Kabanata 30

5.3K 174 9
                                    

Kabanata 30

May nakita akong isang malaking stuff toy na mapapalunan mo kung makukuha mo sa taas gamit ang magalaw na hagdan. Pinanuod namin ang mga sumubok at halos lahat sila ay nalalaglag. Ang iba naman ay muntik na sanang makuha ngunit nalalaglag din pagdating sa dulo.

"You want it?" ani Cloud.

Nilingon ko siya, gusto ko sanang sabihin na gusto ko yung stuff toy kaso mahirap ang pagkuha dun. "Hindi natutuwa lang ako sa kanila."

Hinaplos niya ang buhok ko. "Okay wait for me." aniya. Mabilis siyang lumapit sa isang staff at nag-abot ng pera. Susubukan niyang kunin ang stuff toy.

"Cl-"

"Mahal wait for me, I'll get that for you." aniya. Hinubad niya na ang sapatos niya at halos mabingi ako sa tilian ng mga babaeng nakakita sakaniya.



"Grabe sobrang gwapo." saad ng isang babaeng sa tingin ko ay nasa 20-23 years old. "Tingnan mo yung braso, ang sarap!" saad niya sa kaibigan niya.

"Be akin na yan, mahal ko na siya." saad ng isang kaibigan niya. Hindi ko mapigilang hindi mapalingon sakanila. Excuse me may girlfriend dito yung lalaking gusto niyo. "Oh my God si mahal!"

Napatingin agad ako kay Cloud na muntik na palang bumagsak, ngunit mabilis niyang naibalanse ang sarili niya sa maugang hagdan. "Go bebe boy, love you!" sigaw ng isa sa magkakabarkada.


Mahal niya na agad eh kakakita niya pa lang, jusko. "Wooooaaahhhh shet ang galing niya!" Tumunog ang bell at nakuha na pala ni Cloud ang stuff toy.

Mabilis siyang lumapit sakin at inabot ang stuff toy. "For you mahal." aniya at akma akong hahalikan sa noo nang ilapit ko ang labi ko sakaniya dahilan upang labi naming dalawa ang magtama.


"I love you." saad ko sakaniya. Napansin kong nakatingin ang magkakabarkada kanina. Nilingon ko sila at nginitian, saka ako giniya ni Cloud paalis.


"I love you, I love you, I love you." paulit-ulit niyang saad habang naglalakad kami. "Gusto mo magcarousel?" tanong niya sakin. Agad akong tumango dahil kahit mukhang pambata lang ang ride na ito ay nakakaaliw pa ring sumakay.

Inalalayan niya ko sumakay sa kabayo at nilagay ang belt sa bewang ko. "Kumapit kang maigi mahal, ayaw kong mahulog ka sa iba gusto ko sakin ka lang mahuhulog." saka siya kumindat.

Natawa ako sakaniya dahil kung titingnan mo si Cloud parang hindi niya kayang sabihin ang mga yun. Marahan niyang kinurot ang ilong ko. "Yang tawa na yan, isa yan sa mga dahilan kung bakit nabaliw ako sayo." aniya. Ramdam ko na ang pag-init ng pisngi ko, kelan ba ko masasanay sa mga sinasabi niya.

Nag-umpisa nang umandar ang carousel. Tuwang tuwa ang mga batang nakasakay sa mga kabayo at maging ang mga magkakabarkada. Sa pangalawang ikot ay parang nakita ko si Jha sa gitna, malapit sa entrance. Pinilit kong lingunin ang entrance ngunit nakaikot na ulit.

Sa isang ikot ay si Ami naman ang nakita ko. Nilingon ko si Cloud at para lang siyang batang nag-eenjoy sa ride. At sa isang ikot ay si ma'am Clarisse naman ang nakita ko. Sigurado akong si ma'am Clarisse yun kahit saglit ko lang siyang nakita dahil sa patuloy na pag-ikot ng carousel.

Biglang nagpalit ang kanta sa carousel at nakikisabay si Cloud sa kanta. "Oh your eyes, your eyes, make the stars look like they're not shinin." Nagulat ako dahil marunong din pala siyang kumanta. Bumaba siya sa kabayo niya at lumapit sakin. "Your hair, your hair falls perfectly without you trying. You're so beautiful and I'll tell you everyday." Nakangiti siya sakin habang kinakanta niya yun. Ang ibang nakasakay sa carousel ay vinivideohan kami dahil sa ginagawa niya.

Hindi pa natatapos ang kanta ay tumigil ang carousel at saktong nakatapat kami sa may entrance kung nasan ang tinatawag nilang Victoria Park.

May mga nagsasayaw na pala sa park at ngayon ko lang napansin dahil nakatitig ako kay Cloud kanina.

"When I see your face, there's not a thing that I would change cause you're amazing, just the way you are. And when you smile, the whole world stops and stares for a while, cause, girl, you're amazing, just the way you are." kanta ni Cloud.

Sa pagtatapos ng kanta ay naglabasan na ang mga taong malalapit sakin at ay hawak hawak silang cardboard.

'Will you be my girlfriend, Amelia?'

Agad akong napalingon kay Cloud na ngiting ngiti sakin. Sinagot ko na siya pero para saan to?

Ang mga pinsan niya ay nasa gitna din ng park na may hawak ding cardboard. "Ask her now dude, dump your scared ass." sigaw ni sir Rhalf.

Lumapit ang isang staff at inabutan si Cloud ng mic. Abot abot ang kaba ko dahil halos lahat ng tao ay nakatingin na samin. "Ahmmmm, ah...." Napayuko siya.

"Oh damn dude you're not fucking scared of heights and now you're scared to ask a simple question, come on." sigaw ni sir Caden.

"Shut up this is a very important matter." ani Cloud. Nilingon niya ko at kita ko sa mga mata niya ang pagkinang nito.

"Mahal." Pagkasabi niya pa lang nun ay nagsigawan na ang mga tao sa paligid namin. Halos mabingi ako sa tili ng mga kabataang nasa tabi namin. "Alam kong sinagot mo na ko but I still want to ask you formally. I know that you still have doubts on me but I'll do everything to prove to you how sincere I am with you. Araw araw kitang liligawan at hindi matatapos yun kahit magkaapo na tayong dalawa."

"Oh damn dude don't marry her yet, kami muna ni Clarisse." sigaw ni sir Caden.

"Amelia Ocampo." at lumuhod siya sa harap ko at halos mabingi ako sa tili ng mga tao. "Will you be my girlfriend?" Nilabas niya ang isang singsing.

"Amelia it's okay to say no." natatawang sigaw ni ma'am Clea. Nagtawanan din ang mga kaibigan at pinsan ni Cloud.

"Yeah Amelia, kung ayaw mo wag mo muna sagutin." sigaw ni ma'am Ivy.

"Mahal don't look at them." Nag-aalala niyang saad. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya pa to, sinagot ko na siya at hindi na kailangan pa ng ganito, pero ang sarap pala sa pakiramdam na masurpresa ng ganito. "Mahal?"

Sunod sunod akong tumango sakaniya at inabot ang kamay ko. "Sinagot na kita at sasagutin kita ulit, at oo ang sagot ko." Lumapad ang ngiti niya at sinuot sakin ang singsing. Agad niya kong inalalayan sa pagbaba ng kabayo at niyakap ng mahigpit.

"I love you Amelia." saka niya dinampian ng halik ang noo ko.

"She's mine now, no one's allowed to touch her." sigaw niya.

"Possessive piece of shit." Kantyaw ng mga kaibigan niya.

As long as You Love MeWhere stories live. Discover now