga luha ko. "Sorry Cloud, sorry." Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.



"Hey, hey don't cry." malambing niyang pagkakasabi. "Mahal please stop crying." bulong niya. "Look at me, mahal." aniya. Nakayuko ako dahil hindi ko magawang tingnan siya sa mga mata. Paano niya nagagawang humarap sakin matapos niyang mapanuod ang video ko, paano niya nagagawang maging mabait matapos niyang malaman ang nakaraan ko.



"Kung-kung ayaw mo na sakin maiintindihan ko naman kasi. . .kasi hindi ko nasabi sayo yu-yung tungkol dun sa video ko." Halos utal utal na ang salita ko dahil sa pag-iyak ko. "Ku-kung nandidiri ka na sakin, maii-maiintindihan ko naman kasi ma-mali yung nagawa ko dati." 



"Mahal." Lalo akong naiyak sa pagkakatawag niya sakin dahil sa lambing ng boses niya.



"Sa-saka maiintindihan ko kung humanap ka na ng i. .iba sa ibang bansa kasi naglihim ako sayo, saka madumi akong babae." Hinaplos niya ang labi ko upang tumigil ako sa pagsasalita.



"Don't say that, I am not here kung sa tingin ko ay ganun ka Amelia." Pinalis niya ang luha sa pisngi ko at iginiya ang baba ko upang magtama ang mata naming dalawa. "I knew about that video since the day Ivy found you on the street." Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko akalaing alam niya na ang tungkol sa ginawa ko noon.



"Ba-bakit nandito ka pa din?" 



"Dahil mahal kita." Malambing niyang saad. "At kapag mahal mo ang isang tao Amelia, tatanggapin mo lahat maging ang nakaraan niya." Sunod sunod na namang tumulo ang luha ko, hindi ko akalaing ganito katindi ang pagmamahal ni Cloud sakin.



"I'm sorry hindi ko agad nagawan ng paraan para mawala yung video na yun, I'm sorry kung medyo natagalan ako mahal." Muli niyang pinalis ang luha sa pisngi ko. "But I'm here now and I'll make sure no one can ever hurt you again." aniya saka dinampian ng halik ang noo ko saka ako kinulong sa bisig niya. 

As long as You Love MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant