Kabanata 22

5.7K 181 5
                                    

Kabanata 22

Pumarada ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling hotel. "Welcome to Okada Miss Amelia." Sunod sunod ang pagflash ng camera. Hindi ko alam kung anong meron, ang daming reporters at sunod sunod din ang pagdating ng mga tao.

Iaabot ko na sana ang kamay ko sa staff ng hotel ngunit kamay ni sir Cloud ang nahawakan ko. "Hmm I know this will sound immature but I don't like other men holding your soft hands Amelia. It only belongs to me." aniya.

Lalo siyang nagningning sa suot niyang tuxedo. Perpekto ding nakaayos ang buhok niya. "Miss Amelia, Mr. Clinton picture please." sigaw ng mga nag-iintay na reporters.

Inalalayan ako ni sir Cloud sa pagbaba sa sasakyan at pinadausdos niya sa bewang ko ang kamay niya saka ako marahang hinila palapit sakaniya. "Picture daw Amelia." Ngumiti siya sa mga reporters na nakaabang.

Hindi ko tuloy maalis sa isip ko ang sinabi ni ma'am Roxy. Baka nga sinabi niya lang yun sa lahat upang mapansin nila ko. Tama nga naman si ma'am Roxy, kung nililigawan ako ng isang gwapong C.E.O pag-uusapan talaga ako.

"Amelia is there anything wrong?" Bumalik ako sa huwisyo ng haplusin ni sir Cloud ang braso ko.

"W-wala po." aniya. Ngumiti siya sakin saka hinawi ang takas na buhok sa mukha ko.

"Ang ganda ganda mo Amelia, lahat napapalingon sayo pero masaya ako na ako ang nasa tabi mo." Matamis niya kong nginitian saka ako giniya papasok ng hotel.


Manghang mangha ang mga mata ko sa ganda ng hotel na ito. Naghuhumiyaw ng karangyaan ang buong hotel na to. "Hi Amelia." Lumapit samin si ma'am Clea at agad siyang nakipagbeso sakin. "Grabe ang ganda ganda mo. I told you Cloud bagay sakaniya yang dress." saad ni ma'am Clea.


"Lahat naman ng dress bagay sakaniya Clea." ani sir Cloud.


"Smitten." saad ng kakadating lang na lalaki. Nakasalamin siya at mukha siyang suplado tingnan. Ang alam ko nakita ko na siya dati pero hindi ko matandaan ang pangalan niya.


"Clyde I thought you can't come." saad ni ma'am Clea.



"Well I just have-"

"Oh no need to explain, nandito naman pala kasi si Adi kaya pumunta ka din." putol sakaniya ni ma'am Clea.


Kumunot lang ang noo niya at hindi na siya nagsalita pa ulit. Lumapit samin ang magkasintahang Caden at Clarisse, may kasama silang isang maganda ding babae na may mahabang buhok. "Adrienne, Adrienne Anderson?" saad ko. Isa siyang sikat na modelo, nakikita ko siya sa magazine ni kuya Kaka.


Ngumiti siya sakin at inalok ang kamay niya. "Oh hi Amelia, it's nice to finally meet the girl who captured Cloud's heart." aniya.

Mabuti na lang talaga at nakikinig akong mabuti sa tutor na binigay sakin ni sir Michael. Unti unti ko nang naiintindihan ang mga ingles nila. Nginitan ko siya at nagpakilala ako.


"What's with your dress Adi, wala ka na bang ibang dress?" saad ni Clyde.

Agad naman siyang inirapan ni Adi at naglakad na palayo. Sila bang dalawa? Tinapik naman ni sir Cloud ang balikat ni sir Clyde. "Chill Clyde, binabadtrip mo na naman si Adi eh." Natatawang saad ni sir Cloud. "Sundan mo na baka hanapin non si Matthew." aniya.

Marahas na inalis ni sir Clyde ang kamay ni sir Cloud. "I know what to do." saka mabilis na naglakad papasok ng grand ballroom.

"Let's go, mag-uumpisa na." Hindi ko pa nga pala naitatanong kung anong meron at bakit kami nandito.

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon