Kabanata 20

5.9K 191 18
                                    

Kabanata 20


"Okay dancers after ng pose niyo sa gitna saka lalabas si Amelia sa gitna, okay?" Kanina pa kami nagrirehearse para sa guesting ko sa isang noontime show. "Okay Amelia get ready." At kanina pa din ako nagkakamali dahil hindi ko makalimutan ang sinabi ni sir Cloud kagabi.


"Ikaw ang gusto kong mapangasawa."

"Amelia!" saka pa lang ako bumalik sa huwisyo ng sumigaw ang floor director.


Dali dali akong naglakad patungo sa gitna ng stage. "Ano ba Amelia, nandito ka nga pero yang utak mo lumilipad, ano ba!" sigaw niya.

Napatungo ako dahil sa kahihiyan. "Sorry po."


"Sige na sige na, irehearse na natin yung kakantahin mo." aniya.


Halos isang oras din ang tinagal ng rehearsal. Naghahanda na ang ibang guest at mga host para sa programa mamaya. "Amelia anong gusto mong kainin?" saad ni sir Michael.

"I suggest huwag heavy food since lalabas siya mamaya, mas magandang flat yung tiyan niya." saad ni Jha, ang make-up artist ko.


"Oh my God! Sinong nagpadala niyan?" Narinig namin ang komosyon ng mga tao sa labas ng make-up room. Biglang bumukas ang pinto at tinawag kami ng isa sa mga staff ng programa.


"Thank you miss Amelia." saad ng mga dancer habang abala sila sa pagpila sa food truck. May malaking LED ang food truck sa taas na may larawan ko at nakalagay ang mga salitang: Wala man ako sa tabi mo, gusto kong malaman mo na lagi kang tumatakbo sa isip ko. Nagmamahal, Cloud.


"I cannot!" tili ni Jha pagkabasa niya sa nakalagay sa LED. "Ikaw na talaga, sayong sayo na ang korona!" aniya.



"Thank you miss Amelia." bati ng isang cameraman habang abala sa pagkain ng kinuha niya sa foodtruck.


Naiilang akong ngumiti. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa mga pangtutukso ng mga tao sa paligid ko. "The asshole's calling." natatawang saad ni sir Michael. Inabot niya sakin ang phone ko at saka siya nakisali sa mga taong kumukuha ng pagkain.

"H-hello?"


Rinig ko ang buntong hininga niya. "Hindi ko alam kung anong meron sa boses mo pero kapag naririnig ko kumakalma ako." aniya. Kanina mainit ang pisngi ko, ngayon pati tenga ko ay mainit na. At sa sobrang lambing ng boses niya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Ahmmm."


"Okay, okay I know busy na kayo diyan, tumawag ako kasi gusto kong sabihin na......" Isang mahabang katahimikan at ang buong akala ko ay naputol na ang tawag.


"Ah si-"


"Miss na miss na kita Amelia." At tulad dati ay wala akong maisagot. Tumatalon ang puso ko sa tuwa pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Para bang walang katumbas na salita ang sayang nararamdaman ko ngayon. "Ahmm sige na kumain ka na diyan. Bye Amelia." aniya bago pinatay ang tawag.


"Oh anong sabi ni loverboy?" usisa ni Jha.




"Ahhhh....."


"Speechless te hahaha." aniya saka ako nilampasan upang pumasok sa make-up room at doon kumain.










Ilang minuto lang ang tinagal ng pagkanta ko pero ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Humupa naman kahit papano ang kaba ko ng malakas na nagpalakpakan ang mga manunuod.


"Miss Amelia papicture." saad ng mga audience ng magcommercial na. Nahihiya akong tumango sakanila. "Grabe ang ganda mo na po ang galing mo pang kumanta."



"At may jowa pa po kayong sobrang pogi." saad ng isa pang nagpapicture. "How to be you po?" Nginitian ko sila at nagpasalamat. Malaki ang pasasalamat ko sakanila dahil kung hindi nila ko sinusuportahan ay baka wala ako dito ngayon sa kinalalagyan ko.



Ilan pang mga tao ang pinaunlakan ko hanggang sa tinawag na ko ni sir Michael. "Let's go home." aniya saka ako giniya palabas ng studio.



Paglabas namin ng studio ay may mahabang sasakyan na naghihintay sa amin. "What the seriously?" Nilingon ko si sir Michael.


Natatawa siyang umiling. "That limousine belongs to that asshole, what a showoff!" Natatawa niyang saad. "Kay Cloud yan." aniya saka ako giniya papalapit sa sasakyan. Agad namang binuksan ng nakaunipormeng lalaki ang pinto para sakin. "The Clintons way" Natatawang saad ni sir Michael.




"Sige na sumakay ka na Amelia, I'll take my car." saad ni sir Michael. Tinapik niya ko sa balikat saka ako inalalayan papasok. "Take care." aniya saka sinara ang pinto.


Laglag ang panga ko pagkakita ko sa loob ng sasakyan. Ang itim na upuan nito ay kumikinang na parang hindi nadadapuan ng anumang dumi. May mga basong naksabit sa isang gilid at may maliit na mesa sa gitna. May tv din sa gitna. Nagulat ako ng biglang bumukas ang bintana sa ilalim ng tv. "Magandang hapon ma'am Amelia, pwede niyo pong kainin ang kahit ano pong magustuhan niyo, lahat po ng yan ay para sainyo." aniya saka ako nginitian at sinara na ang bintana.


Biglang bumukas ang tv. May multo ba dito bigla bigla na lang nabukas ang mga bagay. "Amelia." Isang nakangiting Cloud ang nasa tv. "Ang sasakyan na to ang magiging service mo araw araw, at ang driver na yan ay ang personal driver mo. Kasi ang isang magandang binibining katulad mo ay dapat tinatratong parang reyna. I miss you Amelia."

As long as You Love MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt