Kabanata 46

6K 183 6
                                    

Kabanata 46



Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. "Oh she's awake." saad ng isang pamilyar na boses at agad bumungad sakin si ma'am Clea. "Where's Cloud?" aniya. 



Unti unti akong lumingon sa paligid ko at nandun lahat ng tito't tita ni Cloud at parents niya. Bumukas ang pintuan at nagmamadaling pumunta sakin si Cloud. "Mahal." may luha pa sa mata niya na parang kakagaling niya lang sa iyak. 



"Anong nangyari?" Ang huli kong naaalala ay nagsusuka ako sa cr at hindi ko na alam kung anong nangyari at bakit nandito ako sa ospital.



"You fainted and you scared us all." ani ma'am Clea. Hinaplos ni Cloud ang pisngi ko at nakita ko ang pangingilid ng luha sa mata niya. Agad akong kinabahan, may sakit ba ko kaya siya umiiyak. 



"Ma-may malala ba kong sakit?" kinakabahan kong tanong. Napangiti naman ang mommy ni Cloud sakin. Lumapit siya sakin at hinaplos ang ulo ko. 



"No hija, you're not sick." aniya.


"Pero bakit po-" tinuro ko si Cloud na matamang nakatitig sakin. 



"He's going to be a father soon." ani sir Matthew.



"Yeah dapat si Cloud ang nagsabi!" saway ni ma'am Clea.



"What, hindi masabi sabi ni Cloud eh saka she's waiting for some answer why Cloud is emotional." ani sir Matthew.



Nagulat ako sa sinabi ni sir Matthew, magiging tatay na si Cloud, ibig sabihin. . . "You're 1 month pregnant hija." ani tita Meredith. At naramdaman ko ang pagpatak ng luha ni Cloud sa kamay kong nasa pisngi niya.



"I'm going to be a father soon mahal, we're gonna have a baby." aniya. Mabilis niyang pinahid ang luha niya at lumapit sakin upang halikan ako. "Oh God mahal, thank you, thank you." aniya. Hindi ko na din mapigilan ang luha ko, magiging mommy na ko, magkakababy na kami ni Cloud. 



"Finally, a baby Clinton is coming." ani tito Clayton. 



"Oh I need to shop for my future pamangkin." ani ma'am Clea. Niyakap ako ni Cloud at ramdam ko kung gaano siya kasaya. 



Pinayagan din kaming makalabas ng ospital matapos akong check-upin ng doctor. Gustong sumama nila tito Clayton sa hotel upang makilala sila nanay ngunit pinigilan sila ni Cloud. Gusto niyang pumunta silang pamilya kapag mamamanhikan na sila. Pagdating namin sa suite ay abala sa panonood si nanay at kuya. 

As long as You Love MeWhere stories live. Discover now