Kabanata 36

5.6K 155 8
                                    

Kabanata 36



Nagising ako dahil sa init ng hiningang dumadampi sa leeg ko. Ramdam ko din ang bigat ng brasong nakadantay sa bewang ko. Unti unti kong minulat ang mata ko at bumungad sakin ang isang engrandeng ilaw sa ibabaw ng kama. Hindi ito ang kwarto ko sa hotel.

"Hmmmmm." Nilingon ko ang nasa tabi ko at bumungad sakin ang napakaamong mukha ni Cloud. At parang isang pelikula na nagreplay sa alaala ko lahat ng nangyari kagabi. Nang subukan kong iusog ang binti ko ay naramdaman ko ang tindi ng kirot sa pagitan ng hita ko. Ginawa namin, ibinigay ko, sinuko ko ang lahat lahat sa taong pinakamamahal ko.



Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. Nagulat ako nang bigla niya kong dampian ng halik sa labi. "Goodmorning mahal ko." aniya saka ako matamang tiningnan.

Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil hindi pa ko nakakapagsipilyo. "Hmmm mahal." aniya saka inalis ang kamay ko sa bibig ko.

"Hindi pa ko nakakapaghilamos." bulong ko.

"Kahit hindi ka pa maligo ng ilang araw ikikiss pa din kita mahal." aniya saka muling siniksik ang ulo sa leeg ko.



Biglang tumunog ang cellphone ko. "Si sir Michael tumatawag." saad ko. Sasagutin ko na sana ang tawag nang hablutin ni Cloud ang phone ko.


"She's not available today Michael, she's sick." aniya saka pinatay ang phone ko.



"Mahal bakit mo ginawa yun, nakakahiya kay sir Michael." pilit kong kinuha ang phone ko sakaniya ngunit kumirot lamang ang pagitan ng hita ko ng pilitin kong gumalaw.


"Ahhh." Bakas ang pag-aalala sa mukha niya ng marinig akong dumaing sa sakit.

"Is it that bad mahal?" puno ng pag-aalala ang mukha niya. Tinukod niya ang siko niya sa kama at mataman akong tiningnan.


"Ahmmm makirot lang yung...yung" ni hindi ko matuloy tuloy ang gusto kong sabihin.


"Don't move mahal, just relax okay?" aniya saka dinampian ng halik ang tungki ng ilong ko. "I'll get some breakfast for us." aniya saka tumayo.

Nanlaki ang mata ko dahil wala siyang suot pang-ibaba. Sobrang kinis niya at walang bahid ng kahit anong peklat. Bigla siyang humarap at tumambad sakin ang isang parte ng lalaking hindi dapat makita ng lahat ng babae. Agad kong iniwas ang tingin ko.


Naramdaman ko ang pagdampot niya ng mga damit niya at ang pagsara ng zipper niya. Ang awkward pala ng ganitong sitwasyon. Umikot siya sa kama at muling lumapit sakin. Nakasuot na siya ng shorts at tshirt. "I love you mahal." aniya saka muling dinampian ng halik ang noo ko saka lumabas ng kwarto.

Nang makalabas siya ay nakita kong nakakalat ang damit ko sa sahig. Dahan dahan akong kumilos upang makapagbuhos man lang dahil nakakahiya kay Cloud. Kahit ramdam ko pa din ang kirot ay pinilit kong maglakad patungo sa cr.

Napakaganda ng kwarto na to, parang kwarto sa mamahaling hotel. Maging ang cr ay naghuhumiyaw ng karangyaan. Binuksan ko ang cabinet at tumambad sakin ang iba't ibang klase ng damit pambabae. Ang isang parte ng cabinet ay puno ng mga sapatos, alahas, underwear at bikinis. At ang isang cabinet naman ay puno ng damit panlalaki.


"Mahal?" Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Cloud. "Are you taking a bath?" aniya. Maliligo nga pala ako, masyado akong naaliw sa pagtingin sa mga gamit dito. "I'll wait for you here mahal, take a warm bath, I asked the doctor, she said it can help to ease the pain."


Nagulat ako sa sinabi niya, talagang nagtanong siya sa doctor kung paano mawawala ang sakit sa pagitan ng hita ko. Sobrang nakakahiya, eh di alam na ng doktor na may, na may. . . Napatakip ako sa mukha ko, nakakahiya.





Napaigtad ako sa katok sa pinto. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako sa bathtub. Totoo nga ang sinabi ni Cloud, nakakawala ng sakit ang maligamgam na tubig. Kahit papaano ay hindi na ito masyadong makirot.


"Mahal are you okay?" ani Cloud. "Mahal?"

Tiningnan ko ang orasan, magkakalahating oras na pala akong nakaidlip. "Mahal?" puno ng pag-aalala ang boses ni Cloud.

"Ahhmmm pa-palabas na." saka lamang siya tumigil sa pagkatok sa pinto. Mabilis akong nag-ayos at lumabas na. Nakahanda na sa kwarto ang pagkain namin.


Agad niya kong kinulong sa yakap. "Pinag-alala mo ko, akala ko kung napano ka na sa loob." aniya habang yakap yakap ako.


"Sorry nakaidlip ako habang naaa bathtub." saad ko.

Huminga siya ng malalim saka humiwalay sa pagkakayakap sakin. "Are you feeling better now?" aniya. Agad akong tumango. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "Let's eat now mahal." iginiya niya ko patungo sa mesa na punong puno ng pagkain.












"Saan tayo pupunta mahal?" tanong ko ng mapansin kong hindi kami papuntang hotel.

"I asked Michael to give you some break cause you will be really busy for the next few weeks mahal and I will be out of the country too so I want to spend some time with you." aniya.


Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Pupunta siya ng ibang bansa, ilang araw ko siyang hindi makikita.



Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang daliri naming dalawa. "Don't worry mahal, I will call you every night." aniya saka hinalikan ang likod ng palad ko. "Or if you want you can come with me." aniya saka ako kinindatan.


"Wala naman akong passport mahal saka may mga appointment pa kami ni sir Michael." Napangiti siya at binalik ang atensyon sa pagmamaneho.


"Mahal you know you can quit singing anytime, I can earn for our family." aniya.



"Hindi naman pwede yun, ayokong iasa lahat sayo, hindi tama yun." saad ko.



"It's the guy's responsibility to provide for our family mahal." aniya. "And I will provide everything for you and for our future children." aniya.



Ramdam ko lalo ang pag-init ng pisngi ko. Iniisip niya ng bumuo ng pamilya kasama ako. Parang may mga dagang nagtatakbuhan sa dibdib ko, nagtatakbuhan sa kagalakan.





"Cloud." tawag ng lalaking kakababa lang din ng sasakyan.


"Max." ani Cloud. Lumapit siya samin at nakipagfist bump kay Cloud. "Where have you been man?" ani Cloud.


Pinadausdos ni Cloud sa bewang ko ang braso niya. Nilingon ako ng lalaki at nginitian. "Wife?" aniya.



"Yes" Agad akong napalingon kay Cloud, ngumuso siya at kinindatan ako. "Alright alright, future wife." Natawa naman ang lalaki sa harap namin.




"Don't scare her man, she might run away." natatawang saad ng lalaki.


"Then I'll follow her." ani Cloud. "By the way mahal, meet Maxwell Juego owner of this hotel. Max, meet Amelia Ocampo Clinton, my girl." ani Cloud.


Nakipagkamay sakin si Maxwell at iginiya na kami papasok ng hotel. "The yacht is waiting for you." aniya.



"Aren't you going to the Villa?" tanong ni Cloud.


"Maybe after the meeting with my managers." Nilingon niya ko at nginitian. "See you around Amelia." aniya saka kami iniwan ni Cloud.



"Let's go mahal?" Inalalayan niya kong sumakay ng yate at laking gulat ko ng tumambad sakin si nanay at kuya.


"Anong ginagawa niyo dito?"


"Inimbitahan kami ni Cloud, at anak nakapangalan sayo tong yate juskopo." ani nanay.


Nilingon ko si Cloud, ito ba ang sinakyan namin kanina, pero imposibleng makaabot yun hanggang dito sa Batangas, ibig sabihin bumili siya ng isa pa?


"Bini-"



"Ang mga susunod na yate ay ipapangalan ko na sa mga anak natin mahal." aniya saka dinampian ng halik ang labi ko.

As long as You Love MeМесто, где живут истории. Откройте их для себя