Kabanata 12

6.7K 220 15
                                    

Kabanata 12

"So Amelia naisip ng management na magcover ka muna ng mga sikat na kanta ng mga singer para mas makilala ka ng mga tao." saad ni sir Michael. "Since sa panahon ngayon mas madaling makilala ng tao kapag nakaupload sa social media, ganun ang gagawin natin. Gagawa tayo ng video mo habang kumakanta, iuupload natin sa facebook at youtube para maging familiar sayo yung mga tao." Paliwanag ni sir Michael sakin. 

"Wait Michael we need to go, I have a shoot." saad ni ma'am Ivy. Tumayo siya kasabay si Ami at ganun din ang ginawa ko ngunit pinigilan niya ko. "Si Ami na lang ang sasama sakin sa shoot Amelia." Bumukas ang pinto at bumungad samin si sir Cloud. "Si Cloud ang bahala sayo, okay." ani ma'am Ivy. 

"Pero po-" Tinapik ni ma'am Ivy ang balikat ako at ngumiti sakin.

"Galingan mo okay, naniniwala akong kaya mo." aniya bago naglakad palabas ng studio. 

"I really think that you two are in a relationship." saad ni sir Michael habang nangingiting nakatingin kay sir Cloud. 

"Shut up Michael, I'm just here because Ivy asked me a favor." ani sir Cloud.

"Favor my ass." ani sir Michael. Nilingon niya ko at natatawa siyang tumayo at inabot sakin ang papel. "Alam mo naman ang kanta ni Yeng Constantino na Ikaw?" tanong ni sir Michael.

Agad akong tumango at kinuha ang papel na naglalaman ng lyrics ng kanta. "Good so let's start." Iginiya niya ko papasok sa isang maliit na kwarto na may mic. Isinuot sakin ni sir Michael ang headset at tinuro ang salamin sa harap. "Nasa loob lang kami, huwag kang kabahan kaya mo yan." aniya saka muli akong tinapik sa balikat. 

"Will you please stop touching her?" ani sir Cloud habang nakakunot noong nakasandal sa hamba ng pintuan. Natatawang lumayo sakin si sir Michael.

"Clintons are fucking possessive." ani sir Michael. Tinapik niya ang balikat nito. "Let's go to the other room."

"Can't I stay here?" ani sir Cloud.

"Fuck dude you can still watch her there, you can't stay here makikita ka sa camera." ani sir Michael. Nilampasan niya si sir Michael at lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at mataman akong tiningnan.

"Kapag napagod ka sabihin mo lang, titigil na tayo at iuuwi na kita." ani sir Cloud.

"Damn dude kakanta lang siya, that's enough." ani sir Michael at hinila na nito si sir Cloud palayo. Kinakabahan ako pero dahil madaming naniniwala na kaya ko, gagalingan ko. "Okay Amelia, ready in one, two, three cue."

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto pintig ng puso

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako, natatakot akong magkamali. Nilingon ko ang salamin kung saan makikita ko sila sir Michael at sir Cloud. Abala si sir Michael sa mga aparato samantalang si sir Cloud ay matamang nakatitig sakin.

Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula nung matanto
Na balang araw iibig ang puso

Alam kong magandang lalaki siya pero ngayon ko lang siya natitigan ng maigi. Ang maamo niyang mukha, na parang anghel na hindi kailanman gagawa ng kasalanan. Ang mahaba niyang pilikmata na lalong nagpaganda sa mata niyang nangungusap. Ang labi niya na parang sobrang lambot at ang matangos niyang ilong, napakaganda ng lalaking ito. 

Ikaw ang pagibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pagibig na binigay
Sa akin ng may kapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pagibig ko'y ikaw

As long as You Love MeМесто, где живут истории. Откройте их для себя